CHAPTER 5: Go Back to School with Khent

3 0 0
                                    

REIGN's POV:

We are born to fight; we must be loved; we're not trash that are likely to be thrown away. I despise those people who are acting like they were the victims, well infact...they're not! Just like this young girl that happens to be my grade 2 classmate.

"Are you saying the truth, Xyra?" I rolled my eyes heavenwards. As if she's going to tell the truth.

"Yes po, ma'am. Sinabunutan niya po ako. Look at my hair po ma'am, it's so magulo na po."

"My goodness, gracious, Reign! First day of school ngayon, nadawit ka agad sa gulo?"

"Xyra, bakit 'di mo na lang aminin na gumagawa ka lang ng kwento? Kung 'di ka aamin, ako mismo ang magpapatunay na 'di kita sinabunutan."

"No way! Hindi ako aamin. Ikaw naman talaga ang sumabunot sa'kin eh!"

"Really? If that's the case, let's go back to the classroom and ask them if Xyra's telling the truth."

Nagkatinginan kami ng adviser namin. Nasa guidance office kami ngayon dahil sa batang bruhilda na 'to.

Tatawa-tawa akong lumabas ng guidance office habang si Xyra, ayon...naiwan sa loob, HAHAHHAHA! Mabait naman akong bata, 'wag lang paikliin ang pasensya ko.

"Where have you been? Khent and I were looking for you the whole damn time." May pagka-seryoso ang tono ni Nyx.

"Teka lang, chill okay? Galing lang ako sa guidance office. 'Yong---"

"Nasangkot ka agad sa gulo?"

"Patapusin mo muna 'ko, Nyx ano ba Napag-bintangan lang okay?"

"Kaya pala ate ang ingay ng mga classmates natin kanina pagpasok ko sa room."

"Yes, Khent. Tara na?" I looked at Nyx, "You're coming?"

"Not this time, may nagpapatawag sa'kin sa faculty. Please accompany my brother, Reign. I'll go ahead." Magsasalita pa lang sana ako pero agad na siyang nasa malayo. Loh?

My elementary life made myself to be stronger. There are still times that my schoolmates bully me. Na kesyo raw mahiraop ako, na bobo ako kaya paulit-ulit ako which is 'di naman totoo. I'm just ignoring them, 'di naman makitid utak ko.

"How's school?'

"Doing great, mommy!"

"That's good to hear, Khent. How 'bout you, Reign? How's your study?"

"Likewise to Khent, Mrs. Teleonore."

"Good to hear," she said and roam her eyes around the kitchen. "Where's Nyx?"

Hala! Nasa'n na nga pala 'yon?

"Hindi siya sumabay sa'min pa-uwi eh."

"Why?"

"Hindi ko rin po alam. Huling pag-uusap naming tatlo kanina ay noong recess." Napapa-iling na lang si Mrs Teleonore sa sinabi ko.

Sighed...

Years later...

"Ate Reign, crush po kita." My eyes widen as if my eyeballs will go out."

"Haaa?!"

Khent holds the back of my hand and look at me straight in the eye, "I'm dead serious, ate Reign."

"Uhm, paano mo nasasabi 'yang mga katagang 'yan, Khent?"

"By using my mouth."

"Seryoso ka?" Tinitigan ko siya nang mabuti. Grabe! 'Yong puso ko! Unti-unting gumuhit ang isang linya sa labi niya...

"Joke lang! Nagpa-practice lang ako HAHAHA!"

P-practice lang? P-pero ba't gano'n ang epekto ng mga salita niya sa'kin?

"Aaaah! Ha-hahaha! Ikaw Khent ah, grade 6 pa lang tayo ha? Baka gusto mong isumbong kita sa mommy mo?"

Kumapit siya sa'kin na parang bata, "No, please. Lalo na kay kuyaaaa!"

"Sige, sige. Ba't ka nga nagpa-practice?"

"May crush kasi ako, and I want to tell her my feelings. Ano, ayos ba 'yong ginawa ko kanina?"

Uhhhh...?

"O-oo! Oo. Nadala mo nga 'ko sa mga sinabi mo eh hahaha!"

"Ba't parang napipilitan kang tumawa?"

"Hindi noe, tara na nga. Uwi na tayo." Nauna na'kong naglakad pero tumingin ulit ako sa likod dahil feeling ko hindi siya sumunod. "Anong klaseng ngisi 'yan? Ngisi ba 'yan o ngiti?"

"Wala, nevermind. Let's go?" Then he grabbed my wrist and walked straight to their car

Loh? Akala ko ba may crush na 'to? Ba't may pa-hawak siya sa pulsuhan ko?

Nah...siguro dahil close lang kami magmula pagkabata niya.

Patungo na'ko ngayon sa kwarto ko nang napadaan ako sa kwarto ni Nyx. Rinig na rinig ko mula rito sa labas ng kwarto niya ang mga nababasag na gamit. Ano na namang pumasok sa utak ni Nyx? Jusmeyo!

Inilapit ko ang tainga ko sa pintuan dahil biglang sumigaw si Nyx.

"WHY HER? DAMN! SO MANY GIRLS BUT WHY HER?" sigaw niya mula sa loob ng kwarto niya.

Lumayo na'ko mula sa pintuan noong nakita ko ang paggalaw ng doorknob. Nagtama ang mga mata namin and I can say that he's in a deep sorrow.

Umiwas siya agad at pabalibag na isinarado ang pinto.

Eh? Family problem ba 'yon o love problem?

_________

Copyright 2021
FB Account: https://www.facebook.com/dafphnie.lumbag
IG Acc: daflumbag

MISS BABYSITTERWhere stories live. Discover now