*REIGN's POV:
A numb person can also feel pain; a tough person can also be weak; a silent person has the loudest scream. Well, it's my beliefs and it's up to you if you'll believe me.
Standing behind this wall, peeking on that man's shadow that I can see from here. He's thorn apart, he's crying. I can't see his face but through his voice, I automatically know who is he.
"Nyx," I whispered weakly.
This past few weeks, napansin kong iniiwasan niya 'ko. Hindi ako manhid para hindi maramdaman iyon. Huling usap naming dalawa ay noong nagpabili si tita sa kanya. I don't have any clue of what he's going thru but I hope he'll be fine.
"Reign." I heard a call from Khent from my back. Agad akong napatingin sa kan'ya. "Anong ginagawa mo rito?"
"May tinitignan lang. Heto siya oh—"
Ha? Nasa'n na si Nyx?
"Who? Where?"
"Nawala siya hoho!"
"Sino ba tinitignan mo? Huwag mong sabihing stalker ka niya?"
Nauna na'kong maglakad dahil wala na rin namang sense 'pag nando'n pa rin kami. "Hindi ah! 'Di ko nga kilala 'yon eh. Na-curious lang ako kung ba't siya umiiyak."
Okay, I lied. Actually nakita ko siyang lumiko kanina kaya sinundan ko agad. Ewan din eh, may nag-udyok sa'kin na sundan siya.
"Maybe that person you're talking about has something to deal with the people around him/her."
"Maybe," I answered and fixed my ponytail.
"Let's go. Masama'ng nakiki-tsismis sa ibang tao." Napatawa na lang ako nang mahina dahil sa sinabi niya. Sumunod ako sa kanya pero 'di pa rin nawawala sa isip ko kung bakit umiiyak si Nyx kanina. I don't know why but I have the feeling na dapat hindi ako mag ku-kwento kay Khent tungol kay Nyx. Kaya 'di ko sinabi kanina na si Nyx 'yon kasi parang may kaka-iba. Ewan? Parang lang naman.
Ang ingay na ng room no'ng pumasok kami ni Khent. Ano'ng ganap? Hindi ako updated.
"Ano'ng nangyayari?" bulong ko at 'di ko inasahang may nakarinig pala na classmate ko.
"May pa-pageant daw sa Foundation Day at screening na bukas ng grade 7 para sa magiging representative natin." She's Mandie, mabait siya base sa pakitutungo niya sa'kin.
"Ahh! May makiki-screening sa'tin?"
"Yes yuff! Kaya ang ingay nila eh. Additional 50 points daw sa PE."
"Wengya? Pass ako HAHAHA! Manonood na lang ako." Tumango-tango lang siya at huli ko ng napansin na naka-upo na pala si Khent. Amp! Naiwan pala ako rito sa may pintuan.
Since magkatabi lang kami ni Khent, nagsimula na'kong maglakad patungo sa upuan ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang sama ng tingin ng tatlong classmates ko. Ginagawa ko ba sa kanila ha? Since pumasok ako ng grade 7, dumami nang dumami ang naka-aawy ko jusko. Huwag naman na silang dumagdag. By the way, 'yong pinaka-leader nila ang tumulak sa'kin noong first day of school. Siya ang dahilan kung bakit na-clinic ako agad hayst!
Nilagpasan ko na lang sila. Alam kong magkaroroon ng gulo 'pag tinanong ko pa kung bakit ang sama nilang makatingin.
"Psst, Khent!" mahinang sitsit ko no'ng naka-upo na'ko sa tabi niya. "Ayaw mo sumali sa screening?"
Tumawa siya nang mahina bago ako harapin at sagutin. "Sa gwapo kong 'to?" Tinuro niya mukha niya, "hindi ako sasali kung hindi ka sasali."
Agad ko siyang binatukan, "Wengyang pag-iisip 'yan, Khent. Try mo lang sumali ano, sayang 'yong 50 points sa PE."
"What if try mo rin kaya ano? Sayang 'yong 50 points sa PE." Napa-tampal na lang ako ng noo ko. Hayst.
"Ayoko nga." Napa-iling-iling siya ng kanyang ulo. Nagsi-tayuhan ang mga kaklase ko kaya tumayo na rin kaming dalawa.
"Good morning." Ito namang si ma'am, laging galit sa mundo HAHAHA! Nag good morning nga pero parang labag sa loob.
"Good morning, ma'am!"
"Sit down."
"The schedule for the grade 7 screening was changed. Ngayon na raw. Kung sino ang mga babanggitin ko, tumayo."
Kampanteng-kampante ako sa inuupuan ko ngayon kasi aalis na ang iba. Tatahimik na rin ang classroom.
"Ford, Reyes, Hye, Lazaro, Patricio, Gomez,..."
'Ang dami nila. For the sake of 50 points sa PE raw.'
Biglang gumuho ang mundo ko no'ng pitikin ni Khent ang noo ko. "Tumayo ka raw."
"Ha? Hindi ako sasali ha!"
"Your name was listed here, do stand." Kinurot ko tagiliran ni Khent bago ako tumayo.
Paano napunta pangalan ko ro'n? Bigla kong naalala 'yong tatlong classmate ko na ang sama makatingin kanina. Malamang sila nagsulat ng name ko ro'n!
_____________
Copyright 2021
Facebook Account: https://www.facebook.com/dafphnie.lumbag
https://www.facebook.com/Azure.Kattie.9IG Acc: @daflumbag