CHAPTER 3: Pain

3 0 0
                                    

REIGN's POV:

Childhood days are the best. Those are the memories I will never forget in my entire life. Those friends, classmates, playmates at hinding-hindi mawawala 'yong mga naging crushes natin noon, pfft!

I remembered the day when I was in grade 1. We have these classmates na crush ang isa't-isa. Uwi-an na yata 'yon at nakita namin silang magka-holding hands palabas ng gate. As in, holding hands talaga. Tapos sinundan namin sila habang nagsisigaw ng "Ayieeeh!"

Heto pa, dahil sa kakulitan ko noon, natusok ko ang mata ng classmate kong lalaki. 'Di ko matandaan kung umiyak ba siya o hindi. Basta ang alam ko, nagsumbong siya sa teacher namin. Buti na lang 'di pinatawag ni ma'am mga magulang namin noon.

Masaya naman talaga ang childhood ko, not until namatay sina mama at papa.

"Ate, Reign? Ba't ka sad?"

Napatingin ako sa batang nakatingala sa'kin, "Who said that ate is sad? I'm smiling see? I'm happy."

Nanatili akong nakangiti habang si Khent naman ay nakatingin sa'kin.

"You look beautiful, ate Reign."

"Suuuuss! Ikaw talaga. Let's go? You're kuya must've been waiting for us." He nodded so I grab his left hand and went to Nyx's classroom.

Khent is in kinder while Nyx is in grade 6. Ako? Hindi na talaga ako nag-aaral, mas itinuon ko ang atensiyon ko sa pangangalaga kay Khent everytime na wala si Mrs. Teleonore.

"KUYAAAA!"

"Let go of my kuya! Bitaw! Bitaw!"

"Pangit ka! Bitiwan mo kuya ko!"

"Khent! Nyx!" sigaw ko noong sabay silang napahiga dahil tinulak sila ng isang sigang lalaki.

"Tangina! Walang damayan ng kapatid dito!"

"Nyx, awat na. Umiiyak na si Khent!" Lumuhod ako para patahanin si Khent sa kanyang pag-iyak.

"Ano? Nagiging mahina ka 'pag nasa tabi mo ang kapatid mo? Tsk! Weak!"

Napasinghap ako no'ng biglang sinapak ni Nyx ang lalaking kaaway niya kanina.

"Weak pala ha!"

"Nyx, ano ba!"

Napatingin na rin sa'kin 'yong lalaki. "Ahhh? Sino naman 'yang babaeng kasama mo? Kapatid mo? O jowa mo?" tila namimilosopo ang kanyang tinig.

"Babalikan kita! I'll break your face once I see you again," mahinahon ngunit nagbabanta na sabi ni Nyx. Tinalikuran niya 'yong lalaki at agad na binuhat si Khent. Ako naman ay napatingin sa lalaking kaaway ni Nyx kanina.

Bigla niya akong kinindatan na nakapagbigay ng kilabot sa katawan ko.

"Reign!"

Tangina ha! Binastos ako! Kinuyom ko ang isang kamao ko at akmang aabante para sampalin 'yong lalaki nang bigla akong hilain ni Nyx.

"What do you think you're doing?" pasigaw niyang tanong habang hila-hila ang kamay ko at ang isa niya pang kamay ay karga-karga si Khent.

"Kinindatan niya ako kaya sasampalin ko sana." Nakita ko kung pa'no sumeryoso ang mukha niya.

It's ready six in the everyning and the three of us are now eating. Tulala lang kami ni Nyx habang si Khent naman ay paminsan-minsang nagtatanong about sa nangyari kanina.

Kita ko ang mga pasa sa mukha ni Nyx, gasgas sa siko naman ang nakuha ni Khent na siyang ginamot ko kanina.

"Ate Reign, I'm sleepy," Khent said while rubbing his eyes. He waited for a goodnight kiss from Nyx but ended up with nothing. Nyx is holding his temper while staring coldly at his foods that he haven't touched.

"Let's go, baby. I'll give you goodnight kiss later," bulong ko kay Khent kaya nauna na siyang naglakad.

Air conditioner's temperature, check. Closed windows and open curtains, checked. Khent really loves watching the moon until he gets to sleep. Night lamp, check. Well-fixed bed, check.

"Tulog na, Khent hmm? Tomorrow's another big day for your school classes."

"When will my wounds disappear, ate?"

"They'll disappear after many sleeps, so sleep na."

"Okay po."

Sa tagal kong nanilbihan sa pamilyang ito lalo na si Khent, halos alam ko na ang kanilang iniisip at habits. Kapag matamlay si Nyx, matamlay rin si Khent. Kung anong nararamdaman ni Nyx, nakikiramdam din talaga si Khent. They're both inseparable.

I slowly close the door so that Khent won't wake up. Limang hakbang ko pa lang mula sa kwarto niya ay may narinig na akong plato na nababasag.

"Jusme! Sinasabi ko na nga bang nagbabasag na naman siya ng mga gamit." Binilisan ko ang pagbaba sa hagdan pero agad din akong napatigil noong narinig ko ang boses ni Mrs. Teleonore.

"What now, Nyx! You're breaking things again! Ano bang pumasok sa kokote mo at nagawa mong makipag-basag-ulo ha! Pati kapatid mo nadamay dahil sa mga ginagawa mo!"

Palihim akong nakatingin sa kanilang dalawa habang nagtatago rito sa may madilim na parte ng bahay.

"Breaking things makes me calm and if you're going to nag me, I'm all ears."

"Hindi ko alam ang gagawin ko sa 'yo, Nyx. Lumalaki lalo ang ulo mo habang patanda ka nang patanda! Kailan ka titino, Nyx? Kailan ka titino?" pasigaw na tanong ni Mrs. Teleonore.

"Kasalanan mo lahat, Ma! Kaya 'wag mo akong sisihin na ganito ako, dahil sa ganitong paraan mo ako pinalaki!" His mom's palm landed on his cheek making me gasp in no time. Ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong eksena sa tanang buhay ko.

"So you slapped me because you're guilty? Totoo naman 'di ba? Buti nga si Khent lumaki nang may gumagabay sa tabi niya, eh ako? Ni kalahati ng oras mo 'di mo ibibigay!"

"D-don't t-try to m-make me slap you again. Respect your mother this instance."

"No, bring dad home again and I'll respect you." Tinalikuran na niya si Mrs. Teleonore at lumabas ng kusina. Tumigil siya sa harap ko at nagtama ang mga mata namin na nagtagal ng apat na segundo bago niya 'ko talikuran.

I shifted my gaze to where Mrs. Teleonore is. I'm also a girl so I really feel her situation right now. May point din naman si Nyx eh, pero sinubukan din naman ni Mrs. Teleonore na makipag-bonding sa kanilang dalawa. Sa sitwasyon ng mommy nila, mahirap talaga kasi mag-isa niyang tinataguyod ang kompanya nila. But I heard that they have a father. Eh nasa'n siya? Kasi ang laging bukang-bibig ni Nyx ay, "Bring father back."

I have no right to interfere with their problems but I hope their family will be happy like ours.

_________
Copyright 2021
Facebook Account: https://www.facebook.com/dafphnie.lumbag
IG Acc: daflumbag

MISS BABYSITTERWhere stories live. Discover now