CHAPTER 1: Meet Nyx Ditter

7 0 0
                                    

REIGN's POV:

"I like your potential, Reign. Sigurado ka bang kakayanin mong mag-alaga ng bata?"

          Ilang segundo ang nakalipas bago ko siya sinagot. Nagdadalawang isip pa rin ako kasi nga halos magkasing-edad na kami ng anak niya.

"Since malaki na po 'yong anak niyo, pwede po ako 'yong taga-gawa ng assignments niya, taga-serve ng pagkain, pwede po ako maging tutor niya sa pagbibisekleta-"

"Raine, my son is using diapers-"

"Naiihi siya sa kama? Naku po, dapat hindi siya umiinom ng maraming tubig sa gabi. Pero don't worry po, kaya ko pong maglaba ng mga kumot."

"Uhh...I mean, baby ang aalagaan mo. Pfft! But you can do that when he's at your age."

          Baby? "Eh Sino po 'yong bata sa may bintana kanina?"

"You're probably talking about my first son-"

          *glass breaking from upstairs*

"Nagbabasag na naman siguro si Nyx ng mga plato hayst. Babalikan kita Reign hmm? Kumain ka muna riyan, alam kong gutom ka na."

"Sige po."

          Mabilis niyang inakyat ang kwarto na kung saan nanggagaling ang ingay. May sakit kaya ang anak niya?

          Hayst...that's not my problem anymore, excited na 'kong makita 'yong baby na aalagaan ko. Syempre papayag na ako kasi baby pala talaga ang aalagaan ko.

         
          Today's my first day and I don't want Mrs. Teleonore disappointed. Gagawin ko ang lahat para 'di agad ako mawalan ng trabaho. Sila na raw ang bahala sa mga pagkain ko, pati na rin kwarto at mga damit ko.

          Tinanggihan ko 'yong alok niyang malaking kwarto, simula kasi no'ng namatay sina mama at papa ay nasanay na'kong matulog sa mga matitigas na higaan.

"What's you're name, baby?" malambing kong tanong kahit 'di niya 'ko naiintindihan. I pinched his cheeks ayiiieh! Ba't ang cuteeeee?

          Kaming tatlo lang ang naiwan dito sa loob, Nyx yata ang pangalan ng lalaki kahapon, narinig ko lang kay Mrs, Teleonore kahapon.

"Ang baho. Tumae ka ba baby cutie?" Ngumiti ako, "Joke lang! Ako talaga 'yong umutot pfft!"

          Iyak siya ng iyak kanina buti nalang tumahan na siya.

"Huwag mong pahirapan si ate, baby ha? Cute cute mo yieeeh!" Tumabi ako sa kama niya at malambot na pinapalo ang right leg niya. Inilabas ko kasi siya sa crib niya, eh sa gusto kong pisil-pisilin pisngi niya.

"Paglaki mo siguro, marami kang mapapaiyak na babae, 'wag naman sana ano?"

"Give him milk, don't just pinch his cheeks and get him to sleep."

          Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa may pintuan, "Kuya Nyx."

"Oh, you know my name."

"Narinig ko lang sa mommy mo kagabi."

          Tumango lang siya at umupo sa may window seat. "K-kukuha lang ako ng gatas," naiilang na sabi ko. Sino ba kasi ang hindi maiilang 'di ba? Ang seryoso ng mukha.

"Samahan na kita."

Agad akong nagprotesta, "Huwag na, kaya ko na po."

"You know the way?"

Hindi, "Oo."

"Then you're lying. Kawawa ang kapatid ko, he's probably hungry by now. Follow me."

"S-sige." Halos pabulong na 'yan.

          Mas matangkad siya ng 2 inches kaysa sa'kin, sigurado akong magka-edad kami o mas nauna siya. Pero wengya, ang pangit niya 'pag laging nakasimangot.

          Nakatingin lang ako sa likod niya habang sinusundan ko siya. Ayaw ko namang maging shunga-shunga at baka tumigil siya ay masapul pa mukha ko sa likod niya.

"This is an area for baby's foods and stuffs. Minsan ko rin 'to napakinabangan noon."

"Ang ganda! Baby na baby ang kulay. A combination of skyblue and pink."

"Oum."

          Hindi ko na siya pinansin bagkus ay kumuha na'ko ng bottle. Kinuha ko na rin ang powdered milk at binuksan. Nilagyan ko ng isang scoop ng powdered milk ang bottle. Isasara ko na sana 'yong container kung saan nakalagay 'yong gatas nang bigla niyang tinapik ang kamay ko.

"Aray! Inaano ba kitaaaaa?"

"You're doing the wrong way. Dapat binasa mo muna ito 'di ba?" Sabi niya habang tinuturo 'yong direction for usage.

"Hehe."

"Tabi." Tumabi naman ako agad.

"Bakit ba kasi sobrang bata na babysitter ang kinuha ni mommy tsk."

          Rinig na rinig ko ang sinabi niya sa mahinang boses. Nanlulumo tuloy ako, totoo naman kasi ang sinabi niya. Tinignan ko kung pa'no siya magtimpla ng gatas, magaling naman siya eh.

"Marunong ka pala magtimpla ng gatas?"

"Yeah. I'm doing this everyday. I also take good care of my brother."

"Bakit naghanap pa ang mommy mo ng babysitter kung kaya mo naman?"

          He shifted his glance at me, "She can't trust me, that's why I want dad home, he always care about my opinions."

"Why can't she trust you?"

"Ask her." Umalis na siya.

"Psh, sungit." Pero bigla akong naawa sa kanya. Ano ba kasi ang mayroon sa kanya at bakit ayaw siyang pagkatiwalaan ni Mrs. Teleonore?

__________

Copyright 2021
Facebook Account:
https://www.facebook.com/dafphnie.lumbag
IG Account: daflumbag

MISS BABYSITTERWhere stories live. Discover now