ylvis
"B-Bakit ka andito?" tanong ni Ylvis kay Henri at sinubukan niyang tanggalin ang kamay nito mula sa mga mata niya pero mas diniin nito ang ginagawa.
"Ah, ah, ah. Nope," sabi ng dalaga. "Mahirap na mag-usap kung intense kang umuutal."
"P-pero..." he sighs. "Okay. So, bakit ka andito?"
Narinig niya ang paghinga nito nang malalim. "I was the one who called you?" banggit nito. "Sadyang si Sir Aisa lang yung sumagot para sa akin nung oras na iyon but I kind of heard everything."
"Wait." Sigurado siyang si Sir Aisa ang tumatawag sa kanya. Pero maari ding mali siya, he was kind off out of it at that time.
"You don't have to check it," she says gently. "...It's about me, isn't it? Nakita mo yung calling card ko tas winalk outan mo ako bigla."
Hindi niya alam kung anong isasagot rito. Mas gusto niya sanang hindi nito nalaman kung anuman ang naging usapan pero... andito na sila. He stays quiet.
"Is that a 'Yes'?" tanong nito at dahan-dahan siyang tumango. "I see. Well, I'm intimidating, no?"
Agad siyang umiling pero narinig lang niya ang mahinang pagtawa nito.
"Ayos lang, alam ko naman yun, Ylvis," wika nito. "Sorry, ha. Baka nakatapak ako ng pride ng di ko napapansin. Hindi ko naman mababawi ang mga achievements ko, e. Talagang freelancer ako and such. I earn a lot too...di ko naman ine-expect iyon. I just worked hard then and stuff kind off just returned to me." Saglit itong tumahimik at nararandaman na niya ang pag-loosen ng kamay nito sa mga mata niya. "Hindi ko din alam kung anong nakita ni Sir Aisa sa akin at h-in-ire niya ako. Pero, naka-kontrata din ako kaya ayoko namang mag-quit and all.
"Also, FYI lang, ayokong magyabang and such pero hindi ako sumasahod, hiningi ko lang yung SSS and the like atsaka 50% sa renta. In fact, I'm basically not getting anything out of working for Signi Cafe besides baking and human interaction and lost time."
Itinaas niya ang kamay nito at nakita niya ang ekspresyon sa mukha ng dalaga. She looks tired and despondent. Agad niyang ibinalik ang kamay nito sa mga mata. "Sorry. Hindi ko rin alam kung anong iniisip ko nung oras na iyon. I just came from a complicated background and sometimes, I can't help it. Hindi naman ako ang pinakamabait na tao sa mundo..." At kung tutuusin, proud ako sa'yo. Hindi niya sinabi ang huling bagay na iyon, kinuha lang niya ang isa pang kamay nito at pinangtakip uli sa mga mata niya. "I'm really stupid, that's for sure."
"Nah," sagot nito. "Hindi ka stupid, it's normal. I'm fine."
"Di ka okay, ayos lang,wag kang magsinungaling."
"O, tapos?"
Mahina siyang natawa. "Um, can we uh, stop this? Hindi ko rin alam kung gaano katagal bago bumalik ang pagiging bumbling mess ko. Also, my neck is starting to hurt."
Binalik nito ang pagtawa saka inalis ang mga kamay nito at mabilis nag-backtrack. Umayos naman siya ng upo at sinilip ito. She was practically three trees away.
Narandaman na lang niya ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi. "Uh, ano ulit yung genius idea na naisip mo kanina?" medyo malakas niyang tanong.
Hindi ito sumagot, narinig na lang niya ang pag-vibrate ng phone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa niya at tinignan ang mensahe nito.
henri:
i'm going to help you solve your problem hehe 😄 think of it as practice, we can start with texting then, calling, then actual conversations~ siguro masasanay ka namang makipag-usap at that point. also, you can go on a date with someone after, cool, right?
BINABASA MO ANG
donuts ꞁ ✓
RomanceBeing already successful at 27, naisip ni Henri na masyado nang malayo ang naabot niya para pa maghanap ng katuwang sa buhay. She didn't need it either. At 27, ayos na sa kanyang manirahan sa isang apartment, eat enough meals a day, and be financial...