4 | dry run

41 2 13
                                    

ylvis 

Bumalik si Ylvis ng araw na iyon na basang-basa na ikinagulat ni Mellow na agad sumalubong sa kanya. Pinayungan siya ng huli at nagawa na lang niyang magpasalamat ng pabulong. Nang makapasok ay marahan niyang ibinaba ang dala-dalang plastic na may lamang mga table cloth. Habol hiningang napaupo siya sa libreng upuan na naroroon. He leaned back, taking all the air he could take. Mahirap din palang basta-basta mag-racing sa ulan. Buti na lang at hindi sobrang layo sa Signi Cafe ang laundry shop kung hindi ay baka malayo layo pa ang tinakbo niya.

"Hindi ba may dala-dala kang payong pagka-alis mo?" tanong ni Mellow habang sinisipat ang laman ng plastic. "Mukha namang walang nabasa."

"B-Buti naman," sagot niya saka inayos ang pag-upo nang makabawi na ng hininga, saglit niyang ginulo ang buhok saka inayos muli. "Nawala ko yung payong."

"Eh?" nagtatakang tinitigan siya nito. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya pwedeng sabihin rito na bigla lang niyang naisipang magpakabayani at dahil ayaw niyang gumastos ay 'di niya naisipang mag-taxi na lang pabalik. It was a short distance either way. Sayang ang thirty five pesos para lang sa distansiyang pwede niya namang lakarin.

Nang mapansin naman ni Mellow na hindi na siya sasagot pa ay napabuntong-hininga na lang ito. "I see. Ay siya," ipinasa nito sa kanya ang hawak hawak nitong tuwalya. "Maligo ka po agad, okay? Huwag kang gagawa na naman ng kung ano-ano."

"Pero, kailangan ko agad bumalik sa floo--"

"Shh. Tayo, CR. Maligo."

Sumeryoso ang laging laidback at nakangiti nitong mukha kaya walang choice na tumayo si Ylvis at dumiretso sa CR katulad ng sabi nito. Sometimes, Mellow can be such a Mom. Isang rason kung bakit inaasar nila ito na ganun dahil mas energetic pa itong mag-nag kumpara kay Airi. Still, they all knew he means well. And some might even say it's adorable. Also, Mellow is actually very perceptive. Sigurado rin siyang gigisain siya nito para sa detalye pero nakapagtatakang hindi ito namilit ngayon. Nagkibit balikat na lang siya at nagsimulang maligo. In his mind, he comes back to the time where he was drunk and he saw the silhoutte of a girl walking to the water, black hair falling on her back gently, white dress flowing with the wind and slowly, slowly sinking in the water, defeated. And the silhoutte of the girl back in the laundry shop, confident and with the air of grace, changed. If he's going to be honest, he's going to say that he's actually proud.

Pakiramdam tuloy ni Ylvis ay may galit sa kanya si Aisa nang sabihin nitong babae ang baker na magiging katuwang niya. Alam naman ng huli kung ano ang epekto niyon sa kanya. Malaking buntong hininga ang nailabas niya nang pumasok na siya sa kitchen. Huminga nang malalim. It's not like he didn't like girls. Heck, nung High School siya ay isa siya sa mga super corny na sumubok manligaw... sa papel. Madami siyang naisulat na love letters na hindi niya ibinigay dahil diretso basurahan ang mga iyon. Marami rin siyang in-imagine na scenario sa mga naging crush niya. Second year siya nang lumipat sila at in-enroll siya ng Tatay niya sa Boys High, kung saan literal na puro lalaki lang talaga ang mga estyudante. Ang tanging babaeng nakikita nila ay ang mga madre sa malapit na simbahan. Nag-College naman siya sa isang state university na hindi gaanong kilala at sa course na ang possibility na may babae ay 0.001% lang. 2 years lang rin ang kursong iyon. At ang susunod ay puro natutunan niya sa trabaho.

Madalang lang na makasalamuha niya ang mga babae. At hindi niya alam ang gagawin o kung papano maka-interact sa kanila. Siya na siguro ang pinaka-awkward sa kanila sa cafe sa ganoon. Kaya iniiwasan na lang niyang makisalamuha sa mga babae. Si Airi nga lang ata ang kaya niyang kausapin. Excluding ang direct family niya.

Kaya hindi niya alam kung anuman ang pumasok sa isipan ni Aisa at iyon pa ang naging desisyon nito. Huminga ulit siya nang malalim, napasulyap sa orasan.

donuts ꞁ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon