19 | day one

16 2 17
                                    

henri

Nang nagising siya kinabukasan ay pakiramdam niya ay naging panaginip niya lang ang lahat ng nangyari kahapon. Hindi siya sure kung ano ba talagang nangyari kahapon at hindi siya sigurado kung kelan ba siya nakauwi ng bahay. Pagkagising niya ay naamoy niya ang pagtalsik ng mantika at ang plineplay na old song ng nanay niya.

She smiles when she finally decides to get up. Kasama niya ang Mama niya isang linggo na since bumalik sila last week. Pinilit niya itong sumama sa kanya tulad ng pagpilit nitong pumunta siya sa Alaminos. She had to, especially ang nakaka-heart attack na naging sitwasyon ng Mama niya na inoperahan dahil sa aneurysm. Mas gugustuhin ni Henri na kasama niya ang Mama niya kaysa mag-isa itong nakatira sa Tagaytay. Baka may mangyari ditong hindi inaasahan at walang makahanap rito. If she had not been feeling restless that night, hindi niya maririnig ang biglang pagbagsak ng Mama niya sa kama.

Nang maalala niya iyon ay mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo siya palabas ng kwarto niya at binigyan ng back hug ang Mama niya. Nagulat ito sa ginawa niya at nainis na kinurot ang kamay niya. "Ano ba, Henri?"

Natatawang humiwalay na siya sa Mama niya at hinimas ang nasaktang kamay. "Sorry po, na-excite lang."

"Haynaku, ikaw bata ka, ipapahamak mo tayong dalawa," pagpapalatak nito saka ibinalik ang atensyon sa pagluluto, pero hindi nakalampas sa kanya ang pagngiti ng Mama niya. Narandaman niya tuloy ang sariling ngumingiti rin.

"Nagpa-init ka ng pang-kape, Ma?"

"Hindi pa."

"Sige po, magpapainit ako, maghihilamos lang."

Tumango lang ito kaya iyon nga ang ginawa niya. Pagkatapos niya ay naka-prepare na ang hapagkainan at tinatawag na siya ng Mama niya para kumain. For a week now, she still felt like tearing up seeing her mother like this. Ngayon lang niya napigil ang sarili niyang umiyak ulit. Natatawang pinaupo naman siya ng Mama niya at inayos ang buhok niya.

"Bakit iyakin ka na naman?" tanong nito saka upo sa tabi niya. "Ngiti ka lang tulad nung ngiti mo kagabi."

Napatitig siya sa Mama niya at for a moment ay nag-loading siya sa kung ano ang posibleng ibig sabihin nito. Saka pakiramdam niya ay parang nasusunog ang mukha niya dahil sa biglang pamumula noon.

"...Nakita mo yun, Ma?" nahihiyang tanong niya dahil kung maalala niya ay tulog na ito nang pumasok siya at maingat at tahimik siyang pumasok sa kwarto nila. Ang maalala niya rin ay lutang siya nung nandun na siya. Matagal din bago sa tingin niya ay nakatulog siya.

Ngumisi lang ang Mama niya. "Ano yan? May boyfriend ka na ba?"

Nagkunwari siyang walang narinig saka kumuha na lang ng barbecue at kinagatan iyon. "Hmm, ang sarap mo talagang magluto, Ma."

"Syempre," wika nito saka ito na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya at pinagsandukan pa siya ng kanin. Agad siyang kumain para hindi siya muling mapressure nitong sagutin ang mga tanong nito. Her mom left her off the hook and she thought that would be the end of it.

Kaya namula na naman siya ng pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay nasa labas si Ylvis na mukhang kanina pa naghihintay at hindi lang kumatok. He greeted her with a wide boyish smile. Parang naging jelly tuloy ang mga tuhod niya.

Bago pa siya maka-react ay marahan siyang itinulak ng Mama niya at ito ang unang lumapit kay Ylvis. Napatayo nang maayos ang binata at parang nase-sense kung ano ang posibleng mangyari rito.

"Ikaw ba ang manliligaw ng anak ko?" diretsang tanong ng Mama niya na ikinagulat niya. Pipigilan sana niya ang Mama niya kung hindi lang tumango si Ylvis.

donuts ꞁ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon