henri
Two months na ang nakalipas simula nang nagsimula ang panliligaw ni Ylvis sa kanya. Ang Mama naman niya ay nagpasyang lumipat pabalik sa Baguio at inasikaso niya ang pagbebenta ng bahay ng Mama niya doon. Akala niya naman ay gusto nang Mama niyang makitira sa kanya but she insisted on living somewhere else dahil ayaw nito ng apartment. So, her mother ended up living in the same neighborhood as Ylvis's. In fact, madalas ngang magkita ito, si Tita Lenna at si Yvonne. At nagawa pa ng mga itong gawing mahilig sa milktea ang Mama niya na ayaw na ayaw noon.
At dati halos araw-araw niyang binibisita ang Mama niya na ito na mismo ang na-trigger at striktong sinabihan siyang bumisita lang ng isang beses sa isang linggo. Fun times.
In two months, marami na ring masasabi niya ang nagbago. This time, she had someone who's willing to be with her outside work for more than an hour and not because they're friends. May someone na din na dumagdag sa mga willing na samahan siya sa mga trip niya sa buhay. Tulad na lang ng randomly niyang gustong bisitahin ang isang Korean mart ng 11 ng gabi. All because hindi niya trip ang mga chichirya na nasa 7-11 na malapit sa apartment niya. Hindi rin naman nagtitinda ng chichirya ang Ignis Bar. At kahit pa hindi iyon ganoon kalapit sa kanila at kailangan nila iyong lakarin mula sa apartment niya ay um-agree pa rin si Ylvis sa imbitasyon.
"Hindi ba weird?" tanong niya habang naglalakad sila. Wala nang tao masyado at may mga ilang parte na walang lightpost. Kaya thankful talaga siya na pumayag ito. She didn't even expect him to be awake.
It was cold at night too. At mukhang nag-rush itong pumunta sa kanya dahil nakasuot lang ito ng makapal na sweater, sweatpants at... crocs na mukhang suot nito bago matulog. She dressed as usual pero nagkaroon pa siya ng time para magmake up ng konti at mag-ayos ng buhok.
"Hindi naman," wika nito saka mahinang humikab. Ngumiti ito sa kanya. It made her want to take his hand but when she tried then, he explicitly told her not to do that. Isa iyon sa mga bagay na common na ginagawa ng mga nagde-date na kaya hindi siya nito pinayagang gawin iyon. Kaya kinontrol niya ang sarili at sumabay na lang sa paglalakad nito. "Sure ka?"
"Yep, gusto mong gawin kaya go lang," he says softly. "Mas naappreciate ko na sa dinami-dami ng maari mong tawagan ng gantong oras ay ako ang naisip mo."
Nahiya tuloy siya rito. Hindi kasi ito ang talagang una niyang tinawagan. She called Pritz, her dear friend, who would actually be awake this time. Pero ang magaling niyang kaibigan mismo ang nagtanong sa kanya kung bakit hindi raw ang manliligaw niya ang tawagan niya. Ayaw niya sana dahil may pasok ito bukas but she tried and he said he'd be there in a minute. Yes or No lang sana ang sagot na hinihingi niya. "...Um, will you be angry that I called Pritz first?"
Saglit na napatigil ito sa paglalakad at akala niya ay magagalit nga talaga ito. Ready pa nga siyang mag-explain pero nang liningon siya nito ay nakangiti lang ang binata. "Nope. Ako pa rin naman ang end game."
Natawa na siya sa sinabi nito at hindi niya mapigilang hampasin ito sa balikat. Napatayo tuloy ito nang maayos. "Ay wao, compident si Kuya," wika niya. "May point ka naman kaso huy, wala akong gusto kay Pritz, ah."
Pritz was just her go-to guy and her only male friend from ever since. Not once did she ever feel interested in him, it was completely platonic, really.
"'Kay."
"Uy."
Tumawa lang ito at marahan lang na ginulo ang buhok niya. "Hindi ka nilalamig?"
"Medyo lang... ikaw?"
"Hindi naman. Lapit ka na lang ng konti."
Napataas siya ng kilay. "Ay."
BINABASA MO ANG
donuts ꞁ ✓
RomanceBeing already successful at 27, naisip ni Henri na masyado nang malayo ang naabot niya para pa maghanap ng katuwang sa buhay. She didn't need it either. At 27, ayos na sa kanyang manirahan sa isang apartment, eat enough meals a day, and be financial...