ylvis
Pagkalabas ni Ylvis sa clinic ay may bagong benda ang kamay niya at may hawak-hawak siyang papel ng reseta ng mga pinapabili sa kanyang gamot ng doktor. Binabasa niya iyong mabuti nang marandaman niya ang isang presensya sa tabi niya. Hindi siya lumingon at mabilis lang na namula ang mga pisngi niya. Damn it. Hindi siya sigurado kung makaka-survive ba siya sa buong araw na kasa-kasama niya ito.
"Can I get that for you?" tanong ni Henri sa kanya na tinitignan din ang binabasa niya. "Nakita ko yung nagmamano ng pharmacy kanina. She's a fine young woman in her thirties at mukhang 'di siya married."
Napalunok siya ng laway, pumikit, "You're making me sound like I look at every woman as a potential partner or girlfriend."
"Ah, para kasing ganun din, e. Yun lang naman nabasa ko sa notes na s-in-end ni Sir Aisa."
Saglit niya itong tinitigan at ipinapakita nito sa kanya ang hawak na phone at naroroon ang document file na kinompile ni Sir Aisa tungkol sa kalagayan niya. Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin at napakamot ng batok.
"'Wag kang mag-alala, hindi kita jina-judge. Slight lang and I don't want to offend you so sorry if that's how that sounded," straight to the point na wika nito at randam niyang titig na titig ito sa kanya. Mas uminit ang pakiramdam niya kaya sigurado siyang mas pulang-pula na naman siya. Narinig niya ang marahan nitong pagtawa at ang pagsasalita nitong, "Mukha kang hihimatayin."
Tinakpan niya ang mukha saka ipinasa rito ang reseta. "Thanks..."
Nang hindi ito gumalaw o nagsalita ay sinilip niya ito. Nakatitig lang ito sa kanya at mukhang natulala. "H-Henri?"
"A-Ah," napapiksi ito saka kinuha ang papel mula sa kanya. "Babalikan kita agad, don't worry."
"I-I'm n-not."
"O-Okay."
Parang robot na naglakad ito at umalis. Nang makalayo ito ay doon lang siya nakahinga nang malalim. Parang nauupos na kandilang nag-sink in siya sa upuan. Tired.
Simula nang umalis siya ng bahay at nakangiting nagpaalam sa kapatid na ihinatid niya ay hindi niya ine-expect na mangyayari ito. Ang ine-expect lang niya ay kung ano ang palaging nangyayari sa pagitan nila ng dalaga. Susungitan niya ito, pagtratrabahuin, at para mag-apologize ay bibigyan niya ito ng donut. Iyon lang naman ang akala niyang mangyayari ngayon. Pero simula nang dumating ito ay madami nang nagbago.
Sadyang wala siyang magagawa kundi tanggapin na lang ang nangyari at isipin kung ano ang gagawin niya.
What he could appreciate though is the fact that she said she's not judging. And the fact that she's still here.
Most of the other girls he had interacted it would look at him with pity and end his suffering by telling him that he did his best and then leave him be. Unwilling to deal with him or try to talk to him, despite him being a bumbling mess.
"Ylvis?"
Agaran siyang napatayo nang marinig niya ito at kahit namumula ay sinubukan niyang harapin ang dalaga. She smiles widely at him and it feels like windows being opened and flower petals coming in.
"H-H-Henri," wala sa sariling lumabas sa bibig niya ang pangalan nito.
Itinaas nito ang dala-dalang paper bag. "Nakuha ko na, bayaran mo na lang ako ng pagkain," wika nito sabay himas ng tiyan. "Gutom na kasi ang mga bayawak ko sa tiyan, hehe."
Nag-iwas siya ng tingin. Mas namula. "O-Okay."
"Sige, tara?" tanong nito at narandaman na lang niya ang marahang pagtapik nito sa braso niya.
BINABASA MO ANG
donuts ꞁ ✓
RomansaBeing already successful at 27, naisip ni Henri na masyado nang malayo ang naabot niya para pa maghanap ng katuwang sa buhay. She didn't need it either. At 27, ayos na sa kanyang manirahan sa isang apartment, eat enough meals a day, and be financial...