henri
I'm doomed. Iyon ang nasa isip ni Henri nang ibinaba na niya ang cellphone niya. Tinignan niya ang oras sa digital clock niyang nakapatong sa kitchen table. It's two in the morning. At sa halos buong gabi at kahit na nagtratrabaho siya ay kausap niya si Ylvis. It had been almost a month since they started chatting. Walang araw na wala siyang nakukuhang mensahe mula kay Ylvis. Kahit sa weekend ay nakakausap niya ito. Hindi man iyon buong araw at maaring maikli lang pero nakakausap niya ito. Parang may reserved ngang oras para sa kanya na kahit hindi 24/7 ay hindi niya napapansin na may lumampas na oras simula nang nag-send siya ng mensahe rito dahil parang ang natural ng susunod nitong sagot na parang kani-kanina lang sila nag-usap.
Sinasabayan din nito ang pagiging random niya. Minsan, bigla lang itong nag-send sa kanya ng tanong kung bakit raw minsan hinahanap mo ang mga bagay na hawak mo pala or asa kamay mo. It seems philosophical kaya pinag-isipan pa niya nang matagal. At nang naka-reply siya ay natawa pa siya nang bigla itong nagsabing nakakuha siya ng failing grade dahil ang bagal niyang mag-reply. At dinagdagan nito ang reply niya na kasing philosophical ng tanong niya.
ylvis:
para tayong ewan, no? minsan andun na sa harap natin, practically shouting at our faces, pero maghahanap ka pa rin ng iba. maghahanap ka pa rin ng rason para maghanap ng kapalit
ylvis:
bakit? wala lang. gusto mo lang. parang yung ilong mo, kahit palagi mong nakikita di mo pinapansin, nakakatawa diba?
henri:
lasing ka? 🤭
ylvis:
ah, no. I don't drink
henri:
nagiging philosopher ka na ngayon? 😉
ylvis:
... no? baka kasi late lang ng gabi. And hey, you do this
henri:
is it fun? 😅
ylvis:
yes, makes me think deeper into things. di ko pa natratry yun. atsaka maganda palang gawin yung ganitong deep conversations pag dating ng gabi, ano?
henri:
maybe 🤔
ylvis:
too much?
henri:
no, proud of you little one
ylvis:
🙂
henri:
uy, nag-emoji siya 😁
ylvis:
good night, henri
henri:
good mornight, ylvis ☺️
ylvis:
matulog ka na, okay?
henri:
okayyy 😉
At nang ibinaba na nga niya ang phone ay na-realize niya iyon, she is doomed. Dahil nasasanay na siya at kahit sanay naman siya sa routine. Ayaw niya sanang masanay sa ganitong sitwasyon. Last time, this happened, she was dating someone. Day and night. Night and day. Any single free time, she might have. Pero madalang ang reply na nakukuha niya madalas. At minsan hindi pa konektado ang reply sa kanya at parang hindi man lang ineffortan na basahin ang mga isinesend niya. Kung ikukumpara niya pa ang reply sa kanya sa mga pinagsesend niya ay kakaunti lang ang iba na naroroon. Hanggang sa siya na mismo ang tumigil at kung kailangan na lang niya siya nagsesend ng kung ano. She can't even joke much or have deep conversations. Pero, hindi naman ganoon sa umpisa.
BINABASA MO ANG
donuts ꞁ ✓
RomanceBeing already successful at 27, naisip ni Henri na masyado nang malayo ang naabot niya para pa maghanap ng katuwang sa buhay. She didn't need it either. At 27, ayos na sa kanyang manirahan sa isang apartment, eat enough meals a day, and be financial...