henri
Kanina pa winawasiwas ni Henri ang kamay sa harap ng mag-ina na kusang sumama sa kanya ng hapong iyon. Hindi na siya nagtaka sa naging reaksyon nila dahil tulad nila ay gulat din siya nang nalaman niya ang sitwasyon ni Ylvis. And speaking of Ylvis, pinapanood nila ito ngayon habang kinakausap o sinusubukan nitong kausapin si Shaerene, na kasalukuyan na palang nagwo-work ng part time.
Shaerene is the kind of person who is practically all over someone no matter what concept they have of personal space. Talagang mawawala ang space mong iyon kung ito ang iyong kausap. At kahit alam nito ang sitwasyon ni Ylvis ay walang pakundangang lumalapit lamang ito. At dahil pinayagan sila ni Aisa na pumunta sa lounge na para sa mga employees ay kitang kita nilang tatlo ang nagaganap sa kusina aka ang intense na pamumula ng mga pisngi ni Ylvis at ang pautal-utal niyang pakikipag-usap sa babae.
Yvonne closes her gaping mouth over her straw and they hear her sip. Habang si Tita Lena naman ay conscious na isinara ang sariling bibig saka siya tinignan, "Crush niya ba yun?" nagtatakang tanong sa kanya ng ginang. Marahan siyang natawa bilang sagot. Kung tutuusin hindi rin imposible ngunit sa pagkakaalam niya ay ng linggong nawala siya ay araw-araw na nililigawan ni Shaerene si Mellow kaya kung sakali man ay hindi siguro gusto ni Ylvis na mamagitan sa dalawa.
"Ah, hindi ho. Wait, sampolan ko," wika niya saka siya lumabas ng pinto at pumunta sa kusina. "Hinihintay na ata nila yung order nila, Shae. Dalhin mo na lang muna sa kanila," itinaas niya ang tray na naglalaman ng bagong lutong pesto at cupcake at nang nilingon siya ni Shaerene ay ibinigay niya iyon dito. Mukhang na-gets nito na cue na niya kaya enthusiastic lang itong tumango saka kinuha ang tray at nagha-hum na umalis ng kusina.
Saglit siyang nilingon ni Ylvis saka malumanay na ngumiti at mukhang lihim siyang pinapasalamatan. Aabutin sana nito ang phone pero pinigil niya ito at sa ginawa niyang paghawak sa braso nito ay katulad kanina ay mabilis pa sa alas kwatrong namula ang binata. "A-Ah, Henri?" nagtatakang tanong nito sabay lingon sa kanya. Mukhang nagsisimula pa itong mamawis. Pero mukhang determined itong hindi putulin ang eye contact.
"Wait, asa stage three na ba tayo nang hindi ko sinasabi?" nakakunot noong tanong niya.
"M-May stages ba?" wika nito na hindi na rin nakatiis at nag-iwas na ng tingin. Ipinokus na nito ang mga mata sa kalan na parang ang pasta na iniluluto nito ang pinaka-interesanteng bagay ang nakita nito sa tanang buhay.
"Ah..." binitawan na niya ang braso nito at kinuha ang cellphone sa bulsa at nagsimulang magtipa tipa.
henri:
Yep, may stage three. Bale end na ng stage one ngayon? Tomorrow, let's start communicating by call for stage two? 😊
Saglit uli siyang niligon ng binata saka nito kinuha ang phone na nakapatong sa tokador, pinunasan muli nito ang mga kamay at nag-reply.
ylvis:
Matagal ko ring di nakita yung pangalan mo sa notifications ko
henri:
Sus, marami ka naman sigurong kausap bukod sa akin. Since sanay ka na sa chat baka naghanap ka na ng babaeng mapagprapraktisan pa 🙃
ylvis:
Minsan talaga walang sense ang sinasabi mo, no?
henri:
Hala siya 🤣
ylvis:
Ikaw lang po ang ka-chat ko, Ate. Ang weirdo ko naman kung basta basta ako magcha-chat ng kung sino-sino
BINABASA MO ANG
donuts ꞁ ✓
RomanceBeing already successful at 27, naisip ni Henri na masyado nang malayo ang naabot niya para pa maghanap ng katuwang sa buhay. She didn't need it either. At 27, ayos na sa kanyang manirahan sa isang apartment, eat enough meals a day, and be financial...