6 | dot dot dot

29 2 18
                                    

ylvis

Kanina pa tinitigan ni Ylvis ang orasan at sa bawat pagpatak niyon ay mas nagiging sigurado na siya sa naiisip. "She's late," naibulong niya sa sarili. Kanina pa siya nag-pre-prepare ng mga pagkain ng mga orders mula sa labas at kanina pa naglalabas pasok si Mellow at si Sir Sable para kunin ang mga naluto na niya. Ilang beses ring natanong na siya ni Mellow kung asaan si Henri. Well, she's not around. Kahapon niya lang ito nakita kung kailan nahuli niya pa itong nagbubuhat ng mga case ng beer.

As far as he's concerned, hindi niya nakita kung mukha bang may sakit ito. Mukha lang itong bored at mukhang pagod. Ngunit, ang alam niya'y pinauwi niya ito nang maaga at hindi ito nagreklamo. Mukha ngang gusto siya nitong kausapin dahil andami nitong sinasabi kahapon, kumpara sa dati kung saan basta na lang itong tatahimik kapag sunod-sunod niya itong binabara. Yesterday had been challenging but he pulled through.

Mukhang 'di ito galit sa kanya. Alam niyang minsan sumosobra na ang pambabara at pagiging mukhang cold-hearted niya. He really would want to make it up to her, at least. Kaya kinokomendahan niya ito kung may nagagawa itong maganda o na-appreciate, just not the way he would have liked it.

One thing he did do is always give her a donut. Bago ito umalis ay laging may makikita itong donut na malapit sa area kung saan ito nagtratrabaho. Lagi niya itong sinisilip kung anong gagawin nito doon. Noong una ay hindi nito pinapansin iyon kaya palaging kay Airi ang bagsak niyon.

Sa sumunod na paggawa niyon ay nag-iwan na siya ng note na para rito ang donut. He once heard her say 'Huh'. At simula noon ay palagi na nitong kinakain ang donut. Minsan ay kukunin nito iyon bago umalis. Kaya hindi niya alam kung bakit wala ito ngayon. Hindi naman raw ito nag-text kay Sir Aisa kaya hindi ito sigurado kung asaan ang dalaga. Imposible namang bigla itong umalis ng walang paalam. Sabi rin ni Sir Aisa na imposibleng bigla ding gagawin iyon ng dalaga.

Unless, may ginawa siya. Bukod sa pagiging kunwaring snob.

Hindi tuloy niya mapigilang mag-alala. Hindi niya rin alam kung bakit siya nag-aalala. Sadyang parang palagi niya itong nauulinigan, nakikita. Kahit pa sabihing mag-iisang buwan pa lang silang magkasama sa kusina. And he doesn't get used to people so easily. He always as much as possible puts a wall up. Idagdag pang babae ito, ang sole specie na nahihirapan siyang maka-interact.

Napaisip tuloy siya kung may prinoproblema ba ito at iyon ang iniisip niya ng biglang may nagsalita sa likuran niya. "U-uy! S-Sorry! Na-late na akong dumating!" At dahil biglaan iyon ay aksidente niyang natabig ang palayok ng kumukulang tubig at dahil sinubukan niyang saluhin ang mga iyon ng walang kagloves-gloves ay narandaman niya ang nakakapasong init niyon. Agaran siyang napadaing at nagpa-panic na itinuloy ang paghawak sa palayok at mabilisang inayos ang mga iyon, even at the cost of a burnt hand. Nang matapos ay kusot ang mukhang hinarap niya ang gumulat sa kanya habang hawak-hawak ang palapulsuan nang nasunog niyang kamay.

May sasabihin pa sana siya pero agad na kinuha ng dalaga ang kamay niya at inusisa ang sunog. Medyo malakas pa ang hatak nito dahil napalapit siya rito. Agarang uminit ang mukha niya at nag-iwas siya ng tingin.

"Oh no... I'm sorry, I'm really sorry," wika nito at mukhang plano nitong hilahin siya sa kung saan pero gamit ang libreng kamay ay hinawakan niya ang braso nito.

"I-I-I-I'm f-fi-fine."

"Hindi kaya! Mukhang masakit, o!" hinarap siya nito at mas lalo niyang inilayo ang mukha niya. Mas lalo rin ata siyang namula dahil narandaman niya ang intense na pag-init ng mukha niya. Parang lumakas rin ang pagtibok ng puso niya na parang lalabas na iyon.

"H-He-Henri, p-pl-please, l-l-leave—"

"No, for now, you shut up. Tutulungan kita sa ayaw mo man o hindi. Pasensya na kung parang diring-diri ka sa akin!"

donuts ꞁ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon