Tapos na kami kumain ngayon. Yung dalawang kasama ko nagyaya na pumunta sa mall para daw mabilhan tong si Elli ng damit.
"Marami siyang damit!" Pag kontra ko kay Justin. Kasi naman, gastos lang yun. Hindi naman porque mayaman na tong isang to ay gastos na ng gastos.
"E, gusto ko siyang bilhan bakit ba?" Pagpupumilit niya. Pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi siya nagpatalo. Hayst!
"Bahala nga kayo diyan." Sabi ko at iniwan sila 'dun.
Pumunta nalang ako sa bookstore at nagtingin ng mga bagong labas na libro nung paborito kong Filipino Author.
Palabas na ako ng bookstore nang tumawag si Justin. Kailangan na daw naming umuwi dahil tinawagan na daw siya nung kontrabida niyang manager na si Kath. Duh!
"Anong itsura yan?" Turo niya sa mukha ko dahil nakasimangot akong tinitignan si Elli na buhat niya.
"Dati sakin lang siya nagpapabuhat, ngayon sayo na" may pagtatampong sagot ko. Tumawa naman siya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"Dati nga masaya tayong magkasama, ngayon parang hindi na" sabi niya saka naglakad palabas nang mall.
Naiwan naman akong tulala dahil hindi maprocess ng utak ko ang sinabi niya.
Kung hindi pa ako tawagin ni Elli ay hindi pa ako sumunod sa kanila.
Buong biyahe ay tahimik lang ulit ako. Silang dalawa lang ang nag-uusap. Hanggang sa nakatulog na din si Elli sa likod.
"Shai, okay ka lang?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Ha? O-oo pagod lang." Sagot ko saka umiwas ng tingin.
Ilang sandali kami natahimik. Para hindi maramdaman ang awkwardness ay nagkunwari nalang akong nakatingin sa labas. Hirap naman nito.
"Kung hindi ka ba umalis noon, masaya kaya tayo ngayon?" Tanong niya matapos ang mahabang katahimikan. Napatingin ako sa kanya.
Hindi alam kung ano ang isasagot. Paano nga kung ganon? Kasal na ba kami ngayon kung hindi ako umalis noon?
Hindi ako sumagot. Parang natuyo ang lalamunan ko. Hindi ko nalang namalayan na nasa tapat na kami ng bahay namin.
Bababa na sana ako nang magsalita siya. "Aalis na ako sa showbiz." Sabi nito dahilan para mapatingin ako sa kanya ng may pagtataka.
"Bakit?" Tanong ko. "I mean, ang dami niyong projects ni Carlene." Patuloy ko.
Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko yun inaasahan. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko ngayon. "Dahil gusto kong matupad yung pangarap ko na magkaroon ng masaya at simpleng pamilya." Sagot niya.
Napakurap ako. Napayuko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. "Masaya ako para sa inyo ni Carlene" mahinang sabi ko. Ayaw kong magmukhang bitter pero parang hindi ko magawa.
Ano pa ba kasi ang aasahan ko matapos ko siyang iwan noon? Ang mahalin parin niya ako ngayon?
Nalamang ay nahulog na talaga siya ng tuluyan kay Carlene. E, una pa nga lang crush na crush na niya yun.
"Ha?" Takang tanong niya.
Ngumiti ako sa kanya ng mapait. "Masaya ako na natutupad mo na yung pangarap mo na yun, kasama si Carlene." Sagot ko.
Kumunot ang noo niya saglit hanggang sa mapalitan iyon ng tawa. Tsk! "Hindi naman si Carlene ang gusto kong makasama sa pagtupad ng pangarap ko na 'yun." Sagot niya.
Kumunot din ang noo ko. "May iba kang girlfriend?" Tanong ko. Tumawa ulit siya kaya hinampas ko siya sa braso.
"Meron" sagot niya.
"S—sino?" Nauutal pa na tanong ko. Gusto na din sabunutan ang sarili ko dahil tanong pa ako ng tanong tapos sa huli masasaktan tsk!
"Secret, walang clue." Sagot niya saka tumawa na naman.
"E 'di nice." Sagot ko at bubuksan na sana ang pinto ng kotse niya pero pinigilan niya ako.
"Bakit nagseselos ka?" May pang-aasar sa tono ng boses niya. Parang tanga amputa.
"Alam mo, gusto kitang suntukin bwesit ka talaga." Inis na sabi ko pero tinawanan niya ulit ako.
"Huwag ka magselos sa sarili mo." Sabi nito habang tumatawa.
"Ha?" Tanging nasabi ko dahil hindi ulit maprocess ng utak ko ang sinabi niya.
"Tsk! Alam mo ang slow mo! Hindi naman corny jokes yung sinabi ko, ah." Sabi niya. Nagulat pa ako dahil hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap ako sa kanya. "I want to achieved that dream, with you. Kayo ni Elli." Patuloy niya na nakatingin na ngayon sa mga mata ko. "Kayo ang gusto kong kasama na bumuo ng masayang pamilya." Patuloy niya pa.
Hinampas ko siya sa dibdib dahil sa mga pinagsasabi niya ngayon. Naiiyak tuloy ako.
Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha na tumulo mula sa mga mata ko. "I want you to know na hindi ako galit na iniwan mo ako noon, at hindi ako galit na itinago mo si Elli sakin ng matagal. Naiintindihan kita, Shaila. Sorry kung wala ako sa tabi mo noong mga panahong kailangan mo ng makakasama. Sorry kung naranasan mo ulit yung sakit noong sinabi ni Miss Kath na hiwalayan ako. Sorry Shaila." Mahabang sabi niya. Napailing ako.
"No. Don't say sorry. Wala kang kasalanan. Hindi lang siguro pabor satin ang tadhana noon." Sagot ko.
"Mahal na mahal kita, Shai." Sabi niya saka ako niyakap. I hugged him back.
"Mahal na mahal din kita, Jah." Sagot ko. Nang humiwalay kami sa pagkakayakap ay hinawakan niya ulit ang mukha ko at pinunasan ulit ang mga luha na nasa pisngi ko.
Unti-unti niyang inilapit ang mukha sakin. Konti nalang ay maglapat na ang mga labi namin nang magsalita si Elli sa likod. Naitulak ko tuloy si Justin.
"Why are you crying, mommy? Pinaiyak ka ba ni Daddy?" Inosenteng tanong niya.
Napatingin ako kay Justin pero napaiwas din nang nakatingin din siya sakin. Nakangisi pa. Shit!
"N‐no, baby." Sagot ko.
Dali-dali kong binuksan ang pinto at lumabas. Binuksan ko ang pinto sa likod at binuhat si Elli.
Lumabas din si Justin at lumapit samin.
"Akala ko ba pinapatawag ka nung manager mo?" Tanong ko.
"Parang ayaw ko na umalis. May hindi kasi natuloy eh." Sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang siya kaya hinampas ko siya.
"Umalis ka na nga. Ingat ka ah! Bye!" Deretyo-deretyong sabi ko at pumasok na sa gate namin.
"Bye daddy!" Paalam ni Elli na buhat ko ngayon. Kumaway pa kay Justin na tumatawa pa rin hanggang ngayon. Demunyo.
"Bye, baby." Sagot niya kay Elli.
Binilisan ko na ang lakad dahil baka hindi ako makapagpigil at masasapak ko na talaga siya dahil sa nakakaasar niyang tawa.
Narinig ko pa ang tawa niya pero hindi ko na siya pinansin. Hayop na 'yun.
Papatayin ba niya ako?! Baka magka heart attack ano ng wala sa oras dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko.
To be continued...
Edit ko pag tapos na yung story!
BINABASA MO ANG
SB19 jdd | Because of You 2✔
Fanfiction[COMPLETED] "Sinabi ko sa'yo noon ang pangarap ko, Shaila. Ang magkaroon ng simpleng pamilya na kasama ka. Pero ikaw mismo ang sumira sa pangarap ko na iyon noong iniwan mo ako." - Justin --- Cover by: @ichiro_