"Shaila! Gumising ka diyan dali panoorin mo 'to!" Napakamot ako sa ulo ko nang biglang pumasok si Star sa kwarto namin ni Elli.
Tinignan ko ang anak ko sa kabilang kama at mahimbing parin na natutulog. Mabuti naman at hindi nagising dahil sa lakas ng boses nitong si Star.
"Ano ba yun?" Tanong ko at umayos ng upo. Ibinigay naman niya yung cellphone sakin kaya kinuha ko ito.
"Isang sikat na aktor na si Justin De Dios at dating member ng sikat na boy group na SB19 ay nakuhanan ng litrato sa isang mall nito lang isang araw kasama ang isang babae at batang babae."
"Ayon sa mga masugid na taga suporta ng SB19 na A'TIN ay ang naturang babae ay si Shaila Mae Bergonia, anak ng chairman and CEO ng SB-EA(Salamero-Bergonia Entertainment Agency) at dating girlfriend ng aktor."
"Samot-sari ang naging komento ng mga fans dahil sa kumalat na litrato. Ayon sa iba, ang bata umano ay anak ng aktor. Naging suportado naman ang mga A'TIN sa kung ano man ang katotohanan tungkol sa kumakalat na issue. Sa kabilang banda, ang mga CarTin supporters ay hindi maitago ang pagkadismaya sa aktor. Ang iba ay nagalit sa naturang babae na pinaniniwalaang ina ng anak ng aktor."
Pinatay ko na ang cellphone matapos 'yun. Hindi ko na kaya pang pakinggan kung ano man ang sasabihin pa nung reporter.
Napatingin ulit ako kay Jasrielle. Hindi ko maiwasang maluha dahil sa edad niyang iyan ay nadadamay na siya sa mga issue.
"Nasaan si Justin?" Agad na tanong ko kay Star.
"Nasa SB-EA siya ngayon." Sagot niya. "Naghahanda na daw siya para sagutin lahat ng mga tanong ng fans nila ni Carlene." Patuloy niya.
Dali-dali akong pumasok sa CR at mabilis na naligo. Pagkalabas ko ay agad kong kinuha ang bag. "Ikaw na muna bahala kay Elli, pupuntahan ko si Justin."
Hindi ko na siya hinintay na makasagot at agad na akong lumabas ng kwarto.
Pagkarating ko sa SB-EA ang dami na agad na taga media ang nag-aabang sa labas.
Nang makita ang kotse ko ay sinundan nila ako mula sa likod ng building. Mabuti nalang ay naroon si Via na naghihintay sakin.
Pagkalabas ko ng kotse ay mga flash ng camera at walang katapusang tanong ang ibinungad nila sakin.
Blangko lang akong nakatingin sa harap at naglakad. Hindi pinansin ang mga tanong nila.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang makapasok na ako sa loob.
Agad akong pumunta sa Office ni Mama. Binabati ako ng mga empleyado namin na parang walang issue na kumakalat ngayon na tungkol sakin at ni Justin. Nagpapasalamat ako doon.
Pagkarating ko sa Office ni Mama, nakaupo siya doon sa upuan niya na parang chill lang.
"Ma, napanood mo na ba yung balita?" Tanong ko agad. Tumingin siya sakin at tumango.
"Huwag kang mag-alala diyan. Para namang hindi mo kilala si Justin. Here, panoorin mo 'to." Sagot niya at pinalapit ako sa kanya para mapanood kung ano man ang pinapanood niya.
"Totoo ba na anak mo ang kasama mo sa picture?" Tanong iyon ng isang reporter.
Tumango si Justin rito. "Oo" tipid na sagot niya.
"Sino ang babae?" Tanong iyon galing sa isa pang reporter.
"My wife." Sagot ni Justin. Napalunok ako. Wife? Nagulat ako nang kurutin ako ni mama. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ngisi niya.
"Anong masasabi mo sa mga galit ngayon kay Ms. Shaila at sa anak niyo?"
"Wala silang kasalanan, hindi nila deserve lahat ng mga galit niyo. Sa mga CarTin supporters, sorry if I disappoint you."
"Totoo ba na hindi na ikaw ang makakasama ni Carlene sa mga projects dapat ay kayong dalawa ang magkasama?"
"Yes."
"Ipagpapalit mo ang kasikatan mo para sa kanila?" Napataas ang kilay ko nang tanungin iyon ng isang reporter. Pati si Justin ay tumaas din ang kilay. Halatang nainis sa itinanong sa kanya.
"Bakit hindi? Kung papipiliin ako pipiliin ko sila. I will choose my family over anything else." Sagot niya. Matapos nun ay umalis na siya doon.
Humabol pa yung mga reporter pero hindi na siya sumagot ng kahit na anong katanungan nila.
Lumabas ako nang Office ni Mama at hinanap si Justin.
Mabuti at nakita ko siya agad. "Justin!" Sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya.
Nang makalapit ako ay agad niya akong niyakap. "Shai, kaya kong iwan ang lahat para sa inyo ni Elli." Sabi niya habang yakap ako.
"I know." Bulong ko.
"Gusto mo parin ba akong pakasalan?" Tanong niya. Agad akong kumalas sa pagkakayakap niya at tinignan siya.
"Oo naman" sagot ko saka niyakap ulit siya. "Ikaw din ang gusto kong makasama sa pagbuo ng masaya at simpleng pamilya." Sagot ko.
"Mommy!" Umalis ako sa pagkakayakap nang marinig ang boses ng anak ko, ng anak namin.
Hawak siya ni Star. Agad siyang tumakbo samin ni Justin at niyakap ang parehong binti namin.
Umupo ako para makapantay siya. Ganon din ang ginawa ni Justin. "Bati na ba kayo po?" Inosenteng tanong niya. Tumango ako at hinawakan ang mukha niya. "Group hug!" Sigaw niya at niyakap kami pareho ng kanyang Daddy.
"Ehem! Isama niyo naman ako diyan!" Sigaw ni Star kaya napatingin ako sa kanya.
"E 'di yakapin mo rin kami ni Kenzo." Napatingin kaming lahat kay Ken na kararating lang. Hawak niya si Kenzo.
Napailing nalang kami ni Justin dahil kay Ken at Star.
"Grabe, nagutom ako kakaalaga kay Elli, libre niyo naman kami." Sabi ni Star nang maglakad kami.
"Itong si Star hanggang ngayon buraot parin." Sagot ni Justin kaya hinampas siya nito sa braso.
"Bad ka Tita," sabi ni Elli at sinamaan ng tingin ang tita niya.
"Aba! Mana to kay Shaila. Ati chona." Sabi pa ni Star kaya kinurot ko siya.
Sa huli, napagdesisyunan namin na pumunta sa restaurant nila kuya Sejun at Yaz.
"Shaila, Elli! Mabuti naman bumisita kayo dito!" Bungad sa amin ni Kuya Sejun.
Lumapit siya sa amin at niyakap ako. Miss ko na sila.
"Asan si Yaz? At si John Neb?" Tanong ko. Sakto namang lumabas si Yaz at JN sa mini Office nila. Si JN ay ang 7 years old nilang anak.
Tumawag din si Stell at pupunta daw sila ngayon dito ni Ayesha, kasama ang anak nila na si Zyniel, 3 years old. Pati si kuya Josh at Bella ay pupunta din. Kasama din nila ang 5 years old nilang anak na si Jaydee. Ayaw daw nilang magpahuli dahil ngayon nalang ulit manlilibre si Justin.
Naging masaya ang naging bonding naming muli.
Sobrang saya lang dahil hindi ko inakala na mangyayari ulit yung ganito. 'Yung makakasama ko sila at masaya lang na nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari noon.
At masaya ako na, sa laki ng naging kasalanan ko kay Justin, sa huli, tinanggap niya ulit ako sa buhay niya.
Wala na akong mahihiling pa. Mayroon akong mga kaibigan na gaya nila. Mayroong Justin na laging nandito para sakin kahit na ang dami ko nang ibinigay sa kanya na sakit. At higit sa lahat, binigyan ako ng isang anak na gaya ni Elli.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SB19 jdd | Because of You 2✔
Fanfiction[COMPLETED] "Sinabi ko sa'yo noon ang pangarap ko, Shaila. Ang magkaroon ng simpleng pamilya na kasama ka. Pero ikaw mismo ang sumira sa pangarap ko na iyon noong iniwan mo ako." - Justin --- Cover by: @ichiro_