5 years after...
"Mommy, where are we going?" Tanong ni Jasrielle. Ang 4 years old kong anak. Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti. Nag eempake ako ngayon dahil uuwi kami next week sa Pilipinas.
"We are going to Philippines." Sagot ko. Ngumiti siya sakin at niyakap ako.
"Really? Are we going to see daddy na?" Excited na sabi nito. Natigilan ako sa sinabi niya.
Limang na taon na ang lumipas. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.
Oo, si Justin ang ama ng anak ko. Wala akong ibang pinagsabihan maliban kay Star, Jon at ang pamilya niya.
Alam kong hindi na dapat kami babalik sa Pilipinas, pero kailangan ako nila Mama doon. Ako lang ang inaasahan nila para sa business namin.
Ayaw kong guluhin ang buhay ni Justin. Masaya na siya ngayon. Natupad na niya ang pangarap niya. Isa na siya sa mga sikat na artista ngayon.
Jasrielle know that Justin is her father. Hindi ko yun inilihim sa kanya.
She's so excited to see her father. Pero I'm not sure if Justin want to know na meron siyang anak. O kung maniniwala ba siya na siya ang ama ng anak ko.
"Mommy" napatingin ako kay Jasrielle nang tawagin niya ako. "Excited din po ba si Daddy na makita tayo po?" Inosenteng tanong niya. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang maliit niyang mga kamay.
"Oo n-naman. Excited siya na makita ka." Sagot ko.
"Yeheyy! I'm going to see Daddy na!" Masayang sabi niya.
Napabuntong hininga ako. Matagal nang gusto ni Jasrielle na makita ang Daddy niya. Ang pinoproblema ko ngayon kung paano ko ipapakilala sa kanya si Justin. Arrrgh!
Natigil lang ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko na nasa coffee table.
Tumatawag si Star. "Hello?" Tanong ko pagkasagot.
"S-shaila..."
Agad kong ibinaba ang tawag dahil hindi si Star ang nagsalita.
Kahit matagal na noong huli kong marinig ang boses niya, hinding hindi ko yun makakalimutan.
Tumunog ulit ang cellphone ko pero hindi ko na ito sinagot pa. Takot na baka si Justin ang sumagot dito.
---
"Gaga ka! Bakit hindi mo sinabi na uuwi pala kayo ngayon?!" Bulyaw agad ni Star pagkarating nila ni Ken dito sa bahay. Kasama nila ngayon ang 4 years old na anak nila na si Kenzo.
"Tsk! Ayaw ko naman na maistorbo pa kayo." Sagot ko.
"Hoy babae, matagal ka nang nakakaistorbo ano. Alam mo ba na ilang taon din akong ginulo nung iniwan mong fian-" hindi na natuloy ni Star ang sasabihin dahil hinampas siya ni Ken sa braso. Natawa tuloy ako.
"Pasensya ka na sa bunganga nito, Shaila." Hinging paumanhin ni Ken.
"Aish! Pero seryoso Shai, paano kung malaman ni Justin ang tungkol kay Jasrielle?" Seryosong tanong niya. Bumuntong hininga ako.
Tumingin ako sa kinaroroonan ni Jasrielle at Kenzo na naglalaro. Binalik kong muli ang tingin kay Star bago sumagot.
"Hindi naman niya siguro iisipin na siya ang ama." Sagot ko. Napailing siya dahil dun.
"Pero si Jasrielle. Alam niya na si Justin ang ama niya. Paano kung magkita sila?" Sabi niya ulit.
"Hindi ko hahayaan yun." Sagot ko.
"Shai, let me remind you this, hindi mo maiiwasan habang buhay si Justin. At isa pa, hindi ka ba naaawa sa anak mo? She badly wanted to see her father." Sabi nito dahilan para mapahilamos ako sa mukha.
BINABASA MO ANG
SB19 jdd | Because of You 2✔
Fiksi Penggemar[COMPLETED] "Sinabi ko sa'yo noon ang pangarap ko, Shaila. Ang magkaroon ng simpleng pamilya na kasama ka. Pero ikaw mismo ang sumira sa pangarap ko na iyon noong iniwan mo ako." - Justin --- Cover by: @ichiro_