BECAUSE OF YOU: REIMAGINED!

220 2 0
                                    

[REIMAGINE SERIES #1: Malay Mo, Tayo]

He's the definition of a good son.
She's the definition of a bad daughter.
He's the superstar.
And she's the nobody.

Alice Shine Laurel wants to be accepted, not by everyone but by her family. In her life, she wanted her parents to be proud of her. Pero hindi nila iyon maibigay sa kanya.

Sa pakiramdam ni Shine, walang taong nagmamahal sa kanya. Dahil lahat ng tao, ang tingin sa kanya ay masama. Not until John Lloyd Toreliza came to her life.

Si JL ba ang magpaparamdam kay Shine ng pagmamahal na hindi niya makuha sa pamilya niya? O isa rin siya sa dahilan para masaktan siya ng sobra?

"Malay mo, tayo."

________________________________

PROLOGUE:

Isang malakas na sigaw ang bumalot sa buong arena mula sa mga fans ng grupong BGYO.

Sinamahan ko lang si Mikha dito sa concert ng BGYO dahil super fan daw siya ng grupo na 'to.


Mas naging malakas pa ang sigawan ng mga tao nang lumabas ang isang member ng BGYO na si JL.

Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang kilala ko siya noon pa kahit na ngayon ko lang siya nakita sa personal.

Naramdaman ko din ang pagkirot ng puso ko nang makitang may kasama siyang babae.

Kumakanta sila sa stage at nakangiti sa isat-isa. "OMG! Lumalayag ang ship ko!" Sigaw ng mga fans na nandito sa tabi ko.

Nang matapos siyang kumanta ay nagpasalamat siya sa mga fans nila na pumunta sa concert nila.

"One more song please!" Sigaw pa ng mga fans. Ngumiti naman siya sa mga ito at marahang tumawa.

"Dahil mahal ko kayo, sige, isa pa." Natatawa nitong sabi.

Nagsimula na namang magsigawan ang mga fans nang magsimula siyang kumanta. Kinakanta niya ngayon ang 'Istorya' ng The Juans.

"Sa istorya na tumatakbo sa aking isipan." Pagkanta nito. "Ikaw ay nariyan at kasama mo akong nangangarap. Na balang araw ay..." Patuloy nito at ngumiti pa sa mga nagwawalang mga fans nila.

"Aabutin mga bituin habang pasan kita. Buong mundo'y aangkinin para sa ating dalawa. Hinding-hindi ka bibitiw kahit saan magpunta. Pero ngayon nasaan na?" Hindi ko alam kung ako lang pero ramdam ko sa mga mata niya ang lungkot. Na para bang may taong pinag-aalayan niya sa kanta na iyon.

"Sa istorya nu'ng totoong buhay ay ikaw ay lumisan. Hindi na nakita. 'Di na nakausap. Parang 'di na kilala. 'Di na maalala na..." napatulala ako nang magtama ang mga mata namin.

Mas lalo kong nakita sa mga mata 'yung sakit.

Hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan din ako na makita na nasasaktan siya. Pakiramdam ko, ako ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya.

Pero bakit? Bakit nararamdaman ko ang mga ito sa taong ngayon ko lang nakita?

Nang matapos siyang kumanta ay iniwas na niya ang tingin sa'kin. "Mikha." Kinalabit ko si Mikha na nasa tabi ko.

"Oh?" Tanong nito na hindi nakatingin sakin dahil nasa stage ang tingin. Si Mikki na kasi ang susunod na kakanta.

"Lalabas muna ako." Sagot ko. Medyo nilakasan ko pa ang boses ko dahil sa ingay galing sa music at pati na rin sa sigaw ng mga fans.

"Sige." Sagot niya na nakay Mikki parin ang tingin.

Napailing nalang ako na lumabas ng venue.

Umupo ako sa isang bench na malapit lang sa concert venue. Kinakalma ang sarili.

Habang pinapakalma ang sarili, pinagmasdan ko lang ang mga tao na naglalakad ngayon sa harap ko.

Muntik pa akong mapasigaw nang biglang may humawak sa balikat ko. Pagkalingon ko ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang lalaki ngayon sa harap ko.

"S-shine..." sabi nito dahilan para mas lalo lang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Bakit? Bakit niya ako kilala? Sino ba siya sa buhay ko bago ko makalimutan ang ibang alaala ko? Isa ba siya sa mga ilan na nakalimutan ko matapos ang aksidente na iyon?


___________________________________

DISCLAIMER!

This story is pure fiction. Any resemblance to actual person or actual events otherwise stated are purely coincidental.

Sorry for some typographical and grammatical errors!

_____

Also, this is the reimagined version of my SB19's Justin fanfiction 'Because of You. Kung may pagkakapareho doon ay dahil doon ko rin kinuha ang idea. I just re-create it.

Pinalitan ko ang mga characters, lines and yung ibang wala namang kwentang pangyayari na dahilan para sa pagkagulo ng plot.

____

Kung balak niyong basahin ang unang VERSION ay pwedeng-pwede po. Lalo na kung balak niyong basahin ang buong SB series. Pero kung wala kayong balak, I recommend na ito nalang dahil magulo po iyon ng konti lang naman hahaha. Thank you!

____

This story is dedicated to BGYO's JL, sa mga readers(A'TIN) ko mula noong nagsimula akong isulat ang BECAUSE  OF YOU(original version) and of course to ACEs. Hope you like it!

Every Saturday or Sunday ang pag update ko.

___

No to fanwars!
No hate. Spread love.

____

𝗣 𝗟 𝗔 𝗚 𝗜 𝗔 𝗥 𝗜 𝗦 𝗠   𝗜 𝗦
𝗔  𝗖 𝗥 𝗜 𝗠 𝗘!

____

𝗔𝗹𝗹 𝗿𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 𝗿𝗲𝘀𝗲𝗿𝘃𝗲𝗱
©️: 𝗮𝗹𝘆𝗮𝘁𝗶𝗻_

Date started: May 23, 2021
Date published: May 30, 2021
Date finished: -------

SANA SUPORTAHAN NIYO PARIN 'TO HUHU!

SB19 jdd | Because of You 2✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon