Kabanata 31

556 29 2
                                    

Voice





"Wala pa po si Silas, ma'am Estella." Sagot ni aling Linda sa bisitang dumating.



Or bisita nga ba? The way aling Linda talked to her is like she's been here before. Ofcourse she is... She's still into Silas.



Maya-maya lang ay dumating narin ang sasakyan ni Silas. Sinalubong sya ni Estella sa main door. Nasa hagdan parin kami ni Howl at pinagmamasdan lang sila.



"What are you doing here, Estella?" Silas asked the unexpected visitor.



"You're not answering my message. I told you, I'm back..." Si Estella.



"Pappa!"



Sabay silang napatingin sa banda namin ng biglang sumigaw si Howl. Kaagad akong nag-iwas ng tingin ng magtama ang mga mata namin ni Silas.



Binalewala ni Silas si Estella at kaagad na lumapit sa amin para kargahin ang anak.



"Who's this girl?" Estella followed him. "Bagong yaya ni Howl?" She looked at me from head to toe.



"Her name is Dalena." Maiksing sagot ni Silas.



"I told you, hindi mo na kailangang kumuha ng yaya ni Howl. If you just let me live with you... I can be Howl's mom, Silv."



Nakita ko ang pagpikit ng mariin ni Silas. He's not please with Estella's presence.



"Eat lunch with Howl, susunod nalang ako..." Binigay ulit sa akin ni Silas ang anak namin.



"And you..." He talked to Estella. "Come with me in the offce."



Sobrang laki ng ngiti ni Estella dahil sa narinig mula kay Silas... Kahit sinabihan ako ni Silas na pakainin na si Howl ay nakatayo parin ako doon at pinanuod silang sabay na pumasok sa study room.



Paguusapan ba nila ang tungkol sa sinabi ni Estella? Howl is still a baby. Silas is enough but the child needs a mother to be with him while he's growing up... And I can't be that person because I'm just a...babysitter.



"Hay naku. Nandito na naman 'yang babaeng 'yan." Bulong-bulong ni aling Linda habang kumakain kami.



"Matagal na po bang kilala ni sir Silas si ma'am Estella?" I asked aling Linda.



Sinusubuan ko si Howl pero iniiwas nya ang mukha nya, kaya hinayaan ko muna syang maglaro saglit.



"Ang alam ko, ex 'yan ni Silas. Pero diba? Kung ex na, ex na dapat. Bakit nagpupumilit parin sya? Obvious naman na hindi na sya gusto ng tao."



Medyo nabigla ako sa sinabi ni aling Linda.



"Sayo ko lang 'to sasabihin ah..." Mas lumapit sya sa akin para makabulong. "Nagpapanggap lang 'yan na gustong maging nanay ni Howl para balikan sya ni Silas. Isang beses nung binuhat nya si Howl, kita ko yung mukha nya parang diring-diri. Kapal ng mukha." Aling Linda gently pinched Howl's cheeks. "Napakacute kaya ng batang ito at sobrang gwapo pa, diba? Howl Howl namin?"



Nakaramdam ako ng galit. Paanong nagawa ng Estella na iyon na mandiri sa anak ko?! Sya nga itong mas nakakadiri dahil pinagsisiksikan nya parin ang sarili nya sa taong ayaw naman sakanya. Hindi parin ba sya nadala nung una?! Shit. I'm so glad I didn't use the lipstick she gave to me before. Bitch! I want to kill her. How dare she!



"Alam po ba ni sir Silas iyon?" Kalmado kong tanong kay aling Linda. Hindi ako pwedeng magpahalata na naaapektuhan ako.



"Oo. Nakita kong nakatingin din si Silas kay Howl non' eh kaya malamang nakita nya rin."



The Werewolf Princess' Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon