Lips
I got stunned because of what Silas said. Matagal bago ito naproseso ng utak ko. Kung hindi pa ako tinawag ulit ni Silas ay hindi pa ako babalik sa wisyo ko.
"Dalena,"
"Y-yes, sir?"
"Did you hear what I've said?"
I nodded hurriedly. "Y-yes po."
"Good, then. And don't worry about your dress for the party. Ako nang bahala." He told me.
Pagkatapos non' ay tuluyan nang umakyat si Silas kasama ang anak namin.
Kaagad naman akong nilapitan ni aling Linda at bahagyang siniko..."Psst. Ano yang date date na yan' huh? Nalate lang ako kaonti may ganoon nang ganap?"
I slightly shook my head. "Pati po ako nabigla eh. Tingin nyo po, bakit kaya ako ang napili ni sir Silas maging date nya sa araw na iyon?"
Aling Linda shrugged her shoulders. "Siguro dahil mas komportable sya sayo..."
Natahimik naman ako at nagisip nalang ng ibang pwedeng dahilan ni Silas. Siguradong madaming babae ang gustong maging date ni Silas. Kahit naman noong kasal na kami ay marami parin ang nagkakagusto sakanya, ngayon pa kayang single na ulit sya.
"Ano, Dal? Simulan ko na ba ang pagtawag sayo ng madam?" Nabigla ako sa biro ni aling Linda.
"Po?! W-wala naman pong ganoon, aling Linda..." I proclaimed.
Tinawanan lang ako ni aling Linda tapos bumalik na sa paglilinis sa kusina.
Nakaupo lang ako sa kusina habang hinihintay ang paglabas ni Silas sa kwarto ni Howl. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay kaagad akong tumayo at nagpaalam kay aling Linda na sisilipin lang si Howl.
Silas is still infront of Howl's door when I went upstairs. It's like he's waiting for me...I bit my lower lip and slowly looked down because Silas is staring at me, again.
I gulped because I decided to ask him if he needs something, pero naunahan nya akong magsalita...
"Howl is asleep..." Aniya.
Dahan-dahan akong tumingin sa mukha nya at nabigla nang makitang ang lapit nya na pala sa akin. Lalayo pa sana ako pero mabilis na nahawakan ni Silas ang baywang ko para hindi ako makalayo sakanya.
Pumikit ako ng mariin, hindi alam ang gagawin ngayong magkadikit kami ni Silas. Pero nagtaka ako nang wala naman syang ginawang iba at tahimik lang. Dinilat ko ulit ang mga mata ko at nakitang nakatitig parin sa akin si Silas.
"M-may k-kailangan po ba kayo, sir--S-Silas?"
Silas took a deep breath and make me stand up properly, he also let go of my waist and step back a little.
"What should I do to you, Dal?" I heard him whisper.
Hindi ko alam kung sa akin nya binulong iyon o sa sarili nya lang, kaya hindi nalang ako sumagot. Wala din naman akong maisasagot dahil natameme na naman.
I got suprised when Silas suddenly put his hand at the top of my head, he patted me there gently before saying, "See you later, Dalena."
Silas didn't wait for my response, he went straight to his room and closed the door. Naiwan ako doon na tulala at sobrang bilis nang tibok ng puso.
BINABASA MO ANG
The Werewolf Princess' Lover (Completed)
Werewolf[Werewolf Series #4] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...