The Date

19 1 0
                                    

Yun na nga ang nangyari, nakatira samin ang crush ko na ex- gf ko dati na crush ko pa rin ngayon. (Magulo??) Ganyan tlaga. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kanya. Pero nangingibabaw pa rin talaga ang galit ko sa babaeng dating nang iwan sakin.

Ayoko man na patuluyin sya dito e wala na ko magagawa, si mama na yung pumayag e.

"Nak, sa bakanteng kwarto matutulog si Loraine." Sabi ni mama.

"Ok lang ma. Kayo bahala."

________________________

Isang araw, kinausap ko si Loraine.. Yung seryosong usapan.

"Loraine, ano ba talaga problema mo? Bakit ka ba pinalayas at tsaka bakit dito ka nakituloy. Bakit di na lang sa iba mong kaibigan?"

Di nagsasalita si Loraine, may kakaiba talaga sa babaeng to. Nakatingin lang sya sakin habang pumapadyak ng bahagya ang paa nya.

"Wag ka muna pumasok bukas. May pupuntahan tayo." Sabi niya.

"San naman??

" basta, sumama ka na lang.

(Ano kayang balak nya,, san kami pupunta?? Babaeng to talaga, di ko mabasa takbo ng utak nya.)

______________________________

Kinabukasan.....

(Tok, tok, tok) kumakatok si Loraine sa pinto ng kwarto ko.

Mark, gising na.. Sabi nya.

(Lupet,, parang si mama lang ah. Hanggang ngayon di ko pa rin makuha kung san kami pupunta ni Loraine)

"Gising na dali."

"Hintay naman, alas otso pa lang ah. Anu ba naman to."

"Bilis, madami tayong pupuntahan ngayong araw."

"Ok, sige sige"

. . . . . . . . . . . . . . . . .

Mark:

"Ang laki naman ng bag na dala nito, mag eevacuate na yata,haha.buti naman....

Anyway, umalis na kami ni Loraine. Sumakay kami ng jeep.

...(why you gonna be so rude, dont you know im human too...) Soundtrip lang ako sa loob ng jeep.

Di pa natatapos ang isang kanta ay bumaba na kami ng jeep ni loraine. Akala ko malayo ang pupuntahan namin, e dun lang pala sa school namin dati..

"Tara na", sabi nya sakin.

(Syempre, sumunod naman ako sa kanya.) Lumampas sya sa school. Dumiretso sya sa puno ng mangga na tambayan namin dati..

Umupo sya at binuksan ang giant bag. Puro pagkain lang naman pala ang dala niya, takaw ah.. Dito pa natripang kumain.

Di sya nag aalok pero kumuha na rin ako ng dala nya. Gutom na eh. Habang kumakain kami, inangat nya ang daliri nya at itinuro ang ukit sa puno.

Nakasulat dun ang pangalan naming dalwa na nasa loob ng puso.

Tumingin sya sakin, walang imik.. (Heto na naman sya)

"Tingnan mo yung ginawa natin dati", sabi niya

(Tiningnan ko ulit, ganun pa rin naman eh)

"Almost three years na pero di nawala yan, mas lalo pang lumitaw yung pangalan nating dalwa. Ang saya natin dati, nakakamiss." Sabi ni loraine"

Malalim ang kahulugan ng sinabi nyang yun. Bagay di ko maintindihan. Bakit iniwan nya ko dati pero ngayon ay nandito na ulit sya, nagi-guilty ba sya na iniwan nya ko. Pero bakit ngayon pa, ngayong nag sink in na sa isip ko na di na sya babalik. O baka naman nandito lang sya para saktan ulit ako, pero tingin ko hindi. Wala naman akong kasalanang ginawa sa kanya para saktan ako ng dalwang beses.

Sa sobrang gulo ng utak ko, tinuloy ko na lang ang pagkain ko.

Di ako makatingin sa kanya, bahagya kong inaangat ang bote ng softdrinks para inumin nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Mark, kanta ka naman oh. Gusto ko marinig ang boses mo."

(Seryoso ang mukha nya. Di ako nakatanggi sa kanya.)

There are times when i just want to look at your face, With the stars in the night.

(Makislap na tingin at ngiti ang nakita ko sa mukha ni Loraine)

There are times when i just want to feel your embrace, in the cold night. I just cant believe that you are mine now.

(Sumabay sya sa kanta ko)

You were just a dream that i once knew, i never thought i would be right for you. I just cant compare you with anything in this world.

As endless as forever, our love will stay together. You were all i need to be With forevermore.

(Pagkatapos ng kanta, niyakap nya ko ng mahigpit. Nawala ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Wala na sa isip ko na iniwan nya ko dati. Gusto ko syang makasama habangbuhay. Ayoko ng mawala pa ulit sya sakin.)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The First Fall :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon