CHAPTER 5 "The Liquid of Death"

18 2 0
                                    

Muli kong tinignan ang lalakeng nakatayo ngayon sa harapan ko.

“Naghihintay ako nang sagot” sabi niya at tinignan ang kanyang orasan, marahan akong tumango na parang wala sa sarili.

“Kayang-kaya kong gawin ang hinihiling mo sa isang kisapmata lamang kung  iyon talaga ang gusto mo.” Sambit niya at ngumiti na naman ito ng wagas, seryoso ko siyang tinitigan. Sinusuri. Inaalam kung tunay ba talaga ang mga sinasabi niya

“Bakit hindi ka sa akin naniniwala?”

“Hindi mo ba alam na nababasa ko ang iyong isipan” dagdag pa nito

“Magkano naman ang kapalit?” ganti kong tanong hindi iniinda kung nababasa niya ba talaga ang naiisip ko

“hahaha matalino ka nga talagang babae, hindi ako nagkamali sa iyo. Masyado mo akong pinapasaya hahahaha pero hindi ko kailangan ng pera. Marami na ako niyan” masayang sabi nito

“kung gayon anong gusto mo?” ang akala ko ay pera ang nais niya dahil kung pera lang din naman ay handa akong ibigay lahat ng meron ako. Ang pera madaling palitan pero ang bumuhay ng patay HINDI.

Nang sabihin niyang hindi pera ang magiging kapalit ay napaisip ako kung hindi pera eh ano? Pero agad din iyong nawaksi nang maisip ko na ano pa man ang maging kapalit ay buo na talaga ang loob ko na ituloy ito.

Hindi ko alam kung bakit ako naniniwala sa taong iyon at sa mga kalokohan niyang pinagsasasabi. Hindi niya pa sa akin nasasabi ang magiging kabayaran ng gusto ko pero kung ano man daw iyon ay hindi ako mahihirapang ibigay kaya naman sa huli ay agad din akong pumayag.

 Tinignan ko muli ang maliit na botelyang hawak ko na naglalaman ng asul na makintab na likido, ang bilin sa akin ng ‘taong iyon’ ay inumin ko daw ito pagsapit ng alas-tres. Kanina pa akong nakahiga sa aking kama at tanging oras na lamang ang inaantay ko. Sinilip ko ang orasan na nasa ibabaw ng isang maliit na cabinet sa tabi ng aking higaan. 2: 56 a.m. apat na minuto na lang Alex at muli na tayong magkakasama.

Muli kong naalala ang pag-uusap namin kanina ng lalaki na hindi ko kilala

“Ano ba ang mangyayari kapag ininom ko ito?” takhang tanong ko na nakatingin sa botelyang kaaabot niya lamang sa akin.

“Simple. mamamatay ka” ngiting saad nito na animo ay pinapipili lamang ng kung ano ang magandang bagay na bibilhin. Tatlong salita lamang ang kanyang sinabi ngunit nagawa pa rin nitong mapatayo ang aking balahibo.

Alam kong kitang-kita sa mukha ko ang pagkagulat. Tumawa naman siya ng malakas, nakahawak pa ang kanyang kamay sa tiyan bahagya akong nairita sa ginawa niya kaya naman ay aalis na sana ako

“Saan ka pupunta?” pigil ang tawa sa tono nito

“Wala akong oras para makipag-lokohan sa iyo” iritadong kong sagot

Pinigilan niya akong umalis at muling hinila upang mapaupo. Umupo naman akong muli at seryosong tinignan siya ngunit mas naging seryoso na siya sa pagkakataon na ito.

“totoo ang sinabi ko, mamamatay ka sa oras na inumin mo iyan..” napalunok ako sa sinabi niya, ginapang ng kaba ang aking dibdib

--xxxxxxxxxxxxx------xxxxxxxxxxxxx

Narinig ko ang mahinang alarm ng aking orasan, hudyat na alas-tres na. Mariin kong pinikit ang aking mga mata, at muli may mga luhang tumulo dito.

Sana ay mapatawad ako ng mga magulang ko sa gagawin kong ito.

Sana ay maintindihan nila ako.

Sana ay huwag niyo akong husgahan lamang.

Ininom ko ang asul na likido sa botelya. Noong una ay wala akong maramdaman sa ininom ko pero kalaunan ay namanhid ang aking buong katawan at ni isa sa parte ng katawan ko ay hindi ko maigalaw, nanikip ang aking dibdib at nahirapan akong huminga, pakiramdam ko ay umiikot ang aking paningin at biglang nagdilim ang lahat..

 ---------------------------

SCARED TO DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon