Yana's POV
"yawwwnnnn..."
"ang haba ng hikab mo ah.." puna sa akin ni Jake
"ano ba ang ginawa mo kagabi at parang puyat ka? Tapos nauna ka pang umuwi kahapon, saan ka ba nagpunta?? Hindi mo pa sinasagot yung mga tawag at text ko, nag-alala tuloy ako sa iyo. Buti na lang at mukhang maayos ka naman"
Araw-araw daw niya talaga iyang ginagawa sa akin eh.
Mukhang kahit bumalik ako sa nakaraan ay may mga bagay at mga taong pa ring hindi nag-babago, katulad na lang ngayon ni Jake. Kaya ko siya nagustuhan noon, dahil sa natural ang pagiging mabait at maaalahanin niya.
"Wag mo naman akong ngiti-ngitian dyan.." sabi niya habang diretso ang paningin sa daan
"bakit naman?" ngiti ko sa kaniya
"mas lalo akong na-iinlove sa iyo eh"
"ang aga-aga ha, bumabanat ka" biro ko sa kaniya
Ipinarada niya ang sasakyan, nauna na akong bumaba sa kaniya dahil panigurado kong pag-bubuksan niya pa ako. Alam kong napaka-gentleman ng gesture na iyon pero mas gusto kong ako na lang ang gagawa nun..
"Salamat ulit sa free ride ha, una na ako" paalis na san ako ang kaso nga lang may mga kamay ang humawak sa braso ko. Nagtataka kong tinignan si Jake
"bakit?"
Pero niyakap niya lang ako ng...mahigpit
"Seryoso ako Yana, nag-alala talaga ako sa iyo, sana sa susunod sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta at kung pwede isama mo na lang din ako para naman mas mapanatag ako"
Wala na rin akong ibang naisip na maaaring gawin kundi ang gantihan ang yakap na ibinigay niya sa akin..
"sige, salamat Jake" di ko mapigilan ang hindi mangiti sa ginagawa niya...
"Alex..."
