CHAPTER 4 "The Man"

31 2 0
                                    

Yung taong pinakamamahal mo…

Yung taong pinakaiingatan mo…

Yung taong bumuo sa iyo…

Yung taong minahal ka nang totoo…

At yung taong minahal mo nang buong puso…

Lahat nang pagsasamahan na binuo sa loob nang maraming taon ay mawawala lang sa loob ng isang segundo

Mawawala lang dahil sa isang insidente na hindi inaasahan

Naranasan nyo na ba ang umiyak gabi-gabi?

Naranasan nyo na bang umasa na sana hindi totoo lahat nang nangyayari—na isang masamang panaginip lang ang lahat?

Naranasan nyo na bang halos kitilin ang sariling buhay?

NARANASAN NYO BA ANG MAMATAYAN??

Malamang HINDI..

Kasi hindi kayo ang umiiyak gabi-gabi

Kasi hindi kayo yung umaasa

Kasi hindi niyo pa naranasan na patayin ang sarili

KASI HINDI KAYO ANG NAMATAYAN..

Nakakaloko nga lang din kasi marami ang nagsasabi sa akin na naiintindihan nila ako. Parang gusto kong ihampas sa mukha nila yung sinasabi nilang ‘naiintindihan nila ako dahil kahit kelan hindi nila ako maiintindihan, dahil hindi naman sila ang nawalan—hindi naman sila ang namatayan. Hindi sila ang namatay.

Hindi ko alam kung saan pa ako humuhugot ng lakas ngayon para pumunta dito. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.  Malakas na hagulgol ng nanay ni Alex ang bumungad sa akin, puti at itim ang suot ng lahat ng mga taong nandito ngayon—karamihan sa kanila ay mga kilala ko na mula sa kaklase, kaibigan, malayong kamag-anak at pamilya ni Alex.

Natahimik silang lahat ng makita ako. Binigyan nila ako ng daan patungo sa mahal ko—sa huling hantungan niya. Sa kauna-unahang pagkakataon mula ng mamatay siya ay ngayon na lamang ulit ako nagpakita. Hindi ko kasi kayang makita na iniiyakan siya ng ibang tao. Dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap. Ang hirap tanggtapin na sa isang iglap lang nawala na yung taong nagpapasaya sa akin, yung taong nagparamdam kung gaano ako kahalaga.

Na kahit na ano pa ang gawin ko ay ayaw tanggapin ng utak ko na wala na siya lalo na ng.. puso ko. Pilit kong nilulunok ang bagay na bumabara sa lalamunan ko habang papalapit ako ng papalapit sa kaniya. Isang hikbi ang hindi ko napigilang lumabas sa bibig ko, ilang beses ko na bang nasabi na napakasakit ng nararamdaman ko ngayon? Ilang beses na ba akong umiiyak ng hindi ko namamalayan? Ilang beses ko na bang hindi mapigilan ang paghikbi ko?

Gusto kong magalit at sigawan silang lahat… bakit ba nila iniiyakan si Alex hindi naman siya patay. Hindi siya patay, natutulog lang siya dyan. Niloloko lang na naman niya ako, tapos mamaya ay babangon din siya dyan at tatawan na lang ako dahil nagpauto na naman ako sa kanya..

Hindi naman siya patay..

h-h-hindi naman..

Dinudurog ang puso ko habang pinagmamasdan ang dahan-dahang pagbaba sa kabaong niya at muli umagos na naman ang luha mula sa mga mata ko. Isa-isang nag-alay ng bulaklak ang mga taong malalapit sa kanya at nang ako na ang mag-aaalay ay napahagulgol na ako, hindi lang bulakalak ang inaalay ko dahil pati ang buhay ko ay ibinigay ko na.. Lahat gagawin ko makasama ka lang ulit. Lahat. Kasabay ng pagkalaglag ng bulaklak na ibinigay ko ay ang huling patak ng luha na iiiyak ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsialisan na rin ang mga tao dito. Kanina lang ay napuno ng iyakan ang lugar na ito pero ngayon ay napakatahimik na tanging ingay na dala ng hangin na lamang ang maririnig mo.

“handa ka na ba?” nakangiting tanong sa akin ng isang binata. Nakasuot ito ng kulay puting polo at itim na pantalon, kung titignan mo ay mukha lang din siyang isang normal na tao at hindi makagagawa ng masama dala ng kanyang inosenteng mukha pero sa kabila nun ay ang kakaiba niyang pagkatao..

-------------

Muli kong tinignan ang lubid na nakasabit, nanginginig ang aking kamay na iniabot ang silya at tumuntong dito, halos hindi matapos-tapos ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko habang itinutuloy ang kahibangang ito.

 Kung ito lang ang paraan para magkasama na kami.

Kung ito lang ang paraan para matapos na ang lahat ng paghihirap ko ay gagawin ko alang-alang sa taong mahal ko..

Tuluyan ko nang isinuot ang lubid sa leeg ko at pumikit..

---------------

PURO PUTI..

Wala akong ibang makita kundi ang puti. Inikot ko nang tingin ang paligid at iniisip na parang nanggaling na ako dito dati. Naalala ko ang ginawa ko, bigla ko tuloy naisip nasa langit ba ako? Sa pagiisip ko ay nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaki na nakatalikod sa akin, malayo siya pero siguradong-sigurado ako na siya nga ang nakikita ko..

Si Alex..

“Alex” malakas kong tawag sa pangalan niya ngunit hindi siya lumilingon

“Alex” tawag ko pang muli at tumakbo na ako papalapit sa kanya

“Alex” sa pangatlong pagkakataon ay tinawag ko pa siyang muli ngunit hindi pa rin siya lumilingon, pakiramdam ko kahit anong takbo ang gawin ko para mapalapit sa kaniya ay walang nangyayari—parang hindi ako naaalis sa aking pwesto

“Alex” nangingilid ang luhang tawag ko sa kaniya at muli ay nadapa ako katulad ng unang beses na napunta ako dito..

“Alex” mahinang banggit ko sa pangalan niya tinignan ko ang lugar kung nasaan siya kanina pero wala na siya ngayon. Wala na naman siya. Napayuko na lang ako at hinayaang umagos ang luha ko. Wala akong naramdamang kahit na anong sakit, parang namanhid na ang buong sistema ko ganito ba talaga pag-patay na wala nang maramdaman?

“Ikaw talaga” dinig kong sambit ng isang tinig at pagka-angat ko ng tingin ay naaninag ko ang isang lalakeng nakatayo sa harapan ko hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil sa puting liwanag na bumabalot sa buong lugar. Nakalahad ang kanyang kamay sa aking harapan . napakaaliwalas nang nakangiti niyang mukha, inabot ko ang kanyang malambot na kamay. Nakatulala akong nakatingin sa kaniya, nanginginig ang mga kamay ko na inabot ko ang pisngi niya at hinawakan ito. Napangiti ako, hawak ko na siya ulit- kasama ko na siya ulit. Niyakap ko siya ng mahigpit na tipong hindi ko na kayang mawala pa siyang muli. Ipinikit ko ang mga mata ko at idinantay ang ulo ko sa dibdib niya. Nang idinilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako dahil naging puro itim naman ang lugar, agad kong tinignan si Alex na ngayon ay seryoso ang pagkakatitig sa akin. Itinulak nya ako palayo sa kanya kaya naman nagtataka ko siyang tinignan

“Sino ka?” ang tanging sinabi niya na nagpaguho sa mundo ko, bigla siyang tumalikod at naglakad paalis. Pinipilit ko siyang tawagin ngunit wala na namang boses ang lumalabas sa akin, hindi rin ako makaalis sa aking kinatatayuan na mas lalong nagpapahirap sa akin. Narinig ko din ang isang halakhak ng babae—napakapamilyar ng tono ng pagtawa niya pero kahit anong halungkat ko sa aking isip ay hindi ko maalala.

“Gusto mo ba talagang makasama siya?”  isang hindi pamilyar na tinig ang nagsalita

“Gusto mo bang tulungan kita?” muli nitong sabi, hinanap ng aking mata kung saan nanggagaling ang tinig na iyon pagkaharap kong muli ay nakita ko ang isang lalakeng naka-puting polo at itim na pantalon nakangiti siyang nakatayo sa aking harapan

“Gusto mo ba?” ipinilig nito ang kanyang ulo at muling nakangiting nagtanong sa akin..

SCARED TO DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon