Yana's POV
Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko…
Nanatili lamang ako doon na gulat ang mukha sa nangyari…
Natauhan lamang ako nang itulak ni Jasmine si Patricia.
“Ano ba Patricia!” sigaw ni Jasmine, bahagyang nawalan nang balanse si Patricia na agad namang tinulungan ng mga estudyanteng nasa likod niya. Ramdam ko ang tensyon na namumuo sa pagitan ng grupo ni Pat at ni Jasmine kaya pinilit kong pumagitna sa kanila.
“Jasmine, tama na” awat ko sa kaniya dahil pinipilit niyang abutin si Patricia para masaktan
“Halika ditong babae ka, akala ko ba matapang ka. Lumapit ka dito sa akin para magkaalaman na tayo” ayaw paawat na sigaw niya
“Jas, tara na” sabi ko habang hinihila siya palayo
“ay naku Yana, wag mo akong pigilan matagal nang namumuro sa akin itong malditang to—“
“Jasmine!!” natigilan ang lahat at maging ako nang ako ay mapasigaw.
“Jas—“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nag-walk-out siya at alam kong galit siya sa ginawa ko, kaya kahit na basang-basa ako at nilalamig ay pilit ko siyang hinabol para kausapin.
Wala na akong pake kung ano man ang itsura ko at kung pinagtitinginan na ba ako nang ibang tao ang kailangan ko ngayon ay ang makausap ang kaibigan ko…
Nang maabutan ko siya ay agad kong hinawakan ang kanyang braso
“Jas” hinihingal kong sabi
“bitiwan mo ako” matigas niyang sagot
“Jas, sorry hindi ko sinasadya na masigawan ka kanina—“ at muli hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol nya
“Wag mo muna akong kausapin ngayon Yana” at marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso
“Jasmine, sorry” muli kong sinabi kahit na alam kong maliit na ang tsansa na marinig nya pa iyon
“Yana!” dinig kong sigaw ng isang lalaki, nang hanapin ko kung kanino nanggagaling ang boses ay nakaramdam ako bahagya nang pagkadismaya
“Alex” tawag ko rin sa kaniyang pangalan
Agad niyang ipinatong sa akin ang jacket niya, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat “Kanina pa kitang hinahanap, dapat nagpalit ka na ng damit...”
Ang mga sumunod niyang sinabi ay hindi ko na naintindihan dahil sa nakita ko, sa katapat naming building, sa ikatlong palapag nakita ko doong nakatayo ang isang naka-asul na polong lalaki na nakatingin sa aking direksyon at hindi ako pupwedeng magkamali kung sino iyon. Siya ang dahilan kung bakit nandito ako, kung bakit isinugal ko ang buhay ko… Alex
“Alex” bulong ko sa pangalan niya
“huh?” takhang tanong sa akin ni Jake, nanatili ang atensyon ko sa palapag kung saan ko siya nakita. Wala sa sarili na inalis ko ang jacket na ipinatong niya sa akin at tumakbo papunta sa katapat naming building. Kaso agad na natigil ang takbo ko dahil may mga kamay na humawak sa bisig ko—Jake.
“Jake, saglit lang hindi mo ba nakita doon s-s-si Alex.”
“Alex? Sinong Alex?” nagtatakang-tanong niya sa akin, hindi ko alam kung shonga ba itong si Jake at hindi niya kilala si Alex
“Si Alex, yung…yung. Basta. Nandoon siya o” sabi ko sabay turo sa kung saan ko siya nakitang nakatayo kanina pero parang bula na naglaho siya. Nagtatanong na tinitigan ako ni Jake, hindi niya man sabihin pero sa tingin ko ay nawi-weirduhan siya sa sinabi ko.
“Mag-bihis ka na at baka magkasakit ka pa” nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya at hindi ko alam kung totoo ba yung mga sinabi nya sa akin kanina. Ako gusto niya...
Gusto kong malinawan sa mga nangyayari ngayon..
Si Patricia at Jake.
Kailangan ko talagang makausap ang lalakeng iyon...
