CHAPTER 2 "Nostalgia"

44 3 1
                                    

Yana's POV

Gulat na gulat pa rin ako sa nangyari, hindi ko naman sinasadya. Tumayo ako at pinagpag ang suot ko..

''sorry,, hindi ko naman sinasadya yung mga bata kasi eh..iniwas--''

''mababalik ba ng sorry mo etong nasira mo??'' galit nyang tanong sa akin, napaatras ako sa biglang pagtaas niya ng boses sa akin hindi ko rin tuloy maiwasan na hindi mainis

''hindi ko naman sinasadya diba?? kaya nga ako nag-sosorry diba? kung gusto mo tutulungan na lang kitang gumawa ulit'' sabi ko sa kanya at pilit akong bumubuo ng sand castle, pinagiipon-ipon ko ang mga ito at pinorma para makabuo

ilang saglit lang ay nakabuo na ako ng isang toreng kasing laki ng TAN TAN TANAN TAN TAN!!!!.

.

.

.

.

bote ng palaman.

eh sa mahirap eh, malay ko bang hindi biro pala yun sa kasamaang palad nasira agad. huhuhu grabe antagal-tagal kong binuo tapos nasira lang agad, nangingiwi akong tumingin doon sa lalakeng naka-sagutan ko kasalukuyan siyang nakatayo pa rin sa harapan ko at naka-cross arms pa,,

''sorry'' bahagyang yumuko ako at muling humingi ng paumanhin..

napabuntong hininga na lamang muli ako, ako na ang magpapakumbaba. Ilang sandali pa ang nanatiling katahimikan at naku naman!! Antipatiko at bastos talaga ang lalakeng ito.. kinakausap ng maayos tapos tatalikuran ka na lang ng basta-basta

''huy.,tara na kung saan-saan ka nagpupunta kanina pa kaya kitang hinahanap'' panenermon sa akin ni Pat. Nakow maswerte ang lalakeng ito, dahil kundi ako nakita dito ni Pat paniguradong babatuhin ko siya ng tsinelas.

-----------------------

hindi ko maikakailang maganda ang hotel na napuntahan namin..sa disenyo pa lamang ng lobby. Beige ang pinaka-unang kulay na makakakuha ng atensyon mo with some touch of white and gold na mas lalong nakakadagdag ng pagkasosyal pero hindi mo rin maikakailang simple pa rin ito.

Nakangiti kaming binati kami ng receptionist kaya naman ngumiti rin kami sa kanya..

''Good evening ma'am and sir what can I do for you??'' bati ni Ella, nabasa ko sa name tag nya sa taas ng kanyang dibdib

''we have a reservation here'' si Patricia na ang nakipag-usap tutal ideya naman nya talaga ang pagpunta dito eh.

Sa aming magkakabarkada si Patricia ang pwede nating masabing pinaka-wild may pagka-bad girl at play girl, marami nang mga lalake ang dumaan sa kanya, sa pagkakatanda ko 1 week ang pinakamatagal nyang naging karelasyon pero ngayon na ang boyfriend nya ay si Jake ay on going pa rin ang kanlang almost a year relationship..

Si Jake., well si Jake ay pwede nating sabihin na campus hearthrob. Gwapo siya kung sa gwapo kaya nga naging crush ko siya diba, alam yun ni Patricia kasi dati nga binalak niya akong ilakad kay Jake para naman daw maranasan ko ang magkaroon ng lovelife but it turned out na mukhang ang silang dalawa ang para sa isa't-isa and Im really happy for them..

SCARED TO DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon