CHAPTER 6 "Confussion"

17 3 0
                                    

”Yana gumising ka na” malambing na sabi ng isang tinig. Pagbukas ko ng aking mata ay nakita ko si mama na nakaupo sa higaan ko, bahagya akong naluha nang makita ko siya—ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit nandito ako at buhay pero heto ako at tinapos ang sariling buhay para sa makasariling kagustuhan…

“Anak, bakit ka umiiyak? Inaway ka na naman ba ni Patricia?” tanong ni mama habang nakayakap at hinahaplos ang buhok ko

Bumitiw ako sa yakap namin at tinignan si mama, naguguluhan ako sa sinabi niya

“po? Bakit naman po ako aawayin ni Pat, eh bestfriend ko po iyon?” takhang tanong ko kay mama, nilapat ni mama ang palad niya sa aking noo at leeg para tignan kung may sakit ba ako

“ano ba ang pinagsasabi mo? Anak wag mo nang itanggi alam naman namin kung ano ang ginagawa sa iyo ng malditang iyon.” May halo ng galit sa tono ng boses ni mama

“Ma..”  naguguluhan ako sa sinasabi ni mama..

“Yana, tandaan mong nandito lang kami ng papa mo. Wag kang matatakot na magsabi sa amin ng mga problema mo, lalo na kung tungkol iyan kay Patricia..” litanya ni mama na mas lalong nagpagulo sa isip ko.

“Sige na mag-ayos ka na at baka mahuli ka pa sa pag-pasok, kanina pang nag-aantay dyan sa baba si Jake. Kailan mo ba balak sagutin yung binatang iyon, boto pa naman ako sa kaniya” litanya ni mama bago siya lumabas ng kwarto ko..

Nalilito ako sa mga sinasabi ni mama, marami siyang sinasabi na hindi ko naman maintindihan. Nilibot ko nang paningin ang aking buong kwarto—ganoon pa rin ito—walang pinagbago. Mula sa kulay ng pintura ng kwarto, yung higaan ko, ang mini cabinet na nasa tabi ng kama ko at nandoon pa rin nakapatong ang lampshade at alarm clock ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko ang isang lalaking matangkad na may naka-color blue na long sleeve nakatupi ang dulo nito hanggang sa siko niya at naka-black na pantalon--si Jake na nakaupo sa sofa. Pagkakita niya sa akin ay agad siyang tumayo at kinuha ng marahan ang bulaklak na nasa gilid niya at iniabot niya sa akin.. Naguguluhan ko siyang tinignan pero sa huli ay tinanggap ko rin ang bulaklak at nagpasalamat.

Inalalayan ako ni Jake sa pagpasok sa kotse niya, kaya naman hindi ko maiwasan na hindi siya pakatitigan..

Ganoon pa rin naman ang itsura niya, walang pinagbago.. Mula sa ayos ng buhok niya, sa mukha niya na nagsusumigaw ng kakisigan, maging ang boses niya.. Ngiting-ngiti siya pero nakatuon ang buong atensyon niya sa pagmamaneho.

“wag mo naman akong pakatitigan nang ganyan Yana” at mabilis pa siyang lumingon sa gawi ko..

“Kailan ka pa nagsimulang manligaw sa akin?” tanong ko, hindi ko malubos maisip na nililigawan ako ni Jake.. oo nagkagusto ako sa kaniya, sino ba namang hindi? Hindi lang siya gwapo pero matalino at mabait din, kumbaga isa na siyang ‘Good Catch’. Pero ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko na liligawan niya ako..

SCARED TO DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon