"Ano ba ang mangyayari kapag ininom ko ito?" takhang tanong ko na nakatingin sa botelyang kaaabot niya lamang sa akin.
"Simple. mamamatay ka" ngiting saad nito na animo ay pinapipili lamang ng kung ano ang magandang bagay na bibilhin. Tatlong salita lamang ang kanyang sinabi ngunit nagawa pa rin nitong mapatayo ang aking balahibo.
Alam kong kitang-kita sa mukha ko ang pagkagulat. Tumawa naman siya ng malakas, nakahawak pa ang kanyang kamay sa tiyan bahagya akong nairita sa ginawa niya kaya naman ay aalis na sana ako
"Saan ka pupunta?" pigil ang tawa sa tono nito
"Wala akong oras para makipag-lokohan sa iyo" iritadong kong sagot
Pinigilan niya akong umalis at muling hinila upang mapaupo. Umupo naman akong muli at seryosong tinignan siya ngunit mas naging seryoso na siya sa pagkakataon na ito.
"totoo ang sinabi ko, mamamatay ka sa oras na inumin mo iyan.." napalunok ako sa sinabi niya, ginapang ng kaba ang aking dibdib
"p-p-pagkatapos???" nauutal kong sabi
"pagkatapos??. Pagkatapos makababalik ka na sa nakaraan. Doon pwede mong baguhin ang nangyari sa inyo, pwede mong mapigilan ang pagkamatay niya at maisaayos ang lahat..." iniabot niya sa akin ang boteng may asul na likido at umalis na...
"Miss, nandito na po tayo" mababa ang tono ng boses ng driver na nagpabalik sa akin sa katinuan.
"Manong bayad ko ho" saad ko matapos ibigay ang bayad ko sa driver, bahagya ko pang sinilip ang mukha niya pero nabigo ako dahil natatakpan ng anino ang kanyang mukha dahil sa suot niyang sombrero.
Agad akong binalot ng lamig dahilan sa simoy ng hangin, inilibot ko ang tingin ko sa paligid at muli kong tinignan ang sinakyan kong taxi, pero sa gulat ko ay wala na ito...
Malapit nang magdilim ng makarating ako sa sementeryo. Mangilan-ngilan na lang ang tao at karamihan sa kanila ay pauwi na. Pilit kong nilalabanan ang takot na namumuo sa dibdib ko para lamang makita ang lalaking nakaputing iyon.
Kinakailangan ko siyang mahanap ngayon, kung paano man ay hindi ko alam.
Dahil ang kailangan ko ngayon ay ang makausap siya, kailangan niyang ipaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari.
Mag-isa akong naglalakad at hinahanap ang puntod ni Alex, kung nakita ko siya kanina ay dapat...
Dapat wala ang puntod niya dito ngayon.
Alex ...
Kaya naman gayon na lamang ang gulat at lito ko kung bakit...
ALEX GUEVARRA
Feb 13, 1995 – July 16, 201-
Bakit naroon pa rin ang puntod niya...
Ang ibig bang sabihin nito ay patay pa rin si Alex?
