Yana's POV
HINGAL na hingal ako ng marating ko ang kwartong kinaroroonan ni Alex, papasok sana ako sa loob ngunit pinigilan ako ng mga nurse na nasa labas. Mula sa salaming pinto ay nakita ko ang ginagawa nila kay Alex, tinanggal nila ang ilang aparato sa katawan ni Alex ngunit pinalitan agad nila ito ng defibrillator hindi ko man naririnig ang mga sinasabi nila ay kita ko naman sa reaksyon ng mga doktor at nurse ang pagka-taranta nila.
Muli nilang ginamit ang defibrillator kay Alex, kitang-kita ko kung paano tumaas-baba ang payat na katawan nito sa tuwing ipinapatong sa dibdib nito ang makina.
Nag-uunahan na namang lumabas ang mga luha ko.
Nanghihina ang tuhod ko sa aking nakikita.
Pakiramdam ko ay anumang oras ay tutumba na ako.
Nang matutumba na ako ay naramdaman kong may mga bisig ang umalalay sa akin, nakita ko si Pat na akay ako. Nakita ko rin sa aking likuran ang mga kaibigan ko na iniwan ako nang ma-coma si Alex---sina Elmo, Ana, Carl, Jasmine at si Jake naroon din ang mga magulang ni Alex. Aminado akong masama ang loob ko--hindi sa mga kaibigan ko pero sa ginawa nila sa amin..
Magkaibang-bagay kasi iyon. Yung GALIT KA SA TAO at Yung GALIT KA SA GINAWA NUNG TAONG IYON.. Ganoon siguro talaga, malalaman mo lamang ang mga taong nagpapahalaga at nagmamahal sa iyo kapag nandiyan pa rin sila sa oras na kinakailangan mo sila.
Masakit na kasi sa akin nang maaksidente si Alex pero mas naging masakit ng mawalan ako ng mga kaibigan na inaasahan kong dadamay man lang sa akin.
''Alex, anak'' malakas na sigaw ng kanyang ina, dahan-dahan naman akong napalingon sa kinaroroonan ni Alex.
At halos madurog ang puso ko sa nakikita ko, paunti-unting umiiling ang mga doktor. Tinignan pa nito ang kanyang orasan at waring may sinabi sa nurse na siya namang isinulat nito.. Lumabas ito mula sa silid..tahimik ang lahat inaantay ang mga sasabihin nito, sa kaibuturan ko ay pinagdadasal na sana..
sana ayos lang ang lahat..
sana matapos na to..
sana..
dahil kahit ako ay napapagod na..
pakiramdam ko anumang oras ay malapit na rin akong bumigay..
tinanggal ng doktor ang kanyang salamin at muling itong umiling pagkaharap nito sa amin, isang hikbi ang hindi ko napigilang kumawala sa bibig ko. Dama ko ang mainit na agos ng tubig na nagmumula sa mga mata ko..
hindi iyon pwede...
hindi iyon maaari...
sa natitira kong lakas ay itinulak ko ang doktor at marahas na pumasok sa kwarto niya, wala na ang maiingay na aparatong nakakabit sa katawin nito.
Mas lalo din itong namutla. Hinwakan ko ang kamay nito na mas lalong nag-pahagulgol sa akin
MALAMIG..
ang lamig ng kamay niya.
niyakap ko siya at pinakinggan ang tibok ng dibdib nya pero wala na akong marinig..Hindi ko na naririnig yung malamusikang tibok ng puso niya na sumasabay sa ritmo ng puso ko.
wala akong nagawa kundi ang humikbi lamang..
Alex..
-------------------------------------
