CHAPTER 1 "Puerto Galera"

80 3 2
                                    

"Yana. pasko na" sigaw ni Patricia: ang best friend ko

"oo..malapit na kong matapos" balik ko ring sigaw sa kanya

"naku!!1 nakaka-isang oras na yang 'malapit nang matapos' mong yan..pero hanggang ngayon nandito pa rin tayo. Sinasabi ko talaga sayo pag hindi ko naabutan yung mga lalake sa beach paniguradong ililibing kita ng buhay sa buhangin" mahabang litanya niya

sows... lalake lang pala ang hanap niya, paniguradong patay yan sa jowa niya pag narinig yang mga pinagsasabi niya

"done" sabi ko sa kanya at hinatak siya papasok sa van na gagamitin namin papunta sa Puerto Galera., Sembreak kasi namin ngayon kaya naman napagpasyahan naming magkakabarkada na magpahinga naman mula sa nakamamatay na buhay bilang ng kolehiyo!!

Naku! sa lahat ng mga kapwa ko estudyante dyan..alam niyo na yan. Quiz dito..Quiz doon hindi na rin matapos-tapos na exam, sunod-sunod na pasahan ng projects, mga report na tinatambak!! WHOAAHHH!! hiningal ako dun ah..tsk..tsk. bawal pa naman ako hingalin baka atakihin na naman kasi ako ng hika eh...hihihih secret na lang natin yun ah baka kasi biglang magalit si mama at pabalikin ako ng di-oras dito..

Sa totoo lang ayaw kasi akong paalisin ni mama ng mag-isa natatakot daw siya na baka mamaya atakihin na lang ako ng sakit ko..buti na lang talaga to the rescue si papa kaya ayownnn.. nakalusot ako samahan nyo na rin ng matyagang pangungulit nitong bestfriend ko kaya TENEN!! nakasama ako!!!

Tsaka hindi naman din siguro masama kung mag-unwind ako ngayon diba,,baka mamaya nyan mabaliw ako!! hahhahha ang OA na siguro nun

Pito kaming magkakabarkada na pupunta sa Puerto.Ang mag-boboyfriend na sina; Elmo at Ana, Carl at Jasmine, and dati kong crush na si Jake at ang bestfriend kong si Patricia na ngayon ay mag-boyfriend na rin

Dontcha worry guys dati kolang namang crush yun eh..alam yun ng bestfriend ko..And last but not the least yours truly Yana Martinez, isang 4th year college student.

Ako na walang partner..

Ako na walang jowa

Ako na walang lablayp!!!

pero okay lang,,masaya naman ako sa mga kaibigan ko eh..sabi nga nila pag masaya ka daw sa mga kaibigan mo hindi mo na kailangan pang humanap ng lovelife-lovelife na yan..tska hindi pa siguro talaga dapat kaya hndi pa dumarating,,hindi rin naman ako nagmamadali..

"huy" nabalik ulit ako sa ulirat nung tawagin ako ni Pat

"tita,,aalis na po kami" sabi ni Pat sa mama ko matapos niyang humalik sa pisngi

"sige..magingat kayo" sabi naman ni mama

"ma, pa..alis na po ako" at hinalikan ko rin silang dalawa sa pisngi, tumalikod na ako para---

"teka., Yana" tawag ni mama sa akin,eto na nga ba ang sinasabi ko eh..huhuhu nakatingin lang ang mga kaibigan ko na nakasakay na sa van, nakasilip sila sa akin at tipong nababasa ko na ang nasa isip nila..

Iniisip nila na baka pabalikin kaagad ako ni mama..huuhuhu Puerto Galera..bakasyon na naging buhangin pa!!

"po?" ngiting tingin ko kay mama..nagulat ako ng bigla niya akong yakapin

"mag-iingat ka doon ah..wag kang masyadong papakapagod,, wag papatuyo ng pawis tska wag ka rin masyadong magbabad sa tubig ha,, wag ka ring magsuot ng masyadong daring anak alam mong ayaw ko yun ah..kumain ka rin ng o--"

"opo ma'' putol ko sa mga sinasabi ni mama baka mamaya nyan tuluyan na akong di makasama eh mahirap na..

"bye po"sabi ng mga kaibigan ko, umupo ako sa may bintana medyo hiluhin kasi ako di naman kasi ako sanay sa malayong byahe..sinilip ko sa bintana sila mama at nakita kong nakangiti silang dalawa ni papa sa akin..and my mom mouthed 'I love you'

sa unahan nakasakay sina Elmo, na siyang nag-dadrive ng sinasakyan namin katabi naman niya si Ana siyempre, sa likod nila ay nakaupo ako sa tabi ng bintana, tapos katabi ko si Patricia at siyempre katabi naman din niya yung boyfriend niya..Samantalang sa pinakalikod ang magkatabi naman ay yung makulit na sina Carl at Jasmine

hindi ko na alam kung gaano katagal ang naging byahe dahil wala akong ibang ginawa kundi ang makinig sa music sa cellphone ko at matulog mas maganda na nga rin yun eh para hindi ako masuka sa byahe malaki kasi ang tendency na bigla na lang akong magsuka kaya mas minabuti ko na lang na ipikit ang mga mata ko at wag nang isipin na nagbyayahe kami,ginising na lang ako nila Pat na nandtio na raw kami..

pipikit-pikit pa ako nang gisingin ako ni Pat...kaya naman wala sa sarili akong bumangon, binuksan ko lang ang pinto at dire-diretsong lumabas. pero-- nagulat ako ng lumabas ako, isang paraiso ang nakita ko.

una kong napansin ang ganda ng dagat kahit na papalubog na ang araw..yung orange na kulay ng araw na nagrereflect sa tubig ng dagat..dinig ko rin ang marahan na paghampas ng tubig sa may pampang..mas lalong hindi ko napigilan ang pagkamangha nung makita ko ang kinatatayuan ko na buhangin...tinanggal ko ang sandalyas na suot ko at walang pakielam na naglakad ng nakayapak sa buhangin..bahagya pa akong nakikiliti sa puting buhangin...

Kulang ang salitang maganda para ilarawan ang paraisong kinaroroonan ko ngayon..napakaganda talaga!!.

pero naputol ang paghanga ko sa paraisong ito nang madapa ako, iniwasan ko kasi yung mga batang nagtatakbuhan kaya naman napasubsob tuloy ako..pero mabuti na lang ay malambot ang nabagsakan ko, nakarinig ako ng parang may nahulog pag tingin ko sa harapan ko ay nakita ko ang isang lalakeng nakatayo na may nabitawan na maliit na timba..hindi ko masyadong maaninag yung mukha nung lalake.. ang tanging narinig ko na lang ay ang nakakatulilig niyang sigaw

"ANONG GINAWA MO??" nanggagalaiti niyang tanong.nagtataka ko naman siyang tinignan ano ba ang pinagsasabi nitong taong to?? takhang tanong ko sa sarili ko..nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin--eh hindi pala dun sa may buhangin siya lumapit at dahan-dahang inangat ang ilang buhangin mula sa kamay niya,, tinignan ko ulit yung binagsakan ko at ngayon lang gumana ang utak ko na isa palang sand castle ang nabagsakan ko..

PATAY!!! ano na naman ba ang ginawa ko??

SCARED TO DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon