Chapter 2

221 8 0
                                        

Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil ayaw Kong ma late sa first period ko, kahapon ang last day ng aming Intrams. Nasa may gate na ako nang makarinig ko ng ugong ng isang motor.

Napatingin ako sa gawi nito at alam ko si Ken ang nagmamay-ari nito.

Pagka tanggal niya ng helmet nito ay nabighani ako sa gwapo niya. Kahit saang angulo talaga sa kanya ay Heaven. Masaya at maswerte ako dahil simula mga Bata kami ay mag kaibigan na Kami.

Kaya minsan ayaw kong may umaaligid sa kanya na mga babae. I know, I don't have rights for being possessive when it's come to him,pero dahil sa lihim akong nagmamahal sa kanya ay nasasaktan din ako.

Ang ginagawa ko na lang ay iniintindi nalang ang sitwasyon, na kahit masakit na makitang may makasama siyang ibang mga babae ay wala akong magagawa kundi tanggapin ito.

Sikat kasi ang kaibigan ko sa eskwelahan, Isa siya sa pinakama gwapong estudyante Kaya maraming nahuhumaling sa kanya. Bunos pa 'yong talent niya sa pagsayaw,masasabi ko  talagang halimaw siya sa larangang iyon.

Napabalik ako sa tanaw ng may biglang pumitik sa noo ko at  napadaing  ako, naku!! Kahit kelan talaga 'tong  kaibigan ko masakit pumitik sa noo.

"Ano na naman ba ang iniisip mo at hindi mo man lang namalayan ang pag lapit ko sa iyo?", Tanong nito na nakangisi sa akin. Napatitig naman ako sa kanya, dahil ang gwapo niya pag ngumisi at tumawa ito.

"ay, eh, wala ito. May iniisip lang ako tungkol sa lectures natin sa 1st subject mamaya, baka kasi mag pa quiz na naman si ma'am Santos. Hindi kasi ako naka pag review hehe", pag sisinungaling ko sa kanya.

"ah, ano bang Ginawa mo kasi kagabi?,bakit hindi ka nag advance reading or review man lang sa past lectures natin."usal niyang nakatingin sa akin.sasagutin ko Sana ulit siya nang mag ingay ang bell ng school. Kaya hinila ko nalang siya papuntang classroom namin upang ilagay ang bags namin Saka pupuntang quadrangle.

Pag katapos ng flag ceremony ay bumalik na Kami sa kanya-kanya naming classrooms.mag ka klase kami ni Ken pero nasa may harapan ako.

Hindi pa naman ako magaling sa academics.si Ken ang  mas matalino sa aming dalawa, Kung papalarin ay baka siya ang magiging valedictorian namin soon.

Nang matapos ang ibang subjects namin sa umaga ay snack time na namin. Hindi ako tumayo sa upuan ko hanggang hindi ako yayain ng kaibigan ko.

Sanay na sanay na kasi akong siya ang nag yayaya sa akin.at makalipas nga ng ilang Segundo ay lumapit na nga siya sa gawi ko saka hinila ako palabas ng classroom.

Mga bulungan at ang iba naman ay sadyang nilalakasan nila ang pag Sabi ng mga masasamang Salita laban sa akin.

Hindi lang talaga nila ma accept na sa akin lang malapit si Ken.

"sis alam mo ba may tsismis akong nalaman tungkol kay Ken, may nililigawan daw siya sa kabilang section. At sobrang  ganda niya,walang Panama yang si Liza. feeling lang yan na magugustuhan siya ni Ken tsk!!!", Rinig kong Sabi ng Isa sa malditang ka klase namin.

So, may niiligawan na Pala siya. Sino naman kayo 'yon. Bakit hindi ko alam iyon eh palagi naman siyang nag kukwento sa akin pag may balak siyang liligawan.

Nalungkot ako sa nalaman ko dahil mas lalo na namang mawawalan na naman ako ng chance to him.

Minsan, hinihiling ko na Sana hindi ko  nalang siya naging best friends,  Para mas madali Kong nasabi itong nararamdaman ko sa kanya.

Pag dating namin sa canteen ay  maingay na bulungan ulit ng estudyante ang nabungaran namin. Bakit ba parang hindi  ko naman deserves maging malapit Kay Ken sa mga titig nila.

Bahala kayo diyan at mamatay kayo sa ingit, Sabi ko saka umupo na sa pwesto namin ni Ken. Siya ang nag order ng pagkain namin basta snack time.

Matapos making kumain ay bumalik na Kami sa classroom, naku!! Math na naman at ang sungit ng teacher namin sa subject na iyon.

Pag pasok ni miss Garcia ay agad kaming tumayo saka binati siya.

"Good morning Ma'am Garcia", sabay naming bati sa kanya at binati naman niya kami pabalik.

"Good morning too student, pwede na kayong maupo and ready a one half sheet of paper for a quiz." Sabi niya sa amin at ang mga ibang ka klase namin ay Napasinghap sa sinabi niya at Isa na ako do'n.

Nag quiz kami at natapos narin naming na check, napasimangot ako sa nakuha ko dahil 20 lang out of 50. Hindi tuloy ako nakapasa. 

Naku!, Sana hindi na naman ako ang lowest. Nakakahiya na naman ito.

Nag a announce si ma'am ng mga puntos at Isa-Isa namang tumatayo sa harapan ang mga nakakuha ng sinasabi niya.

20 na ang next Kaya tumayo ako patungong harapan para ibigay ang paper ko.

"na naman, miss annaliza Gonzalez. You got the lowest points again!. Mag aral ka kasi sa gabi Para makapasa  ka!!," pasigaw nitong Sabi sa akin at napayuko nalang ako sa hiya.

Nagtatawanan naman ang mga ka klase ko dahil sa sinabi ni ma'am, pero agad silang natahimik nang may magsalita nang pasigaw at si Ken ito.

" Mrs. Garcia, hindi ba dapat kausapin mo naman siya ng maayos kaysa ipahiya mo sa buong ka klase namin. I can't believe you, your work ma'am is to teach us, not to judge us."sabi niya na nakatingin sa akin Kaya nginitian ko nalang siya Para sabihin na OK lang ako.

Nang Ibaling na niya ang tingin niya sa teacher namin ay bumalik ang serious facial expression niya.

" Ang lakas ng loob mong pag Salitaan ako ng ganyan pero hindi mo man lang maturuan ang kaibigan mo," Sabi niya Kay Ken na nanlilisik parin hanggang ngayon ang mata niya.

"at ikaw naman, kaysa nakipag landian ka, Dapat mag aral ka. Palagi nalang ikaw ang nakakakuha ng lowest score pag may exam o quiz.balik kana sa upuan mo at makinig ka ng mabuti!!!."usal niya ulit Kaya bumalik na ako sa upuan ko na nakayuko parin sa hiya.

BAKIT BA NAMAN KASI ANG BOBO KO????.

I LOVE YOU, BEST FRIEND. Where stories live. Discover now