"Mama...", nanghihina Kong tawag sa pangalan ng mama ko bago ako naimulat ang mga mata ko.
Napatakip ako sa Mata dahil sa sinag ng ilaw.masakit ito sa Mata.
Napatingin ako sa paligid ko at si mama na nakaupong Natutulog sa tabi ko ang nakita ko.
Nakahawak siya sa kamay ko Kaya ginalaw ko ito.
"Mama..", mahinang tawag ko parin sa kanya, at bigla nga siyang nagising na pakurap-kurap ang mga mata nito.
"Mama, tubig po." parang hindi pa ata nagising ang diwa niya dahil nanatili parin itong nakatingin sa akin.
Hinaplos ko ang mga palad niya at do'n lamang siya natauhan.
"Liz.... Anak!!",masayang sigaw nito saka napayakap agad sa akin.
Nang kumalas siya sa akin ay lumabas Saglit. At pagbalik ni mama ay may kasama na itong doctor."Naaalala mo ba ang mama mo?", Tanong ng doctor sakin Kaya napatango naman ako.
"Natatandaan mo ba ang nangyari sa iyo last year", sinagot ko ng oo ang doctor.
"Mrs. Mukhang OK na ang anak niyo, buti nalang hindi siya nagka amnesia. Pero bago matapos ang araw nito ay susuriin pa namin siya sa kanyang kalagayan.
" hindi pa ba niya alam?? ", Malungkot na tanong ng doctor Kay mama. Nahihiwagaan naman ako sa pinag uusapan nila pero wala akong narinig na iba maliban sa pag iling ni mama sa doctor.
"Ano po iyon Doc.?"umiling si mama Kay doctor na Para bang ayaw nitong malaman ko ang gustong sabihin ng doctor.
" She need to know Mrs. Anak din niya ang nawala. So, may karapatan siyang malaman ang tungkol dito".
"Ano ba!! Bakit?....at ano??... Anak?", naguguluhan Kong tanong sa kanila pero wala akong narinig na sagot nila maliban sa iyak ni mama.
"Anak.... Sorry, pero hindi nakayanan ng katawan mo ang pagbubuntis habang na coma ka." Napatuptop ako sa bibig at nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama.
"Hindi totoo Iyan 'MA!!!", sigaw ko at pilit Kong tinatanggal ang swero ko na Nakakabit sa kamay ko, pero hindi ko ito matanggal dahil nanghihina akong umiiyak. Niyakap ako ni mama na umiiyak parin hanggang ngayon.
"Sorry anak, walang nagawa si mama". Bulong ko sa kawalan habang umiiyak.
Hindi ko lubos maisip ang nangyari sa akin sa loob ng isang taon. Ang masakit pa nito ay nagbuntis pala akong Nakatulog ng mahabang panahon.
Hindi ko kayang tanggapin ang pagka wala ng anak ko, kahit anak ko lang siya sa pagkaka rape sa akin. Gano'n pa man anak ko parin siya.
"Anak, Alam kong masakit Para sayo na ungkatin ang nakaraan mo. Pero kailangan mong maging matapang Para matuklasan ang may kakagawan nito." napangitngit ako sa narinig Kong Sinabi ni mama.Naalala ko ang mga kababuyan nilang ginawa sa akin.
Dapat talagang makulong ang mga rapist na iyon. Kung hindi dahil sa kanila, malamang hindi ako ganito ka depress ngayon.
" Mama😢😢😢 binaboy nila ako ng paulit-ulit. Lumaban naman ako pero hindi ko sila Kaya. Tatlo sila at mukhang mga nasa 30 to 40 ang mga edad nila. Mama... Bawat Ginawa nilang pangbababoy sa katawan ko ay hindi ko kayang makalimutan. Kung Sana... Hindi ako umalis sa Prom. namin ay hindi ko naranasan ang gano'n. Sorry mama, dahil Isa na akong disgrasyadang anak ngayon😭😭😭. "magkayakap kami ni mama at hindi naman niya ako binitiwan.
Alam ko masakit din Para sa kanya ang nangyari sa akin.
" Wala Kang kasalanan anak. Ang mga walanghiyang lalaki na iyon ang may kasalanan at bibigyan natin ng leksyon ang mga Animal na gumawa sayo ng ganito. Sorry anak, pero kailangan ko nang lumapit sa papa mo. Alam Kong matutulungan niya tayo sa paghahanap ng mga rapist na mga iyon ", ang haba ng nasabi ni mama pero ang tungkol Kay papa lang ang sumagi sa isipan ko.
Bakit ngayon lang na malaki na ako nauungkat ni mama ang tungkol sa papa ko?.
" Mama,'Wag na lang ho Kung may pamilya ng iba si papa. Baka makasira pa tayo ng ibang pamilya." sagot ko kay mama.
"wala akong pakialam, at sigurado akong magugulat siya pag nakita ka niya. Sorry, Kung naglihim ako tungkol sa papa mo anak. Hindi kasi naging maganda ang relasyon namin dati dahil---", hindi agad natapos ni mama ang ibig nitong sabihin.
"Isa lang akong kabit niya noon, naging maayos naman no'ng simula, pero nang dumating na sa Puntong nabuking kami ng asawa niya. Doon na kami nagkahiwalay at hindi na ako muling nag pakita sa kanya." alam ko Kung gaano katapang si mama, pero sa puntong ito ay nanghihina siya habang ikinu-kwento sa akin ang kanyang nakaraan.
" MA, kahit huwag nalang po Kung kayo naman ang mapapahamak, kakayanin ko pong mabuhay ng normal, kahit masakit, basta 'wag na kayong makapanira ng may pamilya. I will accept this mama, mawawala din ang sakit." pinahid ko ang luha ko dahil naiyak na naman ako.
Alam ko ang Bata ko pa na naranasan ang gano' n, pero wala akong magagawa. Ito siguro ang Naka tadhana para sa akin.
Buong mag hapon kami ni mama na nag kwetuhan at nasambit nga nito ang tungkol sa palaging pagpunta ni Ken at gold dito sa hospital.
Nanginginig naman ako sa galit Kay Ken dahil sa kanya ay nagkaganito ako.
Hindi man sa lahat ng bagay ay kasalanan niya, pero alam nito sa sarili niya na siya ang Isa sa dahilan Kung bakit ko naranasan ang gano'ng Karanasan.

YOU ARE READING
I LOVE YOU, BEST FRIEND.
Romance"Being In love with your best friend can either strengthen or break your heart". LIZA