Chapter 32

134 6 0
                                    


"Are you OK Liz?", 'Yan ang tanong ni Jordan habang kausap ko sa kabilang linya.

Tinawagan ko siya  matapos makaalis Sina Ken at chill dito sa ospital. Sina mama at papa naman ay umuwi na Para maghanda ng mga gamit namin pa Paris.

Sasama daw sila at mukang sa susunod na araw ay aalis na Kami.

Alam Kong si papa ngayon ang mas makakatulong sa akin, hindi ko naman makayang iwanan ang anak ko dito.

Napahilamos ako sa mukha ko dahil hindi ko na kayang naipagtapat kay Ken, na siya ang ama ng anak ko.

"Yeah! 'Wag kanang pumunta dito dahil babalik narin kami diyan sa susunod na araw." sagot ko Kay Jordan, narinig ko ang pag buntong hininga nito sa kabilang linya.

"I want to come there Liz, May ka-kausapin akong Tao diyan for my own reasons."

"Sino?".

"You'll find out soon Liz, pupunta ako diyan ngayon at kita nalang tayo bukas", hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.

Ang tanong  ko ngayon, sino ang ka kausapin ni Jordan dito sa Pinas?, Ba't parang kakilala ko ang taong iyon base sa nasabi niya kanina.

"OK, bye for now Jordan. Ingat ka sa biyahe mo mamaya." Paalam ko sa kanya at OK lang ang naging sagot nito.

Pumasok ako sa kwarto ng anak ko at napapaluha na naman ako sa nakikita Kong kalagayan niya. May mga tubo na naman na nakakabit sa kanya at ito ang ayaw Kong masaksihan na bagay.

As a mother, parang napakasakit makita ang ganitong kalagayan ng anak ko.

Hinawakan ko ang kamay nitong napakaliit, hinalik-halikan ko ito.

Napatingin ako sa monitor nito at OK naman ang lagay nito.

"Anak, Pagaling ka at Promise! Ipapakilala na kita sa totoo mong papa. Basta lumaban ka lang anak, hindi ko kakayanin 'pag may mangyayari sa iyo. I love you anak and I miss you so much", napahagulgol akong hinahalikan ang kamay ng anak ko.

Kailangan na talaga siyang ma-operahan sa madaling panahon.

Lumabas muna ako Para makakain sa labas, nagugutom kasi ako. Sa nurse ko na muna ibinilin ang anak ko, sa may malapit na store lang ako pupunta Para makabalik agad ako sa anak ko.

Nang makabalik ako ay si chill at Ken ang naabutan ko sa labas.

"Anong ginagawa nyo dito!?", Napalingon sila sa akin. Si Ken ay seryusong nakatingin sa akin.

"Liz, pwede mo bang I-atras ang kaso?", naningkit ang mata ko sa narinig Kong sinabi nito.

"Ano?, tsk!!", nilapitan ko siya at gusto Kong ingudngod ang mukha nito sa sahig hanggang masira ito.

"Chill, heto ang tandaan mo! Hangga't hindi maging maganda ang kalagayan ng anak ko ay hindi ka pwedeng makahingi ng kalayaan sa akin. Dahil kahit anong gagawin mo ay ipapakulong parin kita!! Sa mga nagawa mong mga kasalanan sa akin!! Umalis kana!!", taboy ko sa kanya at napaluhod lamang itong umiiyak, ibinaling ko sa iba ang tingin ko dahil ayaw Kong maipakita  ang awa ko sa kanya.

" Liz, please, nagmamaka-awa ako. Ayaw Kong makulong, ayaw Kong mawalan ng mama ang anak ko. Pasensya na sa mga nasabi ko kanina. Nagalit lang ako sa'yo noon dahil alam Kong magiging malaking sagabal ka sa relasyon namin ni Ken, nabulag ako sa maling desisyon. Please Liz😭😭😭."

Pagsusumamo nito pero hindi ko siya kayang mapatawad, kailangan niyang pagbayaran ang Ginawa niya sa akin at sa anak ko.

"Hindi maalis ng sorry at explanations mo ang nangyari sa akin chill, at dito", turo ko sa bandang dibdib ko.

"Ang sakit dito😭, ilang taon ako nagdusa sa Ginawa mo. Na hanggang ngayon 'pag naaalala ko ang nangyari ay hindi ko alam kung may halaga pa ba akong Tao sa mundo!iyon ang resulta ng Ginawa  mo chill!! Nawalan ako ng tiwala sa sarili ko at sa ibang Tao!! Please Ken I-alis mo muna siya dito. Ang mga autoridad na ang bahala sa kanya."

"Liz,Babalik ako." Sabi ni Ken saka sila lumabas.

Panay ang iyak ni Chill na inaalalayan ni Ken.

Umupo ako sa tabi ng anak ko at pinakatitigan  Siya.

OK na Sana ang lahat eh, bakit ba kasi Pati anak ko ay pinagdiskitahan niya.

Kumain akong mag-Isa sa loob ng kwarto ng anak ko dito sa hospital.

Gabi na ulit at nandito sila mama at papa.

"Anak, pwede na tayong Maka-alis bukas ng Gabi. Naka-usap ko na ang taong makakatulong sa atin", Sabi nito na may Malungkot na matang nakatingin sa akin.

"PA, about chill, kumusta na?", Tanong ko Kay papa. Alam ko namang maski ito'y nahihirapan sa naging desisyon ko. Anak din naman niya si chill kahit ampon lang ito.

"Nasa iyo naman ang desisyon anak, Kung anong gusto mong mangyari ay iyon ang masusunod", Sabi nito sa akin na lumapit Para mayakap ako.

"Mama, sorry Kong sa mga nangyayari ngayon. ". Baling ko Kay mama.

Ngumiti lamang siya sa akin.

"Nak, sorry Kung maitatanong ko ito sa'yo?". Hinihintay ko si mama na mag tanong sa akin.

"Si Ken ba ang ama ng anak mo?, kasi parang hindi naman si Jordan ang ama niya. Hindi ako sure anak, Kaya tinatanong ko sa'yo ngayon ito."

Hindi nila alam na nasa may pintuan si Ken na nakikinig sa pinag-uusapan nilang mag-Ina at ama.

"MA, sorry mama. Tama po kayo, si Ken ang ama ng anak ko, pero si Jordan ang kinikilala nitong ama".

Si Ken ay halos gusto niyang suntukin ang pader sa kanyang narinig.

I LOVE YOU, BEST FRIEND. Where stories live. Discover now