Chapter 34

146 3 8
                                    


Kasalukuyang nasa operasyon ang aming anak ni Ken. Magka hawak kamay kami ngayon dito sa labas dahil sa kaba.

"He can do it, I know so don't worry." pagpapagaan ng loob na Sabi ni Ken sa akin.

Buti nalang talaga at may taong nag donate na Para sa heart operation ng anak namin.

Naaawa ako sa batang nag donate pero hindi naman siguro masamang makaramdam ako ng kasiyahan Para sa anak ko.

Alam ko Mali pero siguro ito ang naaayon na kapalaran ng dalawang Bata.

Kahapon at binisita namin ang batang iyon at napag desisyonan  narin  namin na Kami na ang bahala sa nagastos nito sa ospital bago mamatay.

Labis ang Pasasalamat ko sa Bata Kaya binigyan din namin ng munting tulong sa kanyang pamilya.

Nanay nalang ang meron sa kanya.

Si papa ang nagbigay tulong sa Ina nito Para Maka provide ng munting tulong sa pamilya nito.

"Wait lang, bili lang ako pagkain natin. Alam naman natin na magtatagalan ang operasyon ng anak natin." ukol ni Ken sa akin.

Nginitian ko siya bilang sagot bago ito umalis.

Wala pa kaming magandang pag uusap ni Ken,dahil ang anak namin ang priority namin sa ngayon.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na si Ken na may hawak na pagkain.

Ibinaba nito sa aking tabi at ito ay Mac Donalds.

Kumain kami pareho dahil talaga namang gutom narin ako. Si mama at papa kasi ang papalit sa amin mamaya ng Gabi dahil nag papahinga parin sila.

Sa Umaga hanggang Gabi kami ni Ken at sila mama naman ay Gabi hanggang umaga.

Maaga din naman kaming pumupunta ni Ken dito sa ospital sa nakaraang araw.

Nang matapos kaming kumain ay nanatili Parin kaming Naka upo dito sa labas.

Ramdam ko ang takot sa mga mata ni Ken, pero hindi lang nito pinapahalata.

"Ken, it's OK if ipakita mo ang kaba at takot mo. Nandito lang ako Para damayan ka", Sabi ko sabay hawak sa kamay nitong kanina ko pa napapansin ang panginginig nito.

"Thank you!, I'm new about this.kaya siguro ganito nalang akong kabahan. Siguro Kung noon ko pa siya makilala ay hindi ako ganito ngayon",na guilty naman ako sa nasabi niya.

Oo, may point talaga siya, pero wala namang may gusto sa nangyari. Basta sa ngayon ay magulo pa ang isipan namin pareho Kaya hindi ko nalang pinalala ang sitwasyon namin.

Magka hawak kamay  parin kami nang bigla ng may lumabas na nurse galing sa loob ng kwarto ng anak ko.

Napatayo kami ni Ken, pero pinahinto niya kami sa pamamagitan ng kamay nito na nakangiti sa amin.

Umupo din ulit kami Pagkapasok ng nurse.

"Sana malampasan na ng anak natin ito Ken. Ilang years narin kasi siyang nakakaramdam ng ganun."sabi ko sa kanya.

" Hindi niya nagawa ang mga bagay na dapat Para sa mga Bata dahil sa sakit nito.Bilang Ina ay hindi ko nanaising makita siya sa ganoong kalagayan. I tried to give him everything he wants, pero Alam ko bilang Bata ay hindi ko nailaan sa kanya ang lahat. Ni hindi nga niya naranasan makipag kumpulan sa ibang Bata dahil sa sakit niya. Ken, ang sakit talaga 😭😭😭", niyakap ako ni Ken matapos ko masabi iyon.

Ang hinihiling ko nalang ngayon ay buong pamilya Para sa anak ko. At Sana makayanan niya itong pagsubok niya sa ngayon.

" Tama na, kailangang matapang  Para sa anak natin", Nabawasan naman ang sakit na nararamdaman ko sa narinig Kong ukol ni Ken.

Lumipas ang ilang araw at naging successful ang naging operasyon ng anak namin.

Ilang araw muna daw ang palilipasin   bago  magising dahil kailangan daw talaga nitong mag Pahinga sabi ng doctor.

Si Ken naman ay never niya akong iniwanan sa kasagsagan ng operasyon ng anak ko.

May puwang na naman sa puso ko ang pag Asa.

Pag Asa na Sana ay kami ay mabubuo bilang pamilya.

Nahihiya naman  akong mag open Para sa bagay na iyon, dahil masakit reject.

"Ken, wala ka bang gagawin sa Pinas? Baka kasi hanapin ka ng pamilya mo. Hindi sa pinapa alis kita pero baka may gagawin ka doon. OK lang naman ang anak natin at free ka naman anytime to visit him here." Sabi ko habang nag memeryenda kami dito sa bahay.

Mamaya kami pupunta sa anak namin sa hospital.

" Wala nang mas mahalaga sa akin ngayon Kung hindi kayo Liza", Biglang nabuhayan naman ang puso ko sa sinabi nito.

"Thank you for being with me Ken, malaking tulong din kasi na nandito ka. Pagka gising ng anak natin ay ipapakilala na kita bilang papa nito", Sabi ko na nakangiti sa kanya.

Nginitian naman niya ako Kaya Masaya akong natapos na kumain.

"Kayo na muna dito anak at uuwi na Kami ng papa mo sa bahay ninyo", paalam ni mama sa akin.

As usual kami ulit ni Ken ang nasa kwarto ng anak namin. Ang awkward palagi ng set up namin ni Ken pero OK lang atleast may kasa-kasama ako palagi.

Bawal muna ngayon ang harot at rupok dahil hindi pa gumigising ang anak namin.







I LOVE YOU, BEST FRIEND. Where stories live. Discover now