Chapter 4

167 6 0
                                        


Basa akong nakauwi, ang sakit pa nga ng paa ko sa layo ng nilakad ko. Buti nalang may nakakita sa akin na ka kilala ni mama sa Daan.

Kung hindi nila ako nakita ay hanggang ngayon ay Para  akong basang sisiw na naglalakad sa kalsada.

Nabasa lahat ng gamit ko Kaya agad Kong inilabas lahat ng nasa sa bag ko Para patuyuin.

Kaliligo ko naman kaya pinatuyo ko muna ang Buhok Ko bago ko naisipang I charge ang cp ko.

Kanina ay hindi ko ito mabuksan dahil sa sobrang pagkabasa nito.

Kinalas ko ito at saka pinahanginan sa may harapan ng electric fan, makaraan ang isang oras na pag katapat nito sa electric fan ay nabuksan ko naman ito.

Miscalls at chatts ni Ken ang una Kong nakita, may kirot sa akin ang pagbabalewala niya sa mga tawag ko kanina Kaya hindi ko siya rineplayan o tawagan man lang.

Alam ko naman na may importante siyang Ginawa Kaya mas maganda Kung hindi ko muna siya kakausapin.

Masasaktan lang ako sa kanya. Bakit ba naman sa kaibigan ko pa talaga nahulog itong puso ko.

Ngayon na may nililigawan na si Ken ay dapat lang na hindi na Kami masyadong magkasama. Baka nga gf na niya ang sinasabi nilang nililigawan niya.

Ni hindi nga na nya ako naisip kanina dahil sa babaeng iyon. Siguro pag malaman ko lang ang pangalan ng babae ay baka makilala ko ito.

"'Nak andito si Ken, " nabigla ako Kaya nahulog ako sa kama ko. Hindi ko siya kayang kausapin ngayon Kaya nagdahilan ako Kay mama.

"' MA, inaantok na ako at pakisabi nalang na matutulog na ako, hindi po maganda ang pakiramdam ko", walang sagot si mama. Pero hindi ko inaasahang si Ken ang narinig Kong nagsalita sa labas.

"LIZ, sorry, hindi ko kasi nakita agad ang tawag mo. Nalowbat ako, OK ka lang ba??", nakatalukbong akong nakikinig sa kanya.

"Bukas nalang tayo mag usap Ken, I'm not feeling well kasi ngayon."

"Sige, alis na ako at hintayin mo ako bukas. Sabay tayong Papasok bukas". Sabi nito na hindi ko na sinagot.

Alam Kong wala akong karapatang magtampo sa kanya pero paano nalang Kung walang nakakita sa akin kanina.at Kung nagtagumpay ang lalaking lumapit sa akin, sino ang magtatanggol sa akin, Kung busy siya sa babaeng nililigawan nito.

Hindi ko mapigilan umiyak dahil feeling ko na broken hearted ako sa hindi ko naman bf.

Nakatulugan ko ang pag iyak at kinabukasan ay hindi ko Maitayo ang katawan ko sa sakit ng katawan ko.

Siguro hindi na muna ako Papasok, baka kasi mas lumala pa ito.

Hindi nga ako pumasok at pinuntahan naman ako ni Ken kanina pero hindi ko siya kinausap. Nagkunwari akong tulog kahit hindi naman. Naramdaman ko ang pag halik niya sa noo bago siya umalis sa kwarto.

Swerte talaga ng magiging gf ni Ken, sweet ito at maalaga sa malalapit sa kanya.

Kahit palaging busy ang mama at papa nito ay hindi ito nag re-rebelde. Ang nanay at tatay nito ay mga business man at woman.

Mag Isa lang na anak si Ken at Kung hindi ako nagkakamali ay Sunday lang sila umuuwi dito sa amin.

Sa Manila kasi sila nakatira at si Ken lang dito, kasama ang kasambahay nila.

Alam ko darating ang araw na do'n narin si Ken mag stay sa Manila, ngayon pa at malapit na kaming mag graduate.

Kumakatok si mama sa labas Kaya agad akong napa upo. Medyo OK na kasi ako dahil sa gamot na pinainom niya kanina.

"Anak, bumaba kana Kung Kaya mo nang kumain. Sabihin mo lang Kung dadalhan nalang kita sa kwarto mo",Sabi ni mama, pero mas ginusto Kong bumaba.

Nang Maka upo ako sa hapagkainan ay kumain ako ng marami, sinigang na isda ang ulam namin ni mama.

"Anak, hindi ka ba magtatanong Kung nasaan ang papa mo?", hindi ko inaasahang Sabi ni mama sa akin.

Sa 16 years Kong namumuhay na walang papa ay ngayon lang niya nabangit ito. Wala akong pakialam Kung nasaan na ang papa ko,kung talagang may pakialam siya sa amin ni mama ay noon PA sana siya nagparamdam sa amin. Pero ngayon na malaki na ako at sanay na wala siya sa poder ko ay magpapakita siya. Hindi ko alam kung anong masasabi ko sa kanya pag nagkataong magpakita siya sa akin.

"MA,we're OK without him, so please, kumain na tayo." seryuso Kong Sabi sa kanya na hindi nakatingin sa gawi nito.

Natapos kaming kumain ni mama na hindi naman niya ulit binanggit ito, na pinagsasalamat ko naman. Naiinis kasi ako, dahil sa biglang pag tanong nito dahil sa papa ko. Alam ko nahihirapan na siya sa pag papa aral sa akin, pero hindi ko alam Kong hindi ko kayang makita ang papa ko ngayon.

Siguro dahil sanay na akong Kami lang ni mama palagi ang magkasama at hindi ko man lang siya nakita.

I'm sorry MA, but I'm not ready yet to meet papa.

Bulong ko na nakatingin na ngayon sa kisame ng kwarto ko.

I LOVE YOU, BEST FRIEND. Where stories live. Discover now