Makalipas ang ilang oras namin sa loob ng eroplano ay Nakarating na Kami ng anak ko.Ang dami naming tulog na dalawa Kaya bago lumapag ang eroplano ay masigla na kaming mag Ina na bumaba.
Walang mag susundo sa amin pero may kinontak si mama na taxi Para dalhin kami sa bahay.
Surprise kasi ito Para Kay papa, wala siyang ka ide-idea sa aming bilang Pagdating.
Hindi naman kami natagalan ng anak ko na mahanap ang sasakyan namin pauwi kasi kanina pa daw ito nasa waiting area.
May papel siyang hawak kanina na may nakasulat na pangalan ko Kaya agad Kong nakita.
Tinulungan kami ni Kuyang driver sa pagbuhat ng mga karga namin. Buti nalang hindi nainip itong anak ko sa biyahe.
Malapit na Kami sa bahay Kaya napalingon ako sa anak ko na parang inaantok na naman.
"Anak, don't fall asleep yet. Malapit na tayo Kay grandma", sabay tapik ko ng mahina sa anak ko.
Mukang inaantok na talaga ito dahil hindi man lang siya nagising sa ginawa ko sa kanya.
"Anak", Sabi ko ulit pero wala na talaga, Nakatulog na siya.
Pagkahinto ng sasakyan ay lumabas muna ako saka lumipat sa kabilang side ng sasakyan. Para buhatin ang anak Kong nakatulog. Baka kasi mauntog siya 'pag hindi dito sa kabila ko siya ilalabas.
Hangga' t maari kasi ay bawal umiiyak ang anak ko ng sobra Kaya dapat lahat ng galaw ay tama lang.
"Kuya, thank you!", Sabi ko sa driver pagkalabas niya ng mga gamit namin.
Hindi ko matawagan si mama dahil karga-karga ko ang anak ko Kaya nag doorbell ako.
Wala kasi akong makita man lang na bantay sa labas.
Pinidot ko ulit ang doorbell at sa huling pindot ko ay Narinig ko na may biglang lumabas Kaya hinintay ko.
Nagtanong ito at laking gulat ko ng boses lalake ito pero hindi si papa.
Hindi boses ni papa iyon.
Hindi ako nagsalita, pero bumukas parin ang gate nila papa.
Gabi na kasi at siguro nakatulugan ni mama ang aming pagdating.
"Sino sila?", Tanong ng Tao kanina at saka ito lumabas.hindi ako pwedeng magka mali. Si Ken ang nasa harapan ko ngayon. Napatitig siya ng matagal bago ulit siya nakapag Salita.
Wala man lang siyang damit pag itaas at boxer lang ang suot nito pang ibaba.
Hindi ko pinakita sa kanya ang pagkagulat ko.
"Liz?", Tanong nito na parang hindi talaga siya makapaniwala sa kanyang nakikita.
"Yes, ken. Baka gusto mo naman akong tulungan, kaysa nakatunganga ka diyan", doon lang siya natauhan at tumungo ito sa likuran ko Para kuhanin ang mga maleta namin.
Dalawa lang naman kaya Kaya naman niya siguro.
Nauna akong pumasok dahil nabibigatan na talaga ako sa anak ko.
Nang makapasok ako sa Sala namin ay pinahiga ko muna ang anak ko sa sofa. Napainat ako sa sakit ng mga braso ko at likod ko, pagod na nga sa biyahe,mabigat pa kanina ang anak ko.
Kaya dobleng sakit ang nararamdaman ko.
Napasandal ako sa upuan, narinig ko naman ang pag pasok ni Ken Kaya lang ayaw ko siyang makita.
Pumikit ako na nakasandal parin sa upuan.
Pinapakiramdaman ko siya Kung umakyat na ito sa taas pero pagmulat ng mga mata ko ay nasa harapan ko na Pala siya.
Nakabalandra pa talaga ang mga abs nito at masugid itong nakatitig sa aming mag Ina.
"Sino ang papa ng anak mo Liz?", Tanong nito.
"Si Jordan", Sabi ko na walang alinlangan sa kanya.
"So, kayo din Pala ang nagkatuluyan?", hindi ko siya sinagot at Pumikit ulit ako.
Bahala siya diyan Kung tumayo siya hanggang bukas, Sabi ko habang nakapikit.
Ang dami kasi niyang tanong eh, may asawa narin din naman ito.
Hindi ko na namalayan Kong umalis na kanina si Ken, dahil sa pagod ko at Nakatulog na ako sa upuan.
Pagka gising ko ay nasa isang kwarto na ako at wala ang anak ko sa tabi ko.
Nasa loob na ako ng kwarto ko.
At tutal, nasa bahay naman ako ay alam Kong nasa baba lang ang anak ko.
Pumasok ako sa banyo at naligo.
Matapos akong makapagbihis ay bumaba na ako at nadatnan ko Sina papa, mama, chill, Ken at katabi nito ang anak ko.
"Anak!, tabi ka dito sa anak mo", Masayang Sabi ni mama.
Hindi ko napansin ang isang Bata kanina sa tabi ni chill.
Mas Bata ito sa anak ko.
Lalaki ito at kamukha ng-kamukha ni chill.
Napatingin ako sa Bata saka Nginitian.
Ba't parang may kamukha ang Bata, napalipat-lipat ang tingin ko Kay Ken at chill pero hindi ko matumbok Kung ano ang na mana ng Bata Kay Ken.
Mas kamukha ni chill ang Bata. Ang mga mata nito ang nakakuha sa akin ng atensyon. Parang may ka parehas itong nakita ko na.
Napa iling ako sa mga pumapasok sa isipan ko.
"Anak, bakit hindi mo sinabi na uuwi kana Pala?",nginitian ko si papa.
"Surprise nga ho", Sabi ko sabay subo sa pagkain sa bibig ko.
Si chill ay himala ng hindi galit sa akin ngayon, pagka tingin ko Kay Ken ay sa akin nakatitig.
"Musta sa Paris apo?", Tanong ni papa sa anak ko.
"It's good Lolo, and mama and papa Jordan always taking care of me", nakangiting sagot din ng anak ko Kay papa.
Masaya naman ang pag uusap namin, at minsan ay Sina Ken at chill ang nag sasalita. Hindi ko pinagtuonan ng pansin ang mga topic nila dahil mas ginusto Kong kumain at pinakain ang anak ko.
Nang matapos ang breakfast namin ay pinaliguam ko na ang anak ko.
Pinatuyo ang Buhok nito saka kami bumaba.
Sa may garden kami tumungo at doon umupo.
Naglalaro ang anak ko sa may damuhan at natutuwa siya sa mga halaman na pananim ni mama.
Hindi naman ako nababahala dahil hindi naman ito masyadong nagpa pagod.
Nang makita ko siyang umupo ay kinuhanan ko siya ng gatas sa kusina.
Pagpasok ko sa kusina ay naabutan ko si Ken na may ginagawa.
Hindi ko siya pinansin at nilampasan ko lang siya.
Sa may gatas ng anak ko ako dumeretso at nagtempla.
Pagkatimpla ko ay tumalikod na ako sa kanya.
Napahinto ako nang hinablot nito ang aking braso.
Napatingin ako sa kanya at saka sinabihan siyang bitawan niya ako.
Hindi siya natinag sa sinabi ko Kaya inulit ko ulit.
"Let me go, Ken. Hinihintay ng anak ko ang gatas niya." walang emosyon na Sabi ko sa kanya.
Matapang na tingin nito ang nakikita ko sa kanya bago niya ako pinakawalan.
Nakahinga naman ako ng maluwag pagkabitaw nito sa kamay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/260886654-288-k698028.jpg)
YOU ARE READING
I LOVE YOU, BEST FRIEND.
Romance"Being In love with your best friend can either strengthen or break your heart". LIZA