CHAPTER 2: Seeing Ghost

9 0 0
                                    

Chapter 2: Seeing Ghost

Irene's POV

Dahil sa nangyari di na ako pumasok sa school, iniisip ko kasi na sino ang magiging kaibigan ko ron? Maliban sa mga multong nakapaligid, minsan hindi ko ring maiwasan na di sila mapansin.

Nawalan na rin ako ng gana dahil sa nangyari. Napagisip-isip ko na umuwi nalang. Pagpihit ko ng doorknob, Isang pigura ang lumutaw sa harapan ko.

"Welcome back to my best friend!!". Halos pagulat niyang bungad sa akin pero kahit Isang bakas ng reaksiyon sa mukha ko wala siyang nakita.  Dumeretso lang ako, sinara ang pinto at dali daling humiga sa paborito kong kama.

"Trisha, pwede bang magpahinga muna ako?". Tanong ko.

"Bakit? Wait..alam ko na, someone makes you disappointed again?". Umupo siya sa tabi ko. Alam na alam at kilalang kilala niya talaga ako sa bawat angulo.

"You really know me a lot". I answered.

"Irene, you know that you're the only person who makes me feel I'm alive that's why you're my best friend,I know everything even your dad".

She's right,Trisha is my ghost best friend since she was alive until she's dead, even though we're in a reverse world she never left me and always by my side.

"I met a person seeing ghost then I thought he can understand my way but he didn't believed me that's why I'm here". Pagpapaliwanag ko in a long story short.

"Irene, alam ko na darating din ang araw na may isang taong maniniwala sayo, hindi man sa ngayon pero you know, everything has its own right time".

Hindi naman sa hindi na ko naniniwala pero mahirap ng umasa tapos bigla ka na lang mad-disappoint. Pero "I hope so". Huli Kong sabi.

It's morning and I'm preparing to go to school, pakiradam ko na ayaw kong pumasok ngayon pero para di naman sayang yung binabayad ni dad sa dorm ko papasok nalang ako .

Una ko palang pasok dito sa university kasama ko na si Trisha siya lang ang nakilala kong kaibigan at kasa-kasama.  Always siyang nasa tabi ko even when breaktime she's on my side talking to me.

Always akong nakatambay dito sa shed ng school before classes or pwede ring breaktime, dito kasi halos walang dumadaan so freely akong makausap tong si trisha.

"Irene, mukhang wala pang tao". She said
Always ko rin kasing tinitingnan kung bukas na ba ang PN club or paranormal club.

"Bukas ko nalang ulit titingnan". Sabi ko

"Irene...di ka ba nagsasawa na maghintay dito? halos araw-araw na nating ginagawa to". Daing niya.

"Trisha, alam mo naman kung gaano ko kagustong sumali sa club na yun gaya ng sabi ni dad". Huminga ako ng malalim. "Alam mo namang gusto niya ko na makasali dito diba?".

Naiintindihan niya ko, dahil walang kahit sinong mas nakakaintindi sa akin kung hindi siya. Mula pa nung buhay siya kasama ko yan maski sa kahit anong kalokohan na alam niyan.

"I will go now". I said at nauna nang umalis. Nakakailang hakbang palang ako ng marinig kong tawagin niya ko.

"Irene". Tawag niya so lumingon ako pero imbes na siya may lalaking humawak ng pupulsuhan ko, hinatak niya yun na syang dahilan kung bakit natumba kaming dalawa.

Namalayan ko nalang na napaibabaw ako sa kanya. Nang imulat ko ang mga mata ko nagulat ako at biglang tumayo.

"Pasensya na". Paumanhin nito.

"Ano bang g-ginagawa mo?". Halos nahihiya ko pang sabi. Ang awkward ng posisyon namin kanina!

"Pasensya na nakita ko kasi na may multong tumawag ata sayo.... I think it's a bad spirit so idecided na hatakin ka". Paliwanag niya.

ECHOES OF UNSEENWhere stories live. Discover now