CHAPTER 7: Partners in Case

0 0 0
                                    

Chapter 7: Partners In Case

Hindi naging maganda ang tulog ko dahil tila nagimbal ang mundo ko ng marinig ang mga sinabi ng nasa kabilang linya, Hindi ko alam ang nangyayari parang Hindi kayang intindihin ng utak ko ang sinabi nito.

Matapos ang tawag Dali-dali akong napapasok sa loob ng dorm at binuksan ang tv. Sa pagkakatanda ko flight NA1300 ang pinalipad ni Dad. Baka Kasi mali lang ng tawag, wrong call pero di mawala sa isip ko nung binanggit niya ang pangalan ni Dad. Hindi lang din naman si Dad ang may ganong pangalan Hindi ba?,

Shit!

Lalong nagunaw ang mundo ko ng mapanood sa balita na nagkaroon nga ng plane crash ang flight NA1300 at si Dad pa naman ang pilot non.

"Irene,saan ka pupunta?". Tanong sa akin ni Trisha habang nag-aayos ako ng gamit.

"Sa hospital". Sagot ko Hindi Siya tinatapunan ng tingin. Naiinis na ko. Bakit ako pa?, bakit sa akin pa kailangan mangyari to?

"Hindi ka okay, baka Anong mangyari Sayo".

"Trisha". Tawag ko at hinarap Siya. "Kailangan kong pumunta baka kasi ano okay lang si Dad, nawalan ng malay Ganon". My voice almost cracked.

Lumabas na ko ng dorm matapos makapagpaalam kay Trisha. Alam ko namang susulpot Yun dito at mamanmanan ako kaya medyo panatag ako kahit papaano.

Sumakay agad ako ng taxi dahil malayo layo ang hospital na sinabi sa akin nung tumawag. Buong biyahe, kaba, lungkot, sakit, inis ang naramdaman ko. Nawala na nga si Mom pati ba naman si Dad?,

Pumasok agad ako sa loob ng makarating. Bumungad sa akin ang napakaraming pasyente. Humihingi ng tulong, Ang iba ay umiiyak na dahil kailangan nila ng agarang panggamot wala ring magawa ang mga doktor at nurses dahil sa dami nila Hindi nila kayang pagsabay-sabayin.

Lumapit agad ako sa information lane at doon nagtanong. "Uhm, excuse me? May pasyente ba kayong Logan Gil Lopez? Saang room Siya?".

"Sandali po, check ko". Ani nito. Ang kamay ko Hindi mapakali, nanalalamig. Nang matapos ay hinarap niya agad ako.

"Wala po kaming Logan Gil Lopez na pasyente". Sagot nito.

"Ha? Ate Hindi po pwede yon, may tumawag po sa akin ang Sabi Isa ang Dad ko sa aksidente". Apela ko. Sinubukan ulit niyang i-check ang data nila Ngunit bigo siyang umiling sa akin.

Imposible namang Wala ang pangalan ni Dad dito, kasama siya dun sa aksidente, Siya pa nga ang piloto kaya paanong..

"Nandito po ba si Nurse Ren?". Tanong ko sa nurse. Siya ang tumawag sa akin kahapon.

Nagmamadali akong pinuntahan siya. Hindi na mapakali ang sarili kong maka-usap siya. Hindi naman ako nabigo dahil Nakita ko agad Siya. May inaasikaso siyang ibang pasyente.

"Nurse Ren?". Di sigurado Kong tawag. Lumingon Naman ang may-ari ng pangalan kaya nilapitan ko siya.

"Ikaw si?".

"Daughter of Logan Lopez". Sagot ko na nagpakumpirma sa kanya.

"Follow me". Sagot nito. Sumunod Naman ako sa kanya. Akala ko dadalhin niya ko kung nasaan si Dad pero nagkamali ako nandito kami ngayon sa parang mini office. May kinuha siya sandali at humarap sa akin.

"Ito oh". Ani nito sabay abot sa akin ng Isang cellphone na pamilyar. "Mister Lopez's phone". Taka kong tinanggap ang cellphone sa kanya.

"I need to go, marami pa kaming pasyente". Wika nito sabay lakad paalis.

Ano to? Cellphone lang ang pinunta ko dito? Nasaan si Dad? Dito lang naman dinadala lahat ng pasyente Mula sa plane crash ah.

"Sandali". Pigil ko at humarap sa kanya. "Nasaan si Dad? I mean, hindi ba dapat don mo ko dalhin sa kanya?".

ECHOES OF UNSEENWhere stories live. Discover now