Chapter 10: I Quit
"He has the same ability as yours like Althea... Our Former and Creator of the Club".
"He has the same ability as yours like Althea... Our Former and Creator of the Club".
Parang sirang plakang paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan. Hindi ko lubos na maisip na sa ganitong paraan ko pa malalaman. Ang sakit lang sa akin, bumabalik na naman ung mga araw na nakasama ko si Tristan Lalo na ung tungkol Kay Xavier.
He has this psychic ability tapos parang pinaparamdam sa akin na parang nagi-imahinasiyon lang ako? Na parang hindi totoo ang mga sinasabi ko like kayang kong pumunta ng spirit world.
If he has this same ability as mine, why didn't he tell me?. Pakiramdam ko nung unang sabak ko sa club kakaiba ako, na parang ako lang nakakaintindi sa sarili ko. Kaya Hindi ko maisip na....
Khael also said to me na alam din ni Harvey ang tungkol dito, si Celestia lang ang di niya sigurado. Hindi rin inaakala ni Khael na ganito kalaki ang pinagbago ng club, dati raw kasi kahit na mabababaw na case o kaya kahit di connected sa club nila tinatanggap nila agad tapos lahat masaya pero Ngayon Hindi na.
Tuluyan ng binago ng nakaraan si Tristan Gusto ko mang alamin ang dahilan at nangyari, Wala akong karapatang magtanong at magsabi. Hayaan ko na lang na sila na mismo ang mag-open up kung kaya na nila at gusto nila.
"Bat malungkot ka diyan? May masamang nangyari ano?". Tanong ni Trisha. Nasa dorm kami ngayon, kasalukuyan akong nakahiga na sa kama at handa ng matulog pero di ako makatulog.
Kung ano-ano na tumatakbo sa isip ko dahil sa dami ng ganap, di ko alam kung anong uunahin ko.
"Pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit nagkagulo sa club kanina". Sagot ko.
"Ayan ka na naman, sinisisi mo na naman ang sarili mo". Ani nito. "Wala kang kasalanan, Hindi mo na kasalanan ang hidwaan nila, ni Hindi mo nga alam ang nangyari ih".
Kahit Anong sabihin niya Ganon pa Rin talaga. Sinisisi ko pa rin Sarili ko.
"Paano kung, Malaman mo na may kapareho kang kakayahan?". Tanong ko na bigla ko ring ikinagulat dahil bigla siyang tumalon sa kama ko at tumabi sa akin na parang nakikipag-one-on-one.
"Seryoso?". I nodded. "Edi maganda kung ganoon nga, kasi di mo na mararamdaman na kakaiba ka". Bagay na ikinalungkot ko.
Sana nga ganun nga pero Hindi eh, para akong nadurog. "Sino ba yan? Kilala ko ba?". Umiling lang ako sa kanya.
"Panigurado magagalit ka lang, baka nga sugurin mo pa bukas". Sagot ko sabay talukbong ng kumot. "Sigii na matulog na tayo".
"Aning, Ikaw matulog! Nakalimutan mo atang Hindi natutulog ang multo". Napailing-iling na lang ako sa sinabi niya.
Pagkapasok na pagkapasok, ibinaba ko muna ang bag ko saka pumunta sa kabilang room. Hindi siya sumasagot sa mga text ko kaya baka napano na, Malay ko ba kung emotional iyon Ewan ko nalang kung Anong gagawin nun.
Hinanap ko siya at Hindi naman nabigo ang mga mata ko dahil Nakita ko siyang nakaupo sa may bintana. Nagpasuyo ako na tawagin Siya, kaya ngayon naglalakad na siya papunta sa direksiyon ko.
"Kumusta?". Bungad nito.
"Ikaw ang kumusta". Balik ko. Munti lang siyang napangiti. "Magkita tayo mamaya sa tapat ng infirmary". Sabi ko.
"Bakit? May sakit ka ba?". Nag-aalala nitong Tanong.
Umiling ako. "Hindi, Wala. Basta kita tayo doon mamaya!". Huling Sabi ko Bago bumalik sa room.
YOU ARE READING
ECHOES OF UNSEEN
Fiksi Penggemarwhat would you do if one day you grew up and realized that you are different. That you can see what's beyond that others can't... Irene Lopez discovers her extraordinary gift to see into the spirit world, a talent that sets her apart from everyone e...