Chapter 9: Heat Up
"Ako si Hector Palma, mula sa Gas 2". Pakilala nito.
Matapos niyang sumulpot kanina Hindi na namin napagpatuloy ang usapan sa halip ay pinatuloy namin siya.
Nagsimula na siyang magkwento tungkol sa bagay na nangyayari raw sa may pool area. Dahil sa sinabi niyang iyon, naging interesado kami sa iba pang detalye. Katabi ko ngayon si Khael, sa harapan ko naman si Tristan, sa gilid nito ang nakatayong si Harvey at si Celestia na nasa kaliwa ko katabi ang nagpakilalang si Hector.
"Nagsimula ang lahat nung nakaraang Isang linggo". Simula nito. Sa Ngayon pinakikinggan namin ang kwento niya.
"Every Monday, kami ang unang gumagamit ng pool area tuwing umaga pero dahil sa nangyari hindi na muna pinagamit ang pool...".
"Ano bang nangyari? Hindi naman ipapasara ang pool that day kung hindi naman Malala diba?". Saad ni Harvey.
Tumango si Hector bilang pagsang-ayon. "Nung araw na iyon, ayos naman ang lahat wala namang kakaiba pero may bigla na lang sa aming tumawa ng napakalakas".
Tumawa? Kakaiba naman yata ang pangyayaring ito.
"Maybe there was just a funny thing". Komento ni Celestia.
Umiling si Hector. "Yan ang hinala namin nung una pero bigla itong lumusong ng pool. Wala pa sa amin ang pinapayagan, Hindi pa rin naman kami naka-swim wear.".
"Tumawa, Lumusong, Bakit niya iisiping gawin iyon? Nakakapagtakha nga..Kung ganon maaari-".
"Why don't you shut your mouth first?". Putol ni Tristan kay Khael "Let him finish". Nagkatinginan ang dalawa. Parang may nabubuong tension na naman.
"Kung ganon nga ang nangyari, posibleng ginamit ang katawan niya to do something or kinokontrol siya nito....". Parang naiwan ang mga salitang sinabi ko dahil naalala ko na naman ang nangyari kay Xavier.
Nung mga panahon na iyon kinokontrol siya ng babaeng iyon. Maging nung Kay Dad, parang kayang manipulahin ang nangyayari.
"You okay?". Tanong na nagpabalik sa akin. Tumango ako at hinayaang magpatuloy si Hector sa pagkuwento.
"Akala namin excited lang siyang mag swimming kaya ang iba sa amin umalis para magpalit. Isa na ako doon". Pagpatuloy nito. "Ilang sandali pa, narinig namin ang sigaw ng mga iba kong classmates kaya agad kaming lumabas para tingnan iyon, ganun nalang ang gulat namin ng makitang..... Lumulutang na sa pool ang katawan nito".
He was possessed or controlled by someone. Kahit na kakaiba ang ikinikilos nito tila wala man lang ni isa ang pumigil.
"Anong pangalan nito?". Tanong ni Harvey.
"Jomar Sarmiento". Sagot nito.
"Last week lang nangyari pero ngayon mo lang naisip na sabihin?". Tanong ko.
"They thought it was a simple incident, I think something else happened after that". Celestia added na sinang-ayunan naman ng huli.
"Gaya ng sabi ko nakita nalang siyang nakalutang sa tubig". Pagpapatuloy nito. "Tumawag kami ng tulong tapos nun sinabi na patay na si Jomar...".
Napasinghap ako sa narinig ko. Is it true once you're under control, whoever controls your body parang wala kang malay. Hindi mo nararamdaman kung ano ng nangyayari sayo kaya may pagkakataon na ganito ang kalalabasan.
"Because of what happened, they close the pool area. The detective Club handles the case after that, akala namin okay na pero nangyari ulit nito lang lunes".
Matapos ang naging usapan napagpasiyahan muna naming bumalik sa kanya-kanya naming klase. Kasabay din Kasi nito ang pagtunog ng bell.
Hindi pa sila nakakapagpasya kung kukunin nila ang kaso pero para sa akin kukunin ko na, Sabi nila titingnan daw muna nila ang pool area bago sila magdesisyon.
YOU ARE READING
ECHOES OF UNSEEN
Fanfictionwhat would you do if one day you grew up and realized that you are different. That you can see what's beyond that others can't... Irene Lopez discovers her extraordinary gift to see into the spirit world, a talent that sets her apart from everyone e...