Kabanata 20
It's been a week since I left Elliot's house. I stayed there for one more day waiting for his message or calls. But I didn't received any. That was the sign I was looking for. We were done. I got our title. We ended that way.
Bakit ba ako umasa na magkakaroon ako ng lugar sa puso ni Elliot. Si Elliot na mukhang hindi pa rin napapatawad ang sarili niya sa nangyari sa fiance niya. Si Elliot na mukhang walang plano para sa akin.
Masama ang timpla ko, physically, mentally and emotionally—pero kailangan kong magtrabaho. Sa off day ko, uuwi ako sa Valenzuela, para ibigay ang titulo kay Mama.
Magdadahilan na lang ako na nagloan ako para at nakiusap sa pinagkuhanan ko na huhulog-hulugan ko pa.
Ayokong sabihin kay Mama ang ginawa ko. Masasaktan iyon. Last thing I wanted to happen was to hurt my mom.
"Max?" Napaangat ang tingin ko mula sa computer papunta sa pinanggalingan ng boses. It was Doc Patrick.
"Doc?" Gulat na tanong ko.
"Malalim yata masyado ang iniisip natin, ah." Isang ngiti ang sumilay sa labi niya.
"Ah, masyado lang akong consumed sa trabaho." Mabilis na sagot ko sa kaniya.
"May kailangan po ba kayo?" Tanong ko. Magalang pa rin ako sa kaniya bilang doktor namin siya kahit magkaibigan kami.
"I was asking you about the records and charts of the patient in bed number three."
"Ah okay, wait po Doc." Inayos ko ang mga papel na hinihingi niya at inabot sa kaniya iyon.
"Thanks, Max. Lunch time na. Kain tayo." Aya niya sa akin.
Tatanggi sana ako pero 'yong mukha niya parang nagpapaawa pa.
"I won't accept no, for an answer," he said smiling from ear to ear.
"As if I have a choice." Ngumiti rin ako. Sige para panandaliang mawala ang bigat na nararamdaman ko.
Nakipagpalitan ako kay Pia na katrabaho ko para makapag-lunch break.
Sa Cafeteria lang naman kami.
"Kumusta kayo ni Mister Zaragoza? Boyfriend mo ba siya?" Nagulat ako sa straight forward na tanong ni Doc Patrick.
"Ah, naku, hindi po, Doc. Acquaintance lang kami." Sagot ko. Totoo naman, walang kami ni Elliot. Baka noon masasabi kong may kami. Pero ngayon hindi. Tapos na ang kalokohang pinasok ko.
"I thought he was your boyfriend. Iyong asta niya kasi sa party ay parang sobrang possessive niya sa'yo. Madalas ka pa niya sunduin." Hindi ko siguarado pero umiba ang awra ni Doc Patrick sa naging sagot ko.
"Ah, may mga inasikaso lang akong bagay with him. Mga papeles ng papa ko noong buhay pa siya." Mabilis na sagot ko. Kaduda-duda nga naman na sinundo na ako ng ilang ulit at possessive si Elliot masiyado.
"Max. I have something to tell you." Napaangat ang tingin ko kay Doc Patrick mula sa pagkain ko.
"Ano 'yon, Doc?" Kunot noong tanong ko.
"I like you." Natigilan ako nang marinig ko iyon. Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko.
"Ahm, you see, it's okay if you don't feel the same but please give me a chance." Mahinahom na sabi niya.
"Doc, a—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita muli si Doc Patrick.
"It's almost time balik na tayo." Aya sa akin ni Doc Partick na giniya na ako pabalik sa pediatrics.
BINABASA MO ANG
Elliot's Bed Warmer : ZBS 2
Aktuelle LiteraturDahil sa malaking pagkakautang ng ama ni Maxene, at ang nagbabadyang pagkuha ng pinagkakautangan nito sa bahay na parte na ng kanyang buhay at mula pa sa mga magulang ng ama ay napilitan siyang pagbayaran ang utang sa lalaking nagngangalang Elliot Z...