Kabanata 30

8.3K 278 114
                                    

Kabanata 30

Tuloy ang buhay, mas magaan na ang pakiramdam ko kasi kasama ko na si Mama. Pinili ni Mama na mag-stay sa apartment kasama ko. Para alagaan ako.

May instant cook kami at lagi kaming busog ni Kim.

"Anak, sigurado kang papasok ka?" Paniniguro ni Mama nung magpaalam ako sa kaniya.

"Opo, Ma. Okay naman po ako hindi naman po siguro ako susumpungin ngayong umaga."

Biglaang morning shift kasi ako from night shift kaya nag-aalala si Mama. Alam niyang tulog na tulog ako sa umaga.

"Mag-ingat, kapag kailangan mo ako magmessage ka agad."

"Yes, Ma. Thank you." Niyakap ko siya at hinilig ang ulo ko sa balikat niya. Mas matangkad sa akin si Mama ng kaunti. Ewan ko ba kung bakit ang liit ko.

Nalaman na rin ng Kuya ko ang sitwasyon ko, hindi lang namin sinabi ang naging set up namin ni Elliot, ang sinabi lang namin ay hindi kami okay ng tatay ng dinadala ko. Nirespeto naman ng Kuya ko ang sitwasyon at desisyon ko.

Kaya malaking kaluwagan ito sa akin. Ang hindi ko na lang naipapaalam ay ang sa trabaho. Pero ngayong shift balak ko na itong sabihin sa head nurse namin.

Smooth ang naging duty ko ngayong umaga, good thing at naka-duty ngayon ang head nurse kaya sinandya ko na siya sa working area niya.

"Mam Tess? Busy ka po ba?" Paunang tanong ko sa kaniya dahil nakita ko siyang may mga papel na hawak sa kamay.

"Hindi naman, Max. May kailangan ka ba sa akin?" Nakangiti nitong tanong.

"May gusto lang po sana akong sabihin sa inyo." Kabado kong sabi. Lumapit ako sa kaniya st umupo sa tabi niya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, hudyat niya para magsalita na ako.

"Buntis po ako." Mahinang bulong ko.

"Hay salamat umamin na rin." Napaangat ang tingin ko sa sinabi niyang iyon.

"Umpisa pa lang ng pagkakasakit mo nahalata ko na."

"Halata po ba?" Kumpirmang tanong ko pa.

"Oo nahalata ko, grabe ang pamumutla mo at ang morning sickness mo. Hindi ko alam paano kita tutulungan, I respect your silence kaya hindi kita pinangunahan."

"Thank you for understanding, Mam Tess."

"Ilang weeks na ba 'yan?"

"Twenty-four weeks po."

"Okay, nagtatago pa si baby." Hinaplos niya ang tiyan ko.

"Huwag mo na iyang itago at hayaan si baby mag-grow." Parang maiiyak ako sa sinabi ni Mam Tess.

Matapos iyon ay nagkuwentuhan pa kami.

Noong sumunod na araw, nalaman na rin ng mga kasamahan ko ang sitwasyon. Hindi maiwasan ang tanungin ako tungkol sa ama ng dinadala ko. Simpleng ngiti lang sinasagot ko. Ni minsan naman ay hindi nila nakita na may nakasama akong lalaki.

Break time na at naglalakad na ako papunta sa Nurses Lounge.

"Grabe ano, buntis pala? Tatahi-tahimik lang pero nabuntis." Napatigil ako sa pagpasok sa lounge nang marninig ko iyon. Boses iyon ng isa kog kasama.

"'Di ba nililigawan 'yon ni Doc Patrick tapos bigla na lang natigil?" Tanong ng isa kong kasama na kung hindi ako nagkakamali ay taga kabilang Department. "Tapos close sila uli?" Habol pa nito.

"Hindi naman siguro nila anak iyon ni Doc?"  Sawsaw ulit ng isa pa taga kabila rin iyon.

"Baka may iba pa siyang kalandian." Iyon ang huli kong narinig bago may humawak sa kamay ko at hinila ako sa  stock room.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon