Kabanata 21

18.4K 565 112
                                    

Kabanata 21

Lumipas ang mga araw hanggang sa naging buwan. Ginawa ni Doc Patrick ang lahat para ipakitang seryoso siya sa akin. Sa puso ko si Elliot pa rin ang hinahanap ko, kahit mahigit isang buwan na mula nang umalis ako sa bahay niya. Wala na akong narinig na anuman mula sa kaniya. Walang tawag o text kahit sana noong nakabalik na siya.

Nagpatuloy sa pag-ikot ang buhay ko. Balik sa dating Maxene noong panahong hindi ko pa kilala si Elliot. I go parties with friends, enjoyed being single. Pero lagi ko siyang naiisip, sobrang malakas ang epekto niya sa akin na hindi ko siya nalimutan sa loob ng dalawang buwan.

Dumaan ang Pasko at New Year na malungkot ako. Pinilit kong maging masaya sa harap ng pamilya at mga kaibigan ko.

Dumating pa sa punto na akala ko ay buntis ako, pero delayed lang pala ako, dahil siguro sa stress at pag-iisip.

Sa totoo lang, kahit mali ay umasa ako. Naisip ko, kung buntis ako. Magkakausap kami ni Elliot. Baka may tyansa kami. Pero hindi. Hindi siguro talaga inadya iyon para sa amin. Dahil komplikado.

Sa ngayon, pinipilit kong pasayahin ang sarili ko. Kinukumbinse ko ring malimutan ko na si Elliot ng tuluyan.

Masugid si Doc Patrick, alam ng buong department na nililigawan niya ako. Napagbigyan ko na rin siyang kumain sa labas, hinahatid niya rin ako kapag sabay ang out namin. He always insisted it, I have no choice but to say yes to his generosity.

Tanghali ngayon, niyaya na naman ako ni Doc kumain sa cafeteria. Nag-uusap kami ni Doc kaya nakangiti rin ako sa mga kuwento niya. Napadaan kami sa conference room ng mga director. To my surprise, I saw a familiar figure. He was entering the door of the conference room. Likod pa lang ay kilala ko na.

Elliot Zaragoza

I knew he was one of the stakeholders of this hospital. Bakit hindi ko naisip na maaari kaming magkita rito?

Panandaliang huminto ang pagpintig ng puso ko. I missed him. Bakit kailangan ko siyang makita ngayon? Bakit saktong ganitong oras pa siya dumating sa oras ng lunch break ko.

Parang iniisip ko lang siya kanina tapos nakita ko siya ngayon.

"Max?" Nabalik lang ako sa katinuan nang marinig kong tinawag ako ni Doc Patrick.

"Ano 'yon?" Tanong ko sa kaniya.

"Are you even listening?" He asked chuckling. "Hindi ka nga yata nakikinig sa sinabi ko." Tumawa pa siya.

"Ano nga 'yong kinukuwento mo?" Bumaling ako sa kaniya.

"About the hospital's expansion. May meeting na gaganapin for the said expansion in Batangas. At base sa mga balita ng iba. Zaragoza Constructions Services will do the project. It was a company by Mister Zaragoza's family, considering he's one of our stakeholders and their family is local of Batangas, I heard he has a politician brother, seems like this family is very rich and popular." Mahabang paliwanag niya.

Alam ko at kilala ko silang lahat. Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko ginawa.

"Ow, magkaka-expansion pala tayo sa Batangas." Komento ko, ang panganay na kapatid ni Elliot ang may hawak ng constructions company ng pamilya nila, maaaring nagkaroon sila ng partnership at sa Batangas pa gagawin—hometown ng mga Zaragoza.

Ibig bang sabihin nito ay makikita ko rito si Elliot ng madalas? Parang biglang bumilis ang pintig ng puso ko sa isiping iyon. Hindi ko alam kung dapat ba akong umasa na may magiging usapan pa sa pagitan namin kahit na magkasalubong kami.

Magiging awkward ba ang lahat kung bigla kaming magkasalubong? Anong sasabihin ko kung makita ko siya ng harap ko?

Lahat ng mga katanungan na iyon ay tumakbo sa isipan ko buong lunch break. Nakikinig lang ako sa mga kuwento ni Doc Patrick pero hindi ko masyadong iniintindi.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon