Kabanata 5

77K 1.2K 48
                                    

Kabanata 5

Kinabukasan ay gumising ako ng ala-cinco para mag-prepare. Mabuti nga't nagising ako ng maaga kahit feeling ko wala akong tulog na nagawa. Dahan-dahan lang ang naging kilos ko . I don't want to woke him up. Mabuti na lang at mukhang malalim ang tulog niya

I left him a note. Naghanda rin ako ng breakfast para sa kanya. I need to make something to persuade him and not cancel our agreement.

Pagkalabas ko ng building ay naglakad na lang ako, maaga pa naman at sa palagay ko ay kailangan ko makalanghap ng hangin. Isa pa ay malapit lang talaga ito sa ospital.

Lutang ako nang makarating sa ospital. Pero sinaway ko din ang sarili ko. I need to get rid of it. Kailangang hindi ma-apektuhan ng personal life ko ang trabaho.

"Ang aga mo, Max." Bati sa 'kin ng head nurse namin sa pedia. Sa pediatrics kasi ako naka-duty. Mas gusto ko kasi dito sa pedia, bukod sa natutuwa ako sa mga bata at isa pa hindi gaano mabigat ang trabaho dito unlike sa Emergency na favorite ni Kim. Ewan ko ba sa best friend ko, gusto iyong lagi siyang aligaga.

"Maaga po nagising, Mam Tess." Umupo na ako sa nurse station kung saan ako naka-assign.

***

I was busy checking the records ng may gwapong lalaking lumapit sa akin, he was holding a cute little girl na pulang-pula na ang mukha mula sa pagkaka-iyak.

"Sssssh...sssh... Don't cry please, don't cry, Daddy's here." Napangiti ako sa narinig ko. Ang macho, pero bumibigay sa baby. Pero agad na nawala ang ngiti ko noong maalala ko si Elliot. I was not a baby anymore, pero I can associate his treatment to me last night to this handsome guy to his baby. Napakalambing niya kagabi—but suddenly became cold again.

"Sir, what can I do for you?" I asked him politely.

"Nurse, wala kasi siyang tigil sa pag-iyak kapag gising siya. I don't know how to calm her, even the maids, walang kayang magpatahan. I don't know what to do with her.

"Okay, Sir. Nurse Judy, pakikuha po ang bata." Utos ko sa isang intern. "Sir, can you fill up this info for your baby's record?" Inabot ko sa kaniya ang papel para sa records ng bata. "I want her on a private room."

"Sure, Sir." napatingin ako sa lalaki, iba ito. Well he was wearing a white polo shirt and khaki pants. Mukhang simple lang.

Ewan ko kung namalikmata lang ako. The baby's name was Cassia Audrey Trinidad. And the guardian's name was Casimiro Zaragoza. Pero hindi e, tama naman pagkakabasa ko.

"Sir punta na po kayo sa room 108, papunta na po doon ang doktor." Pumunta naman siya doon kasunod ang isang katulong.

"Ang gwapo, Max 'no?" Bulong sa akin ng head nurse na si Mam Tess. "Teka anong pangalan n'un? Pamilyar sa 'kin 'yong lalaki." Inabot ko sa kaniya ang clipboard kung nasaan ang information.

"Oh my sabi na siya si Konsehal Casi, ng isang bayan sa Batangas, gwapo pala talaga siya sa personal, alam mo bang ilang beses na 'yang na-feature sa mga magazines and TV shows. OMG, pero teka anak niya 'yon?"

"Hay naku, Ma'am mauna na ako." I said uninterested to her story. Ang. concern ko lang ay ang apelyido noong Konsehal.

Pumasok ako sa private room na inookupa ng bagong pasyente. Totoo ngang sikat na personalidad ito, dahil mayroong isang guard sa labas ng kwarto.

"She's already asleep, Sir." Sabi ni Doctor Marasigan na bumaling sa 'kin. "Nurse Max, wala naman akong nakitang mali. Just observe her and interview the guardian, call me if there is something wrong."

"Okay po, Doc." Paalam ko sa doktora.

"Sir, I am Nurse Max." pakilala ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin at pinagsalikop ang dalawang kamay. "Okay na ho si Casia, just let her rest. At magtatanong naman po ako ng mga information tungkol sa anak niyo. Ayos lang po ba, Sir?" Magalang na tanong ko sa kanya.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon