Kabanata 24

21.4K 528 46
                                    

Kabanata 24

Seryoso si Elliot sa sinabi niyang magdate kami. Three months. Naging hatid sundo niya ako sa nakalipas na buwan. Minsan lang ay tinatanggihan ko siya. Especially on a graveyard sched that wasn't fit on his time.

We became exclusively dating during the past three months. Hinayaan ko ang set up namin na parang nasa getting to know stage. I avoided going to his house or us going somewhere where we could be alone. Hindi ko muna siya pinagbibigyan sa sex. We sometimes do make out—pero hanggang doon lang muna.

Iniiwasan ko muna ang sumama sa bahay niya, kaya madalas dito kami. Parang back to square one kami, na na-skip namin dahil sa kontrata. Basta ako, masaya sa meron kami.

"Hey baby?"  It was Elliot on the other line.

"Ellie..." ngiting-ngiting sagot ko. I was very excited upon hearing his voice.

"Uuwi ka ba ng Valenzuela for the election tomorrow?" Tanong niya sa akin.

"Yes, I will cast my vote. Day off ko." Mabilis na sagot ko.

"Anong oras ka babyahe? Bukas ba?" Usisa pa niya. Mula nang naging kami, Elliot was no longer a man of few words. He also learned how to smile and laugh—or proper say, 'he regained his smiles again. Gaya nga ng sabi ni Mamita.

"Baka ngayon or kung tamarin ako, bukas." Nakangusong sagot ko. "Oh—uuwi ka rin ba sa Batangas for Casi?" Naalala kong botante siya sa bayan nila para suportahan ang kapatid na tumatakbong  mayor.

"Yes, I will, may party sila na ihahanda for Casi." He said in a happy tone, like he was smiling on the other line.

"Bukas ka na babyahe niyan?"

"Yes, kahit tanghali na siguro. Gusto mo bang ihatid kita after your duty? I'll pick you up at work then we will go." Nagulat ako sa tanong niya, kung gusto niya akong ihatid—it means he wanted to meet my mom.

"Sure ka ba? Baka may work ka pa sa oras ng labas ko, at mag-aantay ka rin dahil hindi pa rin ako nakapag-ayos ng gamit." Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang nililigpit ko ang pinagkainan ko sa maikling break-time ko.

"I always have time for you."  Parang sinindihan ng apoy ang sikmura ko sa narinig. Am I really listening to Elliot?

"Aww, my boyfriend is so sweet." Ngiting-ngiting sagot ko. Alam kong namumula na ang pisngi ko sa kilig.

He chuckled on the other line, I can imagine him grinning with his eyes smiling. I really love Elliot's smiling face.

Napalingon ako bigla sa narinig kong pagtikhim mula sa likuran ko. To my surprise it was Doc Patrick standing on the door frame of the pantry area of the pedia ward.

"Talk to you later, five pm out ko. Bye." Nanginginig na in-end ko ang call at inilagay iyon sa bulsa ko.

Tumango ako sa kaniya at bumalik na sa Nurse's Station.

Biglang sumariwa sa ala-ala ko ang usapan namin noong sumunod na araw pagkatapos niya kami makita ni Elliot.

"Doc..." umpisa ko. Alam ko siyang harapin at kausapin. Narito kami sa nagkita sa pantry.

"Doc, gusto ko sana humingi ng tawad, para sa pagpapaasa sa iyo at hindi ko agad pagsabi sa iyo na wala tayong pag-asa. Sorry." Mahinang tinig na pahayag ko.

"You and Mister Zaragoza, matagal na ba kayo?" Mababa ang tinig na tanong niya.

"Nagkaroon kami noon ng parang mutual understanding, basta it was complicated at nagkaroon lang nang maayos na usapan kahapon nang magkasama kami sa Batangas. Sorry for lying to you about what we had, akala ko kasi wala lang kami noon, kundi isang magulong usapan. Alam ko na nasaktan kita. Sorry, Doc." Pagkasabi ko noon ay payukong lumabas ako sa pintuan pero nagulat ako noong hawakan niya ang braso ko.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon