Kabanata 25

24.3K 550 150
                                    

Kabanata 25

The next morning, I was awakened by the knocks on the door. Mabilis akong napabalikwas at nagpanic. Elliot and I weren't wearing anything from the love making we did overnight.

"Nak, kain na kayo." Narinig kong tawag ni Mama, mula sa labas. Naalimpungatan din si Elliot at dumilat.

"Sunod po kami, Ma." Pagkasabi ko noon ay narinig ko na ang yabag ni Mama sa kahoy na sahig.

"Good morning, sorry ang aga mo nagising. Maaga kasi si Mama talaga maghanda ng umagahan. Sumulyap ako sa orasan at nakitang alas-siyete na nang umaga.

"Good morning, it's fine." Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

"Bangon na tayo. Babyahe ka pa sa inyo." Tumayo ako at hinagilap ang mga damit ko. Inabot ko kay Elliot ang t-shirt at shorts.

"I want to stay more here with you." Napangiti ako at kinilig sa sinabi niya. I love this side of him. Hindi ko inakalang may sweet bone rin pala ang isang ito.

"Bawi na lang ako pagbalik natin ng Manila." Ginulo-gulo ko pa ang buhok niya. Nagbihis na ako. Nawala na ang hiya kong rumampa sa harap niya.

"Tara na, bago ka bumyahe ay kumain ka." Aya ko ulit sa kaniya. Nag-umpisa na siyang magsuot ng damit.

"What time will you go to the voting site? Are you going home after that?" Usisa niya na umupo sa kama.

"Pag-alis mo, punta na ako doon. Baka mamasahe ako mamayang hapon." Sagot ko sa kaniya habang nagsusuklay buhok.

"Hmm, what if I'll wait for you. Then come with me in Batangas?" Napabaling ako sa kaniya sa sinabi niya.

"Hmm..." pilyang ngumiti ako. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Pag-iisipan ko." Nagulat ako nang biglang lumapit si Elliot hinila ako paupo sa kandungan niya.

"Ayaw mo ba akong kasama?" May lambing sa tono ng boses niya. Nakatagilid ako pero kita ko ang mga mata niya. Tinakpan ko ang bibig bago nagsalita. Di pa nga pala ako nakapagmumog.

"Hmm, sige na nga. Pasalamat ka 'di ko kaya i-resist ang gwapo mong mukha, ang mga mata mong cute at 'yang mga labi mo sa tuwing nagpa-pout iyan." Hinawakan ko siya sa pisngi.

Mabilis napalitan ng ngiti ang mga labi niya.

"Let's eat, I'm starving." Ewan ko pero kapag naririnig ko ang starving sa kaniya ay may iba pa akong naiisip. Pinilig ko ang ulo ko para alisin ang naiisip ko. Tumayo ako at hinila na siya pababa.

Sa tangkad ni Elliot at halos malapit na siya mauntog sa kisame ng second floor. Medyo mababa kasi ang kisame sa may bandang puno ng hagdan.

"Kain na kayo." Aya ni Mama sa amin noong nasa baba na kami.

"Kain po." Baling ni Elliot kay Mama.

"Nakakain na ako, kayo na lang. Salamat." Nakangiting sagot ni Mama na nagkakape lang sa harap namin.

"Aalis ka rin ba pagkatapos kumain?"usisa ni Mama kay Elliot.

Sasagot sana si Elliot pero sumabad ako. "Ma, sasabay din po ako kay Ellie pag-uwi, pagkatapos po natin bumoto." Tumango-tango si Mama.

"Elliot, anong trabaho mo?" Parang gusto kong takpan ang bibig ni Mama dahil usisera na siya.

"I run a Telecommunications Company." Napanganga si Mama sa sagot ni Elliot. Parang gusto ko nang pigilan si Mama sa pag-uusisa at baka maungkat ang tungkol sa titulo at sa kontrata namin ni Elliot.

Sana lang talaga hindi pa napagtatanto ni Mama ang pangalan ni Elliot.

"Ilang taon ka na?" Patuloy na tanong pa rin ni Mama.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon