Kabanata 19
Alas tres. Iyon ang oras na nakita ko sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kwarto ni Elliot.
Hindi ko alam kung sadyang mababaw ang tulog ko ngayon o hindi ako nakatulog mula noong dumating ako, tatlong oras na ang nakakaraan.
Nakabukas ang kurtina ng bintana at malayang sumisilay roon ang liwanag na nagmumula sa buwan.
Umupo ako mula sa pagkakahiga. Bumaling ako kay Elliot. Nakatihaya siya at nakabaling ang mukha sa akin. Without touching his face, I traced it, his eyes, long lashes, his pointed nose, his lips, his prominent jaws.
I watched him in his peaceful slumber. Habang tinititigan ko siya ay parang isang palabas na unti-unting nag-flashback sa akin ang unang araw na nagkita kami, kung paano kong in-offer ang sarili ko bilang pambayad sa kaniya na sa gulat ko'y pinatos niya.
Ang unang gabi namin na hindi natuloy dahil nalaman niya na wala akong karanasan. Ang mga bagay na ginawa ko para mapapayag siyang huwag kanselahin ang usapan namin na handa akong ibigay sa kaniya ang sarili ko. Nangyari iyon at naibigay ko ang sarili ko sa kaniya. Pero hindi ko pinagsisihan ang bagay na iyon kailanman.
Mga masasayang alaala namin noong magbakasyon kami sa rest house niya sa Cebu. Mga family gatherings kung saan niya ako pinakilala bilang girlfriend niya.
Ang pag-stargaze namin sa likod ng pick up niya na humantong sa isang mainit na gabi. Dumagdag pa ang surprise niya sa akin noon birthday ko. Sumulyap ako sa isang lamesa kung saan nilagay ko sa maliit na flower vase ang isang piraso ng bulaklak. Napangiti ako. Hinawakan ko ang suot kong necklace na regalo ni Elliot sa akin.
Those were the precious moments and things I will treasure in my heart forever. Makahanap man ako ng ibang mamahalin, alam kong sa isang bahagi ng puso ko ay mayroong Elliot.
Nagkaroon naman ako noon ng boyfriend pero iba ang naramdaman ko kay Elliot, nahulog ako ng matindi sa kaniya—kahit hindi naman dapat at hindi totoong kami.
Hindi ko namalayan na nag-uunahan na pala sa pagpatak ang mga luha ko.
Hindi ba siya nakaramdam ng pagmamahal sa akin sa nakalipas na anim na buwan?
Dalawang araw na lang ang natitira sa petsang nakasulat na huling araw ng kontrata namin. Mamaya ang flight ni Elliot para sa business trip niya sa New York. Matatapos ang kontrata na wala siya rito.
Sa nakalipas na tatlong araw matapos ang dinner date namin ay hindi namin napag-usapan ang tungkol sa pagtatapos ng kontrata.
***
"Why are you crying?" Umiling-iling lang ako mula sa tanong na iyon ni Elliot.
"Ayos lang ako, overwhelmed lang ako. Iyakin talaga ako kapag ganitong birthday ko." Sagot ko sa kaniya.
"Oh, Baby! Sorry for making you cry." He said kissing my forehead while wiping the tears on my cheeks.
"Thank you, Ellie. Salamat sa surprise mo ngayon." I said with all my heart.
"I'm glad you are happy." He said and claimed my lips. Nanatili akong nakayakap sa bewang niya habang tinutugon ang halik niya.
Pareho kaming naghahabol ng hininga matapos iyon.
"It's getting late and chilly here. Let's go home." Aya ni Elliot. Hinila niya na ako papunta sa passenger seat at inalalayan pasakay.
Buong byahe ay hawak ni Elliot ang kaliwang kamay ko. Inaalis niya lang iyon sa tuwing kailangan niyang hawakan ang gears.
BINABASA MO ANG
Elliot's Bed Warmer : ZBS 2
General FictionDahil sa malaking pagkakautang ng ama ni Maxene, at ang nagbabadyang pagkuha ng pinagkakautangan nito sa bahay na parte na ng kanyang buhay at mula pa sa mga magulang ng ama ay napilitan siyang pagbayaran ang utang sa lalaking nagngangalang Elliot Z...