Kabanata 27

18.4K 478 92
                                    

Kabanata 27

Hindi ko alam pero para akong natulos sa kinauupuan ko nang makita ang screen saver niya.

Mahirap kalaban ang taong patay na, at mahal na mahal ng taong mahal mo.

Mabilis kong kinurap ang mata ko para sa mga luhang nagbabadyang bumagsak. Bumaba si Elliot upang sagutin ang tawag. Hindi ko nakita ang tumatawag dahil napako ang mga mata ko sa screen saver.

"M-Max.." tawag niya sa akin.

"Aalis na ako, Ellie." Patalikod na ako nang bigla niya akong hinablot sa may kanang pulsuhan.

"Where are you going?" Ayoko na magkasagutan pa kami kaya maigi pang umalis ako at palipasin ang sama ng loob.

"Aalis na 'ko." Mariing sabi ko, pinipigil kong mapiyok at maiyak.

"I thought you will stay here with me."

'Akala ko rin, Elliot.' Gusto ko sanang isagot pero nanahimik ako.

Nagpaalam siya sa kausap niya sa kabilang linya.

"Did I upset you, or something?" Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Sincerity was evident in his eyes.

"What are we?" I asked him, hindi kumibo si Elliot. "Ano ako sa'yo, Elliot?" Nakita ko ang gulat sa mukha niya sa tanong kong iyon. Nang hindi siya kumibo ay sinundan ko pa ang tanong.

"Siguro kasi mahal mo pa si Abbie?" Tanong ko ulit kahit parang pinipisil na ang puso ko sa hindi pagsagot ni Elliot. Nakita ko kung paanong biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya.

"Mahal mo pa rin ba siya?" Tanong ko, nangingilid na ang luha ko. Pero wala akong natanggap na sagot.

"Mahal mo pa rin siya?" Ulit ko sa tanong na nagbabakasakaling may isasagot siya, dahil baka hindi niya lang narinig ng maayos. Ngunit bigo ako. Nakatanga lang siya sa harap ko at walang kahit anong mabasang ekspresyon sa mga mukha niya. Blanko.

"Let's end this here. Tama na, Elliot."

Wala siyang kibo, nakatulala lang siya sa akin. Ni isang salita walang namutawi sa mga labi niya. Wala namang tao rito sa parking area niya kaya walang nakarinig sa usapan namin.

Ipiniksi ko ang kamay ko at nabitiwan niya iyon.

"Alam kong mali na nahulog ang loob ko sa iyo sa loob ng ilang buwan na magkasama tayo sa kontrata. That was my bad." Hindi ko na mapigilang umamin.

"At mas malaki akong tanga na umasang mayroong tayo. Siguro na-miss mo lang ang presensya ko. Kaya mo ako pinursue. Baka ganoon pa rin ang tingin mo sa akin, babaeng nagbayad utang sa iyo gamit ang katawan at dangal." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Ayoko nang magtanga-tangahan sa iyo, Elliot. Hindi ko alam ang namagitan sa inyo, kaya hindi ko alam kung paano ko rin siya mahihigitan." Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko, maaaring mga salitang matagal ko nang gusto masabi sa kaniya.

Tumalikod na ako at mabibilis ang hakbang na lumakad papunta sa labas. Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko gamit ang likod ng kanang kamay ko. Impit kong pinipigil ang mga hikbi ko.

Hindi ko alam bakit ang hirap ng kalabang wala naman na sa mundong ito. Masakit pero sinikap kong makaalis sa building na iyon kahit sobrang nanlalabo na ang mga mata ko.

Sinabi ko lang sa taxi driver ang address ng apartment namin at tuluyan na akong umiyak doon. Wala akong pake, kung sumusulyap pa sa akin ang driver. Gusto ko lang pagaanin ang dibdib ko.

Kung mahalaga ako sa kaniya, I know he will run to me, kung hindi, bahala na lang. Wala na sigurong pag-asa sa amin.

Hindi ko namalayang nasa harap na ako ng apartment, ni hindi ko namalayang ilang beses na akong tinatawag ng driver. Kinailangan niya pa akong kalabitin para lang matauhan.

Elliot's Bed Warmer : ZBS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon