Kabanata 3

3.5K 59 0
                                    

Kabanata 3

Number

Nagpatuloy kami sa inuman ng naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko. I saw my sister calling me.

Lumabas ako ng bar upang ma sagot ko ang tawag.

"Hello?"

"Oh, where are you? Umalis ka daw sabi ni Mama pagkarating mo?"

"Oo, pero nag paalam ako kay Mama kanina nung umalis ako."

"Okay, Huwag ka masyado mag pa gabi. May simba bukas." Paalala niya.

"Yep, pauwi na din naman ako." Napahilot ako sa ulo ko ng nakaramdam na ng hilo.

I ended the call. I was about to enter on the bar again when I saw Abdiel. Lalagpasan ko dapat siya pero hinila niya ako.

"Ano iyon?"

"You're drunk. I'll take you home."

"No, kaya ko ang sarili ko." I said, politely. Umiling siya at hinila ako. Nagulat ako ng makita ang gamit ko na nasa kaliwang kamay niya.

"Akin na ang gamit ko." Hinila ko ang bag ko ngunit inangat niya iyon.

"Ano ba! Masakit na nga ang ulo ko nangti trip ka pa!" Inis na sabi ko at tumalon upang kunin ang bag.

"Lasing ka na kaya ihahatid na kita."

"Hindi ako lasing!"

"Sinabi mo kanina masakit ang ang ulo mo. That means you're drunk woman. Let's go."

"Bakit ba?! Ano bang pake mo! Naging pasyente lang naman kita ah!" Napatingin ako sa kaniya ng hawakan niya ng mariin ang kamay ko na pilit umaabot sa bag ko. Umiigting ang panga niya at madilim ang tingin niya sa akin.

Hinila niya ako papunta sa kung saan. Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng sasakyan niya.

"Lead me the way." He said, tumango lang ako. Pumikit ako upang iwasan ang pagka hilo.

Argh, I'm tipsy.

"Here's the address." Binigay ko cellphone ko sa kaniya at pinagpatuloy ang pagpikit.

"HEY, gising na." I woke up when I felt someone is shaking me.

"Ano ba?! Huwag mo akong alugin masusuka ako!" Umayos ako ng upo at kinuha ang gamit ko. Binuksan ko ang pinto at lumingon sa kaniya ng huling beses.

"Thanks for taking me home." Bulong ko at pumasok na sa loob ng gate. Tumingin ulit ako sa sasakyan niya at nakita ko na pinaandar na niya iyon.

Pumasok na ako sa loob ng bahay, pag pasok ay hinubad ko na agad ang takong ko.

"I'm home!" Sigaw ko. Nagulat ako ng makita ko si Katelyn, Honey at Ate Zab sa sala.

"Oh, anong ginagawa nyo diyan?"

"Tara inom tayo!" Yaya ni Katelyn.

"Pass, kaka inom ko lang." Sabi ko at umakyat na paakyat.

"Bukas na nga lang!" Rinig ko pang sinabi niya.

Nag half bath ako at paghiga ay nag cellphone pa ako ng konti bago matulog.

I woke up when I heard someone bagging on my door.

"Sino yan!"

"Hoy, bumangon ka na dyan! May simba!" I heard the voice of my sister. I heard her yawn.

Bumangon na ako at tinignan ang orasan. It's now seven thirty.

Kinuha ko ang towel sa likod ng pinto at bumaba upang mag banyo.

Castellan Series #1: Alondra Zabreana CastellanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon