chapter 16

1.9K 33 2
                                    

Aida's POV

Abala ako sa pagbibihis ngayon dito sa kwarto ko. Aalis kami para mamasyal ngayong araw dahil nangako si Terizla kay Anatacia na mamamasyal sila kapag bumuti na ang lagay ng anak namin. Sabi ni Terizla ay maya Maya lang nandito na siya sa bahay. Si Anatacia naman ay nakabihis na at naglalaro sa Sala sa baba.

Panay ang halungkat ko dito sa mga gamit ko dahil Hindi ko makita ang kwintas ko na may zodiac sign na Scorpio. Magulo narin ang lamesa ng mga make up ko dahil sa kakahanap no'n. Halungkat dito, halungkat doon. Kahit saan Hindi ko talaga Makita. Nang mapagod ay umupo muna ako sa kama. Wala pa Naman si Terizla. Inisip ko muna Kung saan ko possibleng nailagay 'yon. Kaso hindi ko talaga matandaan. Nang mapagod kakaisip ay sumuko narin ako at nag-ayos ulit ng itsura ko.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba. Nadatnan ko si Anatacia na abala sa paglalaro ng chess kasama ang Isa naming yaya. Tinitingnan ko ng mabuti ang anak ko. Makikita mo Kasi sakaniya na Isa siyang matalinong Bata. Mabait din siya at mapagmahal.

"Yaya, Hindi po ganiyan." Biglang Saad Ni Anatacia. Napangiti Naman ako dahil sa inasta Niya. Halatang napapagod na siya kakaturo sa yaya namin kung paano laruin ang chess.

Napakamot Naman sa ulo si Yaya jossel tsaka umayos ng pagkakaupo.

"Eh, Hindi ko man makuha kuha kung paano laruin. Aba'y sumasakit ang ulo ko. Litong lito na ako, suko na talaga ako." Sabat ni yaya at nameywang kahit nakaupo siya.

"Okay, we'll start from the top." Wika ni Anatacia. Lumapit ako sakanila at tumabi kay Anatacia.

"Sweetie, next time mo nalang ulit turuan si Yaya jossel mo. Aalis na tayo Maya Maya. Pagpahingain mo muna si Yaya mo, okay?" I said and kiss her head. Ngumuso naman siya NG bahagya atsaka lumingon kay Yaya jossel.

"Next time nalang po ulit, Yaya jossel. I hope you can learn how to play na." Sambit nito at tumayo.

"Osya, Mauna na po muna ako sa kusina ma'am aida." Saad ni Yaya jossel at tumayo sabay dumiretso sa kusina. Si Anatacia Naman ay pinagpag Ang kaniyang damit at ako naman ay tumayo na din.

~DING DONG~

"Dadddy!!!" Biglang masayang Saad Ni Anatacia at tumakbo palabas. Tsk, Parang Alam Niya na agad kung Sino ang nagdodoor bell, a.

Sumunod ako sakaniya palabas at naabutan ko siyang binuksan ang gate. Nang bumukas 'yon ay bumungad si Terizla na ngiting ngiti at may bitbit na dalawang Rosas. Nang Makita Niya si Anatacia ay agad Niya iyong niyakap at binuhat. Tuwang tuwa naman si Anatacia na nagpakarga sa daddy Niya.

"Good morning." Bati ko kay Terizla at lumapit sakaniya.

"Good morning, honey." Bati Niya pabalik at hinalikan ako sa pisnge. Agad na nagsiakyatan Ang dugo ko sa pisnge. Kainis....-,-

"Daddy, para kanino po 'yang flowers?" Tanong ni Anatacia sakaniya. Ngumiti Naman si Terizla at pinisil ang pisnge ng anak.

"This one is for you because you're my princess," sabay abot ng pulang Rosas Kay Anatacia. "And this one is for your mommy because she is my queen." Dagdag Niya at inabot sa'kin Ang Isa pang rosas.

Namumula ko namang tinanggap 'yon at ngumiti. Si Anatacia Naman ay tuwang tuwa at inamoy amoy pa ang bulaklak na bigay sakaniya ng daddy Niya.

"Thank you, daddy. I love you po." Masayang Saad nito. Saka hinalikan sa pisnge ang ama.

"Thank you..." Saad ko lang at tinignan Ang hawak Kong Rosas.

"Wala ba akong kiss?" Nanunuksong Saad niya Kaya bigla akong napatingin sakaniya at pinandilatan siya ng Mata.

THAMUZ SERIES 1: He's back |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon