Aida's POV
Prenteng prente akong nakasandal sa pader ngayon ng kitchen ng hotel. Oo, bumalik na ako sa trabaho dahil okay naman na ang lahat. Ang tagal ko ding nawala at laking pasasalamat ko na hindi ako tinanggal ng boss namin. Si Anatacia ay iniwan ko muna sa mga kasambahay namin dahil may trabaho din si Terizla.
Noong una ay ayaw na ako pagtrabahuin ni Terizla pero hindi ako pumayag. Pinagtalunan pa naming dalawa ang pagtatrabaho ko pero sa huli ako rin ang nagwagi. Nakwento din sa'kin ni Terizla na may bago siyang project at si Farrah ulit ang leading lady niya.
Gusto ko sanang magselos kaso tinamad ako. Atsaka isa pa, nagkabalikan na kami ni Terizla kaya malabo ng maagaw niya pa sa'kin ang boyfriend ko. Oo, boyfriend lang dahil hindi pa naman kami kasal. Sila mommy at daddy naman ay hindi parin nakakauwi. No'ng isang araw ay tumawag sila upang ipaalam sa'kin na magtatagal daw sila doon dahil may inaasikaso parin daw sila na hindi pa natatapos. Pero hindi ko parin nakwento sakanila na nagkabalikan na kami ni Terizla. Saka nalang kapag nakauwi na sila.
"Bitch, lunch time na natin. Baka gusto mo kumain at i-kwento sa'min lahat ng nangyari?" Saad ni sofia.
"Oo nga naman, girl. Kamusta na si baby tacia? Okay na ba siya?" Sulpot ni alexa na may bitbit ng tray na may lamang pagkain.
"Tara, maupo muna kayo. Kukuha lang ako ng pagkain tapos magkwekwento ako." Wika ko at umalis. Kumuha ako ng tray at naglagay ng pagkain roon. Pagkatapos ay pumunta ako sa gawi nila alexa, alex at sofia. Umupo ako sa tabi ni Alex tsaka inilapag ang pagkain ko.
"So kamusta na nga?" Biglang bungad agad ni alexa.
"Okay na ngayon si Anatacia. Okay na ang lagay niya at nasa bahay na. No'ng maaksidente si Anatacia, kinailangan niya ng dugo kasi maraming dugo ang nawala sakaniya." Pagsisimula ko.
"Buti naman naagapan mo si baby tacia, salamat naman sa diyos at okay na siya ngayon." Saad ni sofia.
"Actually, hindi ako ang nagbigay ng dugo sakaniya...." Sabat ko rito. Gumuhit naman ang pagtataka sa itsura nilang tatlo.
"Huh? Anong ibig mong Sabihin?" Tanong ni Alex.
"Hindi ikaw? Eh sino pa magbibigay sakaniya ng dugo bukod sa'yo? Duh." Sabi ni sofia at napairap pa ng mata.
"Bobo, kung hindi si Aida, edi 'yong Ama ni baby tacia. Nakow! 'yang utak mo walang laman—TEKA?! KUNG HINDI NGA TALAGA IKAW...." Lumaki ang mata ni alexa at napapaturo pa sa'kin dahil sa nasabi. Bigla naman siyang binatukan ni Alex dahil sa ingay niya.
"So, 'yong daddy niya nga ang nagbigay?" Alex asked. I nodded as an answer for he's question. Biglang napatakip sa bibig si alexa at sofia habang si Alex naman ay nakatingin lang sa'kin pero baka sa mukha niya ang gulat. At halatang hinihintay nilang tatlo na bumukas ang bibig ko para magsalita.
"Yes, tama kayo. Ang daddy nga niya ang nagdonate ng dugo para sakaniya. Bakit? Hindi kami same ng blood type. Tanging daddy niya lang ang kaparehas niya." Humiwa ako ng steak tsaka sumubo bago tumingin sakanila na hindi parin makapaniwala.
"So nameet niya na ang daddy niya? Owemjiii! The handsome Terizla Jay Ferrer?!?!" Saad ni sofia sa'kin at titig na titig sa mata ko. Tumango ako ulit bilang sagot.
"Gosh! Nagkabalikan na ba kayo?!" Tuwang tuwa at napapasigaw na Tanong ni sofia.
"Oo... Kami na ulit—"
"KYAAAAAAAH!!!!" Sabay na sigaw ni sofia at alexa dahilan para pagtinginan kami. Si Alex naman ay napatakip sa tenga niya at sinaway 'yong dalawa na manahimik. Napakamot naman ako sa ulo ko at pilit ngiting tumingin sakanila.
"Hehehe..." Tawa ko at nagpatuloy sa pagkain.
"Baka naman sa susunod pwede namin siyang mameet! Gusto ko makapagselfie kasama siya! Kyaaaaah!!" Kinikilig na saad nitong si sofia.
"Oo nga! Gusto ko din siya makaselfie! Ang gwapo gwapo no'n. Magaling umarte at sikat na sikat pa. 'yon nga lang, ayaw ko sa palaging leading lady niya na si Farrah." Saad ni alexa at napairap pa. Huh? Anong meron kay Farrah?
"Bakit? Anong meron kay Farrah?" Tanong ko habang kumakain parin.
"Sabi nila, sobrang suplada daw no'n. Kunyari mabait kapag may camera at kapag kasama si Terizla. Balita ko may gusto din 'yon kay Terizla at parang linta kung makadikit sakaniya. I really hate that girl, mabuti nalang at magaling din siyang umarte kaya nakakayanan ko pa siyang panoorin sa palabas nila ni Terizla." Napatango tango naman ako dahil sa sinabi ni alexa.
"Uhm, excuse me girls, I'll just go to the lavatory." Paalam ni Alex Kaya tumango nalang kami.
So may gusto pala si Farrah kay Terizla? Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Gwapos si Terizla, mabait, hot, magaling umarte, mayaman, matalino at kung Ano ano pang katangian na meron siya. Pero hindi niya makukuha si Terizla sa'kin dahil kami na ulit at hindi ko hahayaan na mapunta siya sa iba. Napailing iling nalang ako dahil sa nga naiisip. Kahit na may kasabihan na, 'kung ang asawa nga naaagaw, boyfriend pa kaya?' nageexist sa utak ni Farrah, pasensyahan kami pero ako ang mahal ni Terizla.
"Pero anyways, masaya kami ni alexa na kayo na ulit. May pag-asa ng mabuo ang pamilya mo, Aida." Nakangiting wika ni sofia. Ngumiti din ako sakaniya at nagpasalamat. Nagpatuloy na kami sa pagkain at kalaunan ay natapos rin. Kaniya kaniya kaming umuwi matapos ng trabaho namin at ako naman ay dumiretso sa bahay.
"Mommy!!!" Bungad sa'kin ni Anatacia ng makauwi ako. Sinalubong niya ako ng yakap Kaya niyakap ko din siya pabalik.
"Oh, nandito kana pala. Magbihis kana muna at nagluluto na ako ng dinner para sa'tin." Sulpot ni Terizla na nakasuot ng black apron. Wala naka pink t-shirt ito at taslan short na itim. Ang cute cute niya.
Lumapit ako sakaniya at hinalikan siya sa pisnge. Ngumiti lang siya sa'kin kaya umakyat nadin ako para maligo at magbihis. Pagkatapos ko ang bumaba ako agad at tinulungan si Terizla na ayusin ang hapagkainan namin. Sinabay namin sa pagkain ang mga katulong namin at pagkatapos ay nagmovie marathon Kaming tatlo ni Terizla at Anatacia.
Natulog kami agad pagkatapos ng lahat. May pasok Kaming dalawa bukas Kaya kailangan na naming magpahinga para magkaroon ng lakas.
A/N: wazzup kabitches and sperm!
BINABASA MO ANG
THAMUZ SERIES 1: He's back |COMPLETED|
Cerita PendekWARNING: Matured content. 17 below is not suitable for this story. "I'm p-pregnant..." nauutal na wika ko sa harap ni Terizla, my boyfriend. Agad siyang napatingin sa gawi ko ng marinig Ang lahat ng sinabi ko. "W-what? No! Hindi pwede! Dad will be...