Aida's POV
"Please bring back our Anatacia, Terizla." Boses ni mommy 'yon at umiiyak siya. Anong nangyayari?
"I will Tita, kayo na po muna ang bahala kay Aida. Babalitaan ko po kayo agad kapag nabawi ko na si Anatacia kay Farrah." Sagot naman ni Terizla. Teka? Ang anak ko na kay Farrah? Paano?
Naalimpungatan ako ng tuluyan at nagmulat ng mata. Tumingin ako sa gawing kanan kung saan nando'n si mommy na umiiyak habang si daddy naman ay hinahagod ang kaniyang likod at pinapatahan siya. Si Terizla naman ay hawak hawak ang kamay ni mommy at lahat sila ay mukhang nag-aalala. Nakatagilid sila sa gawi ko kaya hindi nila ako napansin na gising na. Muli kong inalala ang mga nangyari.
Gumagala kami sa park at nakaupo kami ni Terizla sa bench. Hanggang sa tinawag kami ni tito at sinabing nawawala—
"ANATACIA!!!" Biglang sigaw ko at napabangon. Bumaling naman sa'kin silang tatlo at agad akong nilapitan ni Terizla.
"Hey, shit, are you alright?" Nag-aalalang sambit nito habang hinahaplos ang pisnge ko. Tumingin ako sakaniya at nagsimulang umiyak.
"Honey, nasaan si Anatacia? Nasaan ang anak ko?" Umiiyak na wika ko at nanginginig dahil sa kabang nararamdaman.
"Shhh..shhh stop crying, alam na namin kung nasaan siya ngayon. Kinuha siya ni..."
"Nino tez?! Wait, awhile ago you said that Farrah took her.. for what?! Why did she took my daughter?! What's up to her?!" Sunod na sunod na tanong ko habang 'di napigilan ang pagtaas ng boses ko.
"Calm down, calm down—"
"Paano ako kakalma?! Kinuha niya ang anak ko! Ano ba ang kailangan niya, Tez?!" Ramdam ko na ang pamumuo ng galit sa'kin. Don't let me see you Farrah, kayang kaya kitang dalhin sa impyerno at kahit si satanas ay 'di ako mapipigilan sa pagsunog sa halang mong kaluluwa.
"Pupunta na ako ngayon sa lugar na napag-usapan namin ni Farrah. Ako ang kailangan niya, Aida. Hindi daw ako pwedeng magdala ng kahit na sino bukod sa sarili ko. But I already contacted the polis and special forces, susunod sila sa'kin. I'll take Anatacia back, okay? I promise." Saad nito at hinalikan ang noo ko. Doon lang ako muling umiyak.
"Sasama ako *sob* hindi pwedeng wala ako doon. Kailangan ako ng anak ko, Terizla." Umiiyak na sambit ko at yumakap sakaniya.
"Hindi pwede, kailangan mong magpahinga —" hindi ko na siya pinatapos pa magsalita. Kumalas ako sa yakap tsaka tumayo. Tinanggal ko ang mga dextrose na nakakabit sa'kin.
"Sasama ako sa ayaw o gusto mo." Pagmamatigas ko.
"Aida, anak—" pagtawag ni mommy.
"No, mom. Kailangan ako ng anak ko. Si Terizla ang mauunang pumunta doon at ako, sasama ako sa mga polisya." Hindi na nakapagsalita pa sila mommy at daddy pati narin si Terizla. Nagkatinginan lang silang tatlo at napabuntong hininga.
I'm coming, Sweetie. Wait for mommy.
Terizla's POV
Gaya ng napag-usapan ay nauna akong pumunta sa address na ibinigay ni Farrah. Habang minamaneho ang kotse ko ay nakasunod ang mga polisya sa'kin sa likod.
Minutes had passed when I reached the destination. Agad akong bumaba sa kotse ko at tinignan ang lugar na sinasabi ni Farrah. It was an abandoned Building. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang number ni Farrah. Three rings then she suddenly picked up.
BINABASA MO ANG
THAMUZ SERIES 1: He's back |COMPLETED|
Storie breviWARNING: Matured content. 17 below is not suitable for this story. "I'm p-pregnant..." nauutal na wika ko sa harap ni Terizla, my boyfriend. Agad siyang napatingin sa gawi ko ng marinig Ang lahat ng sinabi ko. "W-what? No! Hindi pwede! Dad will be...